Prologue

17 1 0
                                    



*ANG LIBRO NG PROPESIYA*

Nakatala dito ang magaganap sa sakaluyan, na kung saan kapag lumipas ang apat na daang tao ay ang tatlong pamilya na nagtataglay ng malakas na kapangyarihan sa mundo ito ay nakatakdang sabay-sabay na magsisilang ng sanggol higit lamang sa isang araw. Ang mga sanggol na ito ay napili at itinakda ng panahon  na makakapag pabago sa takbo at balanse ng mundo.






400 year later

Lumipas na ang nakatakdang panahon at araw sa pag silang ng mga sanggol na pinili.








Mintz Clan

"Konti tiis na lang laura, kumapit ka para sa bata." Dinig ko ang tinig ng kumadrona habang ako ay nalatay sa aking higaan.

Hindi ko inaasahan ang pang hahayari na mag sisilang ako ng sanggol dahil ito ang kagustuhan ng nakatakda. Yung una ay naguguluhan dahil ganon na lamang kabilis na ako ay mag dalang tao, dahil nung ako ikasal ay isang beses pa palang kame nagtatalik ng aking asawa at hindi ko inaasahan na magbubunga agad ang aming pag mamahalan.

Isang araw nung nalaman ng aking asawa na ako ay nag dadalang tao ay agad niya ako ipinatingin sa mga manggagamot at mga babaylan. Hindi ko alam baket may mga babaylan sa araw na yon, ngunit nararamdaman ko na may hindi tama.

Pinaliwanag nila saakin na malakas at nasa maganda kalagayan naman ang aking dinadalang sanggol, ngunit isinabi din nila saakin ang tungkol sa propesiya ng angkan ng mga Mintz, na kung baket ganon na lamang kabilis ang aking pagbubuntis sa sanggol kahit isang beses pa lamang kame nagtatalik ng aking asawa.

At doon kona nalaman ang lahat tungkol sa propesiya at sa aking magiging anak na nasa sina pupunan kona.

"Eto na nararamdaman kona ang bata, huminga ka ng malalim para sa pag labas ng bata." Dinig ko ulit na sabi saakin ng kumadrona.

Hawak ko ang kamay ng aking asawa na nakasuporta saakin sa gabing ito, alam niya ang hirap na pinag daanan ko sa pag dadalang tao at hindi niya ako pinabayaan.




"Mahal ko hindi kona kaya, i-ipangako mo saakin na a-alagaan mo ang magiging anak natin sa abot ng iyong makakaya." Saad ko sa kaniya, sa mga puntong ito alam ko na kung hanggang saan na lamang ang aking hininga.


"Ano ang iyong sinasabe laura? Hindi kita maintindihan?" Kita ko ang pag lungkot ng kaniyang mga mata at pagkalito sa aking sinabe.


"Masaya ako na maging ina niya at masaya ako na ako ang pinili mo maging asawa, gabayan at bantayan mo siya hanggang sa dumating ang nakatakdang pana-hon para sa ka-ka-kaniya."



"Laura, hindi wag mo kame iiwan, mahal ko kumapit ka!."



Sa mga sandaling ito ay nawawasak ang puso ko na nakikita ko na hanggang dito na lang ako, hindi ko man masisilayan ang pag laki ng aking anak ay batid ko na maraming mag mamahal sa kaniya tulad ng pagmamahal namin ng kaniyang ama.



"Ma-mahal na mahal ko kayo ni lu-lunaaa....."




- END -

Forbidden of InfiniteWhere stories live. Discover now