That's life

10 1 0
                                    

"Pa alis na po ako"


"Anak sigurado kaba talaga dyan? Kaya mo ba talaga magisa? Baka kung mapano ka don ha" sabi ni papa


"Pa naman,wag na kayo mag-alala,malaki na ang anak niyo. :)"


"Osiya,magiingat ka palagi doon. Tatawag ka palagi" Paalala ni papa


"opo pa. Kayo din alis na po ako"


At lumakad na ako palayo kay papa


Nandito ako ngayon sa airport at pupunta na akong macau. Oo dun na ako magtatrabaho at balak ko na ring manirahan doon


"Hay eto na talaga. Dun siguro talaga ang buhay ko,ibabaon ko na talaga lahat don." Bulong ko sa sarili ko

Sa muling pagkikita natin Pilipinas!


At muli kong nilingon ang labas. Syaka ngumiti


Papasok na sana ako ng biglang


"anak saglit lang" tawag ni papa


"o bakit pa?" Huminto naman ako sa paglalakad


"may nagpapaabot nito sayo" At may inabot syang isang sulat


"Hu? Daw? Kanino daw po galing?" At akmang bubuksan ko na sana ang sulat


"ah anak," pagpigil ni papa wag mo daw mnang buksan,pag dating mo sa macau syaka mo daw buksan"


"Sino po ba ang nagpapabigay?"


"walang sinabi e"


Tumango lang ako at nagpaalam muli at umalis na.



~







Mabilis lumipas ang isang taon at maayos naman ang naging trabaho ko dito sa macau.


Buwan buwan naman akong nagpapadala kila papa at may balak na akong papuntahin sila dito



Ikakasal na din ako, oo ikakasal na ako sa wakas. Nakilala ko siya dito at katrabaho ko



Habang nag aayos naman ako ng mga gamit, naisipan ko kasing maglinis dahil ang kalat na ng condo ko


May nahulog na sobre.


Teka ito yung sobre na binigay ni papa sakin bago ako umalis ng pilipinas.


Nakalimutan ko ng basahin 1 taon na rin ang nakakalipas, teka mabasa nga.



eto ang nilalaman ng sulat :


To the girl i love :


Alam ko kapag nabasa mo to maayos kana. Hindi ko na rin papatagalin


Alam ko rin na galit ka sakin kaya sana patawarin mo ako


Alam kong gulong gulo ang mga isip mo noong mga panahon na yon kaya hayaan mo akong magpaliwanag


Hindi totoong gf ko ang kaibigan mo kaya sana wag kang magalit sa kanya


Hindi totoong hindi na kita mahal at ayaw na kitang balikan


Aalis na kasi ako dahil kukunin ako ng mama ko at sa ibang bansa na kami titira upang pag aralin ako


Yun ang tunay na dahilan


Ayaw kitang saktan, oo alam kong nasaktan din kita noon pero hindi ba mas masakit kung iiwan kita dito ng hindi okay? Mas masasaktan ka kung papatagalin ko pa at hahayaang magpatuloy ang relasyon natin

At least sa pag alis ko okay kana. Mas okay nang ako ang nahihirapan kaysa ikaw



Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang babaeng mahal ko sa pag alis ko lalo na't ako ang dahilan



Hindi ko kayang makitang lumuluha ang mga mata mo,hindi ko kayang makitang lumuluha ka sa harap ko


Kaya kahit mahirap ginawa ko



At alam kong tama ang desisyon ko.



Sana dumating yung time na mapatawad mo ako


Maging okay ka palagi ha?



Alagaan mo palagi ang sarili mo dahil wala ako sa tabi mo para gawin yon



Magiingat ka palagi. I love you always



-Mac





At unti unting bumagsak ang mga luha sa mata ko....














The end...




Please comment and Vote. Thanks! :)

And please read the author's note para alam nyo kung bakit ganon ang ending

That's lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon