01
One of the biggest wonders I have in my life is, why do people cheat? That's one thing that I would never ever understand.
Umagang umaga ay nawala na agad ang ngiti sa mga labi ko. Nakakainis si mama. Hindi ko maintindihan bakit nagpapaka-martyr pa siya don sa asawa niya. Kayang kaya naman niya kaming buhayin dalawa. Eh, lagi't lagi na lang di umuuwi yung lalaki na yon at alam naman namin parehas kung saan siya umuuwi. Hanggang kailan ba siya mag bubulag-bulagan? Hindi ko talaga masikmura na tawagin siyang ama ko.
Buong 18 years ko na nabubuhay sa mundo, halos wala pa sa limang beses ko siya nakita. As far as I remember, ang unang mga beses na nagpakita siya sakin ay bata pa lang ako. Kung magpapakita man siya, ni hindi niya man lang ako kayang kausapin. Lagi siyang didiretso kay mama at ang ending ay nag-aaway lang sila. Huling nagpakita iyon ay graduation ko pa last school year. Hindi man lang ako nagawang batiin pero ang lakas pa rin ng loob niyang magpakita. Umuwi siya sa amin para lang kumuha ng gamit niya dito.
Pag ako talaga hindi nakapagtimpi, itatapon ko lahat ng gamit niya dito. Hindi nga ako sigurado kung nagkikita ba sila ni mama ng hindi ko alam. Hindi man niya kami sinasaktan pisikal, sobra sobra naman ang sakit na binibigay niya sa loob namin.
"Kailan enrollment niyo?" Bungad na tanong ni mama pagkalabas ko ng kwarto.
"Simula na last week. Bakit?" Wala ako sa mood makipag-usap. Naiinis talaga ako.
"Aba, wala kang balak mag-enroll?" Pameywang pa niyang tanong pabalik. Akala mo ay hindi umiyak buong gabi.
"Kasama ko si Dahlia bukas, pupunta na kami," sagot ko at agaw sa baso ng kape na hawak niya.
"Tignan mo hindi ka nagsasabi! Samahan mo si AJ, isabay mo na."
"Wala ba siyang nanay?" Sagot ko muli at sawsaw ng tinapay sa kape na hawak ulit ngayon ni mama.
"Magmumukha ng pisngi na puno ng blush on 'tong noo ko kakapitik mo, Ma!" Kamot noo kong sambit nang makaramdam ako ulit ng pitik sa noo.
"Malaman ko lang na hindi mo siya sinamahan, isusumbong kita sa papa mo," pipitikin niya sana ulit ang noo ko nang tumayo ako agad at inilakad na siya papunta sa kusina.
Lagi niyang pinapanakot iyan. As if naman may magagawa ang tatay ko. Ni hindi nga nya ko kayang kausapin o magpakita man lang sakin. Hindi ko talaga maintindihan bakit dumedepende pa siya sa lalaki na iyon.
Kinabukasan, maaga akong gumising para mag-ayos at pumunta kanila Dahlia. Sakto naman pagdating ko sa kanila ay naka-ready na siya kaya naman dumiretso na kami sa school. Hinihintay na lang namin ngayon si AJ sa labas ng University.
"Girl, kanina pa tayo rito," reklamo ni Dahlia sa tabi ko.
"Wait ka lang."
"Ang VIP naman nyan, bakit ba ikaw pa kailangan sumama don?" Tanong niya at naupo sa bench na nasa gilid namin.
"Ewan ko nga pano sila nagkausap ni mama, eh." Hindi ko alam bakit biglang naungkat ang tao na iyon sa usapan namin ni mama kahapon. Ang tagal na rin simula binukambibig siya ni mama.
"Siguraduhin mo na pogi 'yan, ah? Ayaw ko na nasasayang ang oras ko, alam mo 'yan!" Biro niya.
Kanina pa kami naghihintay dito at hindi ko alam kung dumating na ba siya at parehas lang kaming naghihintayan. It's been years since I last saw him and I have no idea what he looks like now. Wala akong mamukhaan.
Pag naubos ang pasensya ko, iiwan ko talaga siya. Hindi ko naman siya obligasyon.
"Huy! Ang pogi ni kuya sa tabi ko!" Nagulat na lang ako nang tumayo si Dahlia sa inuupuan niya at bumulong. Napasilip naman ako sa tinuro niya at nakita ang lalaking naka-suot ng navy blue cap, with his plain gray shirt and beige shorts. May hawak siyang brown envelope at palinga linga.

YOU ARE READING
Love Can Never Be Happy
RomanceMia Alexa Torres always has her limits when it comes to her priorities. She knows that if ever love comes to her way, she will always choose to let it go and put herself first. But, being reunited with Anthony James Lopezㅡit gave her the idea of wha...