Chapter 2

7 1 0
                                    

"Paanong may nakapasok na mga dark user sa kaharian ko? At ang aking anak pa ang kaniya puntirya."

"Lucian kumalma ka, okay na si luna nagpapahinga at nasa kaniyang silid kaya wala kana dapat ikabahala."

"Oo nga po ama, tama po si ina, okay naman napo si ate luna wag niyo napo siya alalahanin."

Nakaupo ngayon ng hari na ama ni luna kasama ang pangalawa nitong asawa at anak ng asawa niya bago pa palang maging asawa nito ang hari.




Nag asawa ulit ang Ama ni luna at dito ay nagkaroon siya ng Pangalawang ina at kapatid, na kung saan ay hindi maganda ang relasiyon ni luna sa dalawang mag ina. Kung anjan ang kaniyang ama ay maganda ang pakikitungo ng dalawa kay luna, ngunit kapag wala ang hari ay para lamang hangin sa kanila ang dalaga.












~Luna Mintz POV~


Nagising ako sa aking silid na nanghihina padin, hindi pa lubusan bumabalik ang aking lakas at ramdam ko ito, ngunit tumayo ako upang tulungan ang aking sarili mag asikaso para sa umagang ito.


Hindi nag tagal ay may kumatok sa aking pintuan, alam kong si Meliza ito.


"Mahal na prinsensiya dala ko po ang iyong susuotin para sa umagang ito." Agad ko naman pinapasok si Meliza.


"Kamusta ang iyong lagay mahal na prinsesa? Lubos po ako nag alala sainyo at natakot sainyong Ama nung nalaman niya nasa panganib kayo." Paiyak na sabe ni meliza saakin habang inaayos ang aking pamalit na damit.


"Meliza okay na ako, nakauwi naman ako ng buhay kaya wag kana malungkot jan, salamat sa pag alala at pag sabi kay ama na nasa panganib ako."


"Tungkulin kopo yon mahal na prinsesa."



Matapos ng konting pag uusap namin ni meliza nag asikaso naman na ako ng aking sarili, naligo at nag ayos na para makababa na ako sa aking silid upang kumain ng agahan.


"Siya nga po pala mahal na prinsesa, bilin po ng iyong ama na dumeretsiyo po kayo sa kaniyang opisina at may pag uusap daw po kayo."


Eto inaantay ko, ang sermon ng aking Ama, kapag ganitong pag kakataon talaga hindi ko maiwasan mangatog sa takot dahil kay Ama, sinuway ko nanaman kase siya, natatakot kaya magalit ang isang Hari.


Pababa na ako ng ang silid at dumetsiyo na sa opisina ni Ama, namamawis ang aking mga palad sa takot hindi ko alam kung tutuloy ako. Pero nilakasan ko ng loob ko at kumatok sa kaniyang pinto.




"Amaa..... si luna po ito, pinapatawag niyo daw po ako." Kinakabahan at magalang ko saad.



Tuluyan kona ngang binuksan ang pinto at bumungad saakin ang mukha ng Aunt Matilda at ang anak niyo na si martha.


"Maupo ka." Utos niya at seryosong saad saakin.


"Luna, hindi ba kabilin bilinan ko na hindi ka maaring lumabas na walang pahintulot ko o walang kasamang kawal? Mahirap ba ang kagustuhan ko na maging ligtas ka?"

"Hindi po ama, pasensiya napo." Nakayuko kong sabi sa kaniya, ayuko iharap ang mga mukha ko kay ama, labis ako nahihiya kapag ganitong pagkakataon.

"Hindi na mauulit pa ito luna, dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung ikaw mismo mawawala saakin." Halos pumiyok ang mga huling salita niya, naiitindihan ko naman na gusto lamang niya ako protektahan kasalanan ko naman na naging pasaway ako kay ama.

"Patawad ama hindi kona po uulitin, huwag napo ako malungkot." Pagpapakalma ko kaniya.


Nang kumalma siya at inayos niya ang kaniyang pustura at handa na ulit mag bitaw ng salita.








"Nakarating sa mga Head council ang pangyayaring ito, dahil sa unang pagkakataon ay may nakapasok na dark user sa barrier sa mundo natin, hindi magandang pangitain ito luna anak."


Sa mga oras na ito ay alam kona kung ano ang tinutukoy ng aking Ama.

"Paanong hindi magandang pangitain ito lucian?" Tanong ni Aunt matilda.


"Kaya ko kayo pinatawag ngayon dahil siguro ay oras na namalaman ninyo ang tungkol sa pamilya na ito, lalo na kayo Matilda at Martha sa propesiya na kabilang ang angkan ng mga Mintz." Seryosong saad ni ama sa dalawa kong katabi.


Bata pa palang ako ay alam kona ang tinutukoy ni ama, mulat ako sa mga bagay na ganyan dahil hindi hinayaan ni Ama na wala akong muwang sa mundong ito.


"Hindi ko maintindihan lucian ano ang iyong sinabe?" Maguguluhan padin na saad ni Aunt matilda.


"Sabihan nanatin na may tatlong angkan ang kumakatawan at namamahala sa mundon ito. Ang mga angkan na ito ay ang Mintz, Fernsby at Marblemaw ang mga aking tinutukoy."


Nakikinig lamang ako kay Ama dahil alam ko naman na ito.



"Kada sasapit ang apat na daang taon ang tatlong pamilya ay magkakaroon ng tig isang sangkol na sabay sabay ipapanganak sa isang araw lamang. Ito ay nakatakdang mangyari matagal na panahon at patuloy itong mangyayari sa mga susunod na henerasiyon, ang mga sanggol na ito ay may mahalagang tungkulin na dapat gampanan, ang pagsilang din nila ang magiging dahilan kung baket magbabago ang balanse ng mundo, kaya humihina ang barrier sa mundo dahil sa lakas ng presensiya nila."


"Ngunit ama kung totoo nga ang nasa propesiya, nasaan ang sanggol na mayroon ang mga Mintz? Mangyayari pa lamang ba ito sainyo ni ina? Magsisilang si ina ng sanggol na nakatakda?" Sunod sunod na tanong ni Martha.


"Lucian ano itong nalalaman  ko, baket ngayon mo lamang ito sinabe?." Tila gulat na gulat si Aunt Matilda sa kaniyang naririnig.


Hindi pinansin ni Ama ng tanong ng kaniyang Asawa kung baket ngayon lamang ito niya sinabe, nagpatuloy lamang siya sa kaniyang pakay na sabihin ito sa dalawa kong kasama.


"Sa totoo lang ay nangyari na ang nakatakda matagal na panahon na."







"HAH!! ngunit nasaan ang sanggol." Gulat naman kame na napatingin sa reaksiyon ni Aunt matilda, nawala din naman agad kaniyang reaksiyon ng lahat kame at nakatingin sa kaniya.




Humingi ng malalim si Ama at sinabe.




"Si luna ang sanggol ng mga Mintz na nasa propesiya......"







Gulat na napatingin saakin ang dalawa kong katabi at isinawalang bahala ko na lamang.


"Kaya ba ganon na lamang kadali natalo ni ate luna ang dark curse user kagabe?" Tanong ni Martha.


Ngayon niya lang ako tinatawag na ate dahil andito sa harapan namin si ama, pero kapag wala si ama ay sukdulan ng maldita ang babaeng to.



"Ganon na nga, hindi pangkaraniwang ang mahika na meron si luna, dahil gaya ng aking sinabe kanina, kabilang siya sa tatlong sanggol na nasa propesiya." Sunod na salita ni ama. Si Aunt Matilda naman ay nakatulala lamang habang nakikinig sa mga sinasabe ng kaniyang asawa.


"Kaya ngayon ay napag desisiyon ko tanggapin ang pag uunlak ng Head of Council na pag aralin ka sa luna sa isang Academia upang mahasa ang iyong mahika."





Hah? Si ama pag aaralin ako sa isang Academia? Ngunit ayaw na ayaw ni ama na lumalabas ako ng palasiyo pano niya nasabe na mag aaral ako. Palagi kase ay nasa palasiyo lang ako at ang mga guro na lamang ang pumupunta dito para turuan ako.


"Kasama mo si Martha.... luna sa Academia kaya wala ka dapat ikabahala, para sainyo ang desisiyon kong ito, batid ko na ligtas kayo sa paaralan dahil tulad mo luna andon den nag aaral ang dalawang pang pamilyang nasa propesiya."






-End

Forbidden of InfiniteWhere stories live. Discover now