02
"Gumising ka na r'yan, Mia! Anong oras na!" Rinig kong sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto at humampas pa sa pinto ko. Nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin habang pinapatuyo ang buhok. Kanina pa ako gising pero sinadya ko na hindi muna lumabas ng kwarto.
"Lalabas na," sagot ko pabalik gamit ang boses na para bang kakagising lang.
Paglabas ng kwarto ay walang bumungad sa akin. Siguro ay nasa likod si mama. Dumiretso naman ako sa lamesa at nakita ang mga nakatakip na pagkain. Kumuha na lang ako ng isang pirasong hotdog at umalis na walang paalam. Dali-dali akong nag-para ng jeep at maya maya rin ay nakarating na sa school.
Hindi kami magkasabay ni Dahlia ngayon dahil nagsabi siya sa akin kagabi na maaga siyang papasok dahil may dadaanan daw siya. Anong oras na rin kami nakatulog kagabi dahil inubos niya ang oras kakadaldal. Pagkatapos kasi naming maghiwalay noong nagpa-enroll ay hindi muna kami nagkita. Kahapon ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi daldalin ako. Walang katapusan ang tanong niya.
Hindi kami magkaklase ni AJ. Pero, dalawa o tatlong beses niya yata akong pinupuntahan sa room. Lalo tuloy akong hindi tinigilan ni Dahlia.
"Sama ulit ako mamaya, ah! Sayang libre, eh." Pagpasok ko pa lang ng room ay bunganga agad ni Dahlia ang bumungad sa akin. Tinutukoy niya yung panglilibre sa akin ni AJ kahapon. Bayad niya raw sa pagsama ko sa kaniya at sa inis ko.
Maya-maya rin ay may pumasok na teacher sa amin kaya umayos na rin kami. Dumating ang breaktime at nanatili ako sa room. I am really not fond of eating in canteen, unless I really have to. I rather spend my time here and sleep. Madalas kasi akong antukin sa klase kahit pa hindi naman kulang ang tulog ko.
"Kumain ka muna," minulat ko ang mata ko nang may maramdaman na sagi sa braso. It was AJ. Katulad kahapon ay may dala na naman siyang pagkain. Liningon ko ang paligid at kitang apat lang kami ngayon na nandito sa room. Yung dalawa sa amin ay nakayuko sa mga mesa nila, natutulog yata. I don't know who they are since hindi pa ako familiar sa kanila. Second day pa naman, marami pang araw para kilalanin sila.
Hindi ko tinanggap yung alok ni AJ. Sumandal ulit ako at pumikit. Nagising ang diwa ko nang maramdaman ang hawak niya sa kamay ko at pinahawak yung pagkain sa akin. Sakto naman noon ay may pumasok na iba pa naming kaklase. Tatlo lang sila at obviously nakita nila yung ginawa ni AJ.
Sinamaan ko nang tingin si AJ at sarcastic na ngumiti sa kanya nang ibalik ko yung pagkain sa kaniya. Yumuko ako sa lamesa ko para hindi na niya ako guluhin pa. I may feel bad for not accepting the food but still. If Dahlia were here I could give her the food since ganoon rin naman. Siya lang din ang kumain nung bigay ni AJ kahapon.
"Silent treatment pa rin hanggang ngayon?" He murmurred as I was laying my head on my table. Gusto ko sana siyang sagutin, makulit ka pa rin hanggang ngayon? Though, I appreciate the effort. Hindi ko nga alam kung bakit niya ginagawa ito. Wala ba siyang sinasamahan sa klase niya? Halos dito na niya ubusin ang oras niya tuwing free time, eh.
Lumipas ang oras at uwian na namin. Nauna ng lumabas si Dahlia dahil pinatawag pa ako ng subject teacher namin sa PerDev. Inassign niya kasi ako as leader for her class since hindi raw siya makakapasok bukas. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang pinili niya. I am not really good at public speaking. Binigay niya sakin ang lessons niya para bukas, baka raw gusto kong mag-proxy. Hindi pa nahiya at sinabihan na lang ako.
"Alex!" Lumingon ako sa pinanggalingan nung tawag. Yung kaklase ko na hindi ko alam ang pangalan. Isa siya roon sa pumasok ng room habang nakikipagtalo sa akin si AJ.
I would be rude if I will choose to ignore him and act like I didn't hear him. I just went to where he is now at binigyan siya ng nagtatanong na ekspresyon, mukhang na-gets niya naman.
"Ah, sorry sa abala! I'm Tyler," nagpapanic siya. Naghihintayan lang kasi kami kung sinong magsasalita.
Hindi pa rin ako sumagot at nanatiling blanko ang ekspresyon.
"Pansin ko kasing close kayo ni Anthony. . Ahㅡ James!" Nauutal pa siya. Ano namang sasabihin nito. Si AJ pala ang habol niya bakit ako ang kinakausap niya?
"Bakit?" I asked him with a plain tone.
"Magjowa ba kayo?" Naubo ako nang wala sa oras dahil sa tanong niya. May ganito pa rin pala sa senior high school? Gusto kong matawa dahil sa itsura niya ngayon. He looks very curious! Sobrang invested naman yata niya kay AJ at umabot siya sa ganitong point.
"Hindi. 'Yan lang ba itatanong mo? Siya na lang kausapin mo kung gusto mo. Uuwi na kasi ako, eh. Sorry." Pagkasabi ko non ay umalis na ako sa harap niya. I even smiled at him. I don't want to make things awkward kaya diretsahan ko na siyang sinagot. Para aware na rin siya na wala siyang mapapala sa akin pag dating kay AJ.
Tumungo na ako sa labas ng gate at doon ay naabutan ko si Dahila. Hindi pa rin pala siya umuuwi.
"Tara na," hila ko kay Dahlia.
"Ah! Wait. Sabay na tayo kay James!"
Napahinto ako at tinaasan siya ng kilay.
"Kanina pa kasi andyan sundo niya, sinabihan ni James na maghintay raw kasi isasabay tayo. ." Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya at umayos na ng tayo.
"Nakakahiya, Alex! Naghintay rin kaya sundo niya!" Nagawa pa akong i-guilt trip. Sino ba may sabing um-oo siya?
Hindi na ako sumagot at sinamaan na lang siya ng tingin.
Habang nasa byahe ay tahimik lang kami. Nasa passenger seat si AJ at nasa backseat naman kami nakaupo ni Dahlia. Ewan ko kung bakit niya kami isasabay, ang alam ko kasi ay sa kabilang baryo pa ang bahay niya.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero sumama ang araw ko sa tanong na iyon ni Tyler. Bakit kasi sa akin pa itatanong? Ganoon na ba ka-insensitive ang mga tao ngayon? Pati ganoong bagay itatanong pa talaga.
"AJ," I suddenly interferred with Dahlia and AJ talking. Gusto ko sana itanong kung anong room niya at schedule niya. Para alam ko kung kailan ako lalayo sa kaniya.
"Yes?" With his calm and soft voice, he innocently answered. He even peeked a sight at me looking directly at my eyes. Wow. I was suddenly out of words. How can someone carry themselves with so much light and making it feel within you?
He really kept his promise when he said years ago that I can always feel safe when he's around...

YOU ARE READING
Love Can Never Be Happy
RomanceMia Alexa Torres always has her limits when it comes to her priorities. She knows that if ever love comes to her way, she will always choose to let it go and put herself first. But, being reunited with Anthony James Lopezㅡit gave her the idea of wha...