Chapter 36

0 0 0
                                    

"Gusto mo bang ihanapan kita ng apartment? Or doon ka nalang sa tabing apartment na tinutuluyan ko. Mas maganda iyon magkikita tayo palagi." Wika ni malaika.

"Basta may matuluyan kami ng mga anak ko." Nilingon ko ang mga bata na ngayon ay mahimbing na natutulog sa backseat.

Dalawang lingo na ang nakalipas ng sabihin ko Kay malaika na sasama kami sakanya pabalik ng manila. Mabilis naman itong umoo saakin at ngayong araw ay ang byahe namin. Hindi rin alam ni Rahim na babalik ako tanging sina Renz at malaika lang ang may alam. Renz want to come with us but I refuse, marami na itong naitulung saamin ng mga anak ko at malaki ang pasasalamat ko roon.

Bago kami dumeritsyo sa sinasabing apartment ni malaika dumaan muna kami sa isang restaurant dahil biglang nag reklamo ang bulilit ko na nagugutom naraw sila.

"Malaika...mahal naman dito masyado." Mahinang bulong ko ng makita ko ang menu.

Tumawa sya ng mahina.

"Don't worry my treat." Nagulat ako. "Ngayon lang to kaya sulitin nyo na, kuripot na ulit ako sa susunod." Natatawang dagdag nito.

"Salamat."

Nag order ako para sa mga bata at para saakin si malaika naman ay nag order ito para sa sarili nya. Nag hintay kami ng ilang sandali hanggang sa dumating ang order namin. Hindi pa nga ako makakain ng maayos dahil gusto pang magpa subo ng kambal kaya wala naman akong nagawa.

"Mommy...walang watermelon?" Naka ngusong wika saakin ni shine ng umayaw na itong kumain. Sumangayon naman ang kambal nito.

"Mamaya bibili tayo, marami." Lumawak ang ngiti nila.

"Dada! Your here!" Naagaw ng batang sumigaw ang atensyon ko.

Nasa harap ko lang sila kaya kitang kita ko ang batang tumatakbo patungo sa isang lalaki. Inangat ko ang ulo ko upang makita ang mukha ng lalaki, now I wish I didn't bother to know that guy. Lumuhod ang lalaki upang salubungin ang bata bago ito buhatin.

Lahad...

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makarating sila sa table nila, naroon ang babaeng ipinalit nya saakin. Masayang masaya ang bata ng makalapit sila kay Madelyn. Nag iwas ako ng tingin.

"Malaika... let's go. Alis na tayo dito." Nanginginig ang kamay ko habang inaayos ang mga gamit ng mga anak ko.

"Teka, teka...are you okay?" Aligagang tumango ako. "Wait lang, Waiter!" Malakas na tawag nito sa waiter kaya may ibang napa lingon sa gawi namin.

At hinihiling ko na sana hindi sila naka tingin saamin ngayon. Nang matapos bayaran ni malaika ang bill namin mabilis akong tumayo at inaya ang mga anak ko na umsalis na. Hawak hawak ko ang kamay nila ng biglang huminto si Liezil kaya napahinto rin kami, unfortunately sa tapat pa nina lahad kami huminto.

"Mommy...I forgot my toy." Binitawan ni Liezil ang kamay ko bago binalikan ang laruan nito.

"Malaika mauna na muna kaya ni shine, susunod nalang kami." Tumango ito bago kunin saakin si shine.

Nilingon ko si liezil ngunit hindi ko s'ya nakita kaya kinabahan ako agad. Luminga linga ako pero hindi ko s'ya mahanap.

"Liezil? Liezil!" Sigaw ko. Tumingin ako sa ilalim ng table at nakita ko roon ang anak ko na kinukuha ang naipit nyang laruan. "Omygod baby...don't scared me like that."

Kinuha ko ang laruan nito bago sya binuhat. Bigat. Nag lakad ako pabalik sa exit ng restaurant ng biglang hinarangan ako ni lahad kaya napa atras ako.

"Star..." Parang pinipiga ang puso ng banggitin nito ang pangalan ko.

Hindi ako nag salita at gumalaw nakipag titigan lang ako sakanya. Nakitang kung bumaba ang batang lalaki kanina bago lumapit sa lalaki.

"Dada?"

Nakuha nito ang atensyon ni lahad kaya kinuha ko iyong pagkakataon upang nakaalis. Narinig ko pang tinawag ni lahad ang pangalan ko pero hindi ako lumingon at mabilis na umalis roon, nag tungo ako kung saan kana park ang sasakyan ni malaika bago pinaunang pinapasok si liezil sa loob. Nanghihina akong napaupo.

Hindi na nag tanong si malaika at pinaandar lang nito ang sasakyan n'ya bago umalis sa lugar na iyon. Tahimik lang ang buong sasakyan, ramdam kung gustong mag tanong ni malaika ngunit hindi ito nag sasalita at itinuon lang ang tingin sa daan. Hanggang sa makarating kami sa apartment na sinasabi nito.

"Nasabi kuna sa may-ari pwede nyo nang ipasok ang mga gamit nyo sa loob. Mag pahinga na kayo, bukas nalang kita sasamahan sa trabahong sinasabi ko." Ngumiti ako sakanya.

"Salamat." Tumango ito bago naunang umalis.

Binuksan ko ang pinto gamit ang ibinigay ni malaika na susi saakin. Naunang pumasok ang kambal habang ako ay kinuha ang dalawang maleta at isenukbit ko naman sa likod ko ang isang bag bago sumunod na pumasok.

"Mommy super big po nitong new house natin." Masayang wika ni shine. "Pero mamimiss ko po yung mga old playmates namin."

"Oo nga po mommy, marami po kaming playmates doon e. Pero bad naman mga classmate namin." Biglang sabi naman ni liezil.

"May magiging kaibigan naman kayo dito. Basta behave lang kayo." Tumango sila.

Iniwan ko muna silang dalawa sa sala bago pumasok sa magiging kwarto nila may nakita akong bagong mga punda, kurtina at bedsheets sa cabinet kaya pinalitan ko ang mga punda kurtina at bedsheets para hindi amoy alikabok. Lumabas ako upang kunin ang mga gamit nila upang maayos na. Nang matapos ako ay ganoon din ang ginawa ko sa aking kwarto. Napa-tingin ako sa wall clock na nakasabit. 4:56 na.

Pinuntahan ko ang dalawa bago lumapit sakanila.

"Babies aalis muna si mommy...bibili lang ako nang pwedeng maluto okay? Wag kayong mag bubukas ng pinto pag hindi si tita malaika ang nandyan hah? Wag kayong kakausap ng kung sino-sino." Tumango ang dalawa. "Babalik din ako agad." Kinuha ko ang wallet ko bago lumabas.

Nag tungo ako sa pinaka malapit na mall bago pumasok sa loob. Nag tungo ako kung saan nakalagay ang mga karne, gulay, isda at kung ano-ano pa. Pumili na ako ng pwedeng bilhin at kumuha narin ako nang mga rekados napadaan naman ako sa mga bread kaya kumuha narin ako. Lahat ng pinamili ko ay nilagay ko sa cart bago ako umalis inalala ko muna kung may nakalimutan ako.

"Ano pa ba? Karne, isda, gulay, itlog, bread, rekados...ah! Watermelon!" Para akong tangang nag sasalita habang inisa isa ang mga pinamili ko.

Bumalik ako kung saan ko nadaan ang mga prutas na nakita ko kanina kaya kumuha ako ng tatlong piraso nang watermelon. Oo, tatlo dahil siguradong mauubos agad kung isa lang ang bibilhin ko. Nag tungo ako sa counter upang bayaran ang mga pinamili ko nang biglang may batang tumulak ng cart ko.

"Omygod...Yohan! Don't do that!" Napa-tingin ako sa babaeng nag salita. "Miss I'm-" napa hinto ito ng makita ako. "W-welcome?" Pilit kung nginitian ang babae.

Hinila ko ang cart ko bago tinalikoran ang babae mabilis akong nag labas ng pera ng makita ang amount ng pinamili ko, susuklian pa sana ako pero umiling nalang ako bago kinuha ang mga plastic na laman ang binili ko. Mabilis akong lumabas ng mall at nag bang ng masasakyan. Binitawan ko ang isang plastic na hawak ko bago mabilis na pumara ng taxi. Pumasok ako sa loob bago ibinigay ang address ng apartment ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko ng makaharap ko si Madelyn kanina hindi ko inaasahan na naroon din sya. Huminto ang taxi kaya nag labas ako ng pera bago nag bayad, lumabas ako bago nag lakad patungo sa apartment ko. Binitawan ko ang plastic bago binuksan ang pinto bago pumasok.

Natulala nalang ako nang makapasok ako sa loob.

"My mommy know how to draw po, sobrang galing nyapong mag drawing sakanya ngapo ako natutu e." Masayang kwaento ng anak kung si liezil.

Nabitawan ko ang hawak kung plastic at sigurado akong lasog lasog na ang binili kung isda. Mabilis na lumapit ako sakanila.

"Mommy your here napo..."

"Mga anak pumasok muna kaya sa kwarto nyo, wag kayong lalabas maliwanag?" Mahinahong wika ko. " Kakausapin ko lang ang..." Nilingon ko ang lalaki "Bisita natin." Mariin kung wika.

Kahit naguguluhan ay sumunod ang dalawa. Humarap ako sa lalaki bago sinamaan ito ng tingin.

"They're my daughter's."

Please leave some comments.♡

-enjoy reading.




Personage AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon