Magkaibigan"Anong sinusulat mo?" tanong ko kay Kin.
Hindi siya sumagot kaya tinagilid ko ang ulo ko para tignan ang sinusulat niya. Mahabang kanta ata to, dahil mapupuno na ang isang pahina ng notebook.
"Anong title ang isusulat mo?" tanong ko sakaniya. Hindi siya sumasagot kaya nagtataka na ako. Galit ba sya?
Lumapit ako sa kaniya, at tumabi sa kinauupuan niya. "Okay ka lang ba?" i asked and tapped his shoulder.
Nang naramdaman niya akong nakaupo sa tabi niya. Iniangat niya ang kaniyang ulo.
Umiiyak siya, pulang pula ang kaniyang mga mata, at parang wala na siyang tulog.
"Anong nangyari sayo!? Bakit ka umiiyak? Sinong may gawa nito sayo, ha!?" pasigaw kong tanong. Sinandig niya ang kaniyang ulo sa balikat ko. Patuloy parin siyang umiiyak.
I was brushing his hair while he is sobbing again. "Gusto kita, Vi." napahinto ako sa ginagawa ko ng sinabi niya iyon. Iniangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin ng malalim. He was like measuring the every corner of my face.
"Matagal na kitang gusto. Sobrang tagal." sabi niya pa. I smiled at him genuinely para sabihing okay lang.
Bumalik siya sa pagkakasandig niya sa balikat ko. "Kung gusto mo ako, bakit ka umiiyak jan?" i asked him.
"Kase natatakot ako na kapag sinabi ko, irereject mo ako. Baka layuan mo ako, o kaya iwan. Ayokong masira ang friendship natin kaya umiiyak ako." he said slowly.
"We will stay as friends. Nalilito ka lang. Bata pa tayo. Wala pa akong balak sa mga ganyan, kase inuuna ko yung mga responsibilidad ko. Ayoko maging katulad ni Mama na nabulag sa pagmamahal." i said. "Wag ka nang umiyak, magkaibigan pa rin tayo. I know that my response may hurt you kase rejection yun, pero ayokong masira ang friendship natin." I smiled at her.
"Sorry, Vi. Nalilito nga lang siguro ako." he said and smiled at me genuinely. His smile is the sweetest thing i had ever seen.