Unang Kanta
Nagsusulat ako ng kung ano ano sa diary ko. Hanggang sa maisipan kong magsulat ng kanta. Tutal wala naman akong magawa, edi magsusulat nalang ako ng kanta.
Kinuha ko ang gitara ko at nagsimulang magstrum habang nagsusulat.
Hindi pa ako masyadong maalam sa mga lyrics kaya masyadong mabagal at matagal ang pag kakagawa ko. Mabagal ang melodiya nito, at hindi masyadong mataas ang tono. Tama tama lamang ang tempo ng kanta.
Pumasok si Macey sa kwarto ko at tumabi sa akin, tinabingi niya ang kaniyang ulo para tignan ang gawa ko. Nagtataka siya. Macey is my cousin.
"Omg, what the freak are you writing!? Are you writing a song!?" pa arte niyang sagot. Ang over talaga netong babae nato.
"Yes, I am. Why?" sagot ko. Masyado akong busy sa pag stastrum ng gitara kaya hindi ko na nasasagot ang karamihan sa mga tanong niya. Ang dami.
"First time lang kita nakitang gumawa ng kanta 'eh. Pero duh infairness, ang ganda ng boses mo." she said and smiled at me.
"Thankyou? Pwede ba, lumabas ka nalang muna dahil hindi ako makatuon ng atensyon dito." i rolled my eyes at her and she laughed.
"Para kanino ba yang kanta?" she asked, kaya natigilan ako. Kanino nga ba? Para ba ito sa sarili ko? O para sa kaibigan ko?
Matagal akong natulala kaya binatukan niya ako. "Stupid creature, tinatanong kita tapos di kana sumagot? Aalis na ako, bye na." padabog niyang sinara ang pinto. Epal.
Napatigil ako sa pagsulat ng naisip ko muli ang tanong niya kung para kanino ba ang kanta. I was just tapping my pen at my desk while thinking. Masyado akong complicated sa sinusulat ko. It's like automatic na sumusulat ang kamay ko. Hindi ko naman naisip kung para kanino ba talaga to. Masyado siyang meaningful eh. I titled the song as "Laging Ikaw"...
Para ba sa kaibigan ko ito? O para sa kahit kanino lamang?