CHAPTER 01

1.5K 29 1
                                    






Hi! This story is on going and pay to read on patreon and vip group. To join on vip group you can dm me on my fb page. This is the Tuazon trilogy, meron ng nauna dito which is yung kay Maria Catteleya Tuazon. My hot policeman is completed too on dreame and yugto apps.







Masayang gumising si Cristina kinaumagahan, wala ang mga magulang at kapatid niya ngayon dito sa kanilang bahay. Ang kapatid niyang si Maria Catteleya kase ay isinama ang mga ito sa isang cruise at tatlong buwan magtatagal ang tour na 'yon kung saan may stop over sa iba't-ibang bansa. Hindi na siya nag-abala pang sumama lalo pa at mahiluin siya sa biyahe, 'yon nga lang papunta sa Manila ay halos hindi na siya kumikibo sa loob ng sasakyan paano pa kung barko ang sasakyan niya. Isa pa parang regalo na din ni Catteleya 'yon sa kanilang mga magulang. Noong isang buwan lang kase nag-retired ang kanilang ama kaya naman bilang regalo at para makapag-bakasyon na din ay niregaluhan naman ito ng kapatid niya at ng asawa nitong si Cloud ng isang bakasyon grande.


Kaya naman siya lang ang naiwan ngayon sa kanilang bahay at siya din lang ang nagpupunta sa coconut farm nila na mas lumago sa paglipas ng mga taon. Inayos niya pa ang kanyang higaan bago siya lumabas ng kanyang kuwarto. Malamig ang panahon, at pagtingin niya nga sa labas ay medyo foggy pa, alas sais pa lang din naman kase ng umaga. Tatlong araw ng walang tigil ang ulan sa kanilang lugar dahil sa bagyo, kaya tatlong araw na din siyang hindi lumalabas sa kanila. Pero ngayon dahil wala namang ulan gaya kahapon ay makakapag-lakad na siya sa tabing dagat. Siguradong marami na namang inanod na kahoy sa dalampasigan gaya ng nangyayari kapag may bagyo at puwede niyang kunin ang mga 'yon.


Nagluto muna ng almusal si Cristina at nagtimpla na din ng mainit na kape para makapag-almusal siya bago nagpasyang lumabas ng bahay. Madaming nagkalat na dahon sa labas ng bahay at mukhang kailangan niyang maglinis ngayong umaga habang wala pa ang ulan. Ang hampas ng mga alon ang narinig niya habang palapit sa tabing dagat. This was the place they live in since she was a child, ang bahay nila na lumaki na lang dahil sa pinagawa ito ng mga magulang niya. Sariling lupa kase ito ng kanyang ama at binili pa noong binata pa ito. Apat silang magkakapatid, tatlo silang babae at ang bunso naman nila ay lalake na si Matteo na siyang susunod sa yapak ng kanilang ama bilang pulis.


The waters on the sea produce a marvelous view to anyone who gazes on it. Medyo malakas ang alon at buti na lang bago umalis noong nakaraang Linggo ay inaayos muna ng kanyang ama ang tatlong bangka na mero'n sila. Ilang beses na kase silang natangayan ng bangka lalo na kung biglang buhos ng malakas na ulan o kaya naman may bagyo. Kaya naman lagi na nilang sinisigurado na maayos ito sa pangpang na talagang tinatali pa nila. Hindi mo din kase talaga matantsa ang panahon lalo na kung sa tabing dagat ka nakatira, minsan maganda tapos biglang uulan na lang.




Buti na lang at may dalang basket si Cristina dahil nagkalat ang mga shells sa buhanginan, agad siyang namulot no'n ginagawa niya kase 'yong kurtina kung saan itinatali niya at pinagdidikit-dikit. Tsaka niya 'yon ibinebenta sa shop ng kakambal niyang si Catteleya. Siguradong hindi siya maiinip sa mga susunod na araw dahil may pagkaka-abalahan siya. Huminto siya sandali, she smiled when she saw the waves were crawling gently to the shore, natatawa niyang iniwasan ang tubig dagat dahil alam niyang malamig 'yon. For her the gushing waves is so comforting, madalas din kase siyang nasa tabing dagat, minsan lumalangoy kasama ang mga kapatid niya o mga kaibigan o kaya naman tama lang na nagpapalipas ng oras sa buhanginan. For Cristina living by the beach is so oozing and peaceful at hinding-hindi niya ipapagpalit ang buhay niya dito sa kahit saan o kanino.


Pero habang abala si Cristina sa pagkuha ng mga shell ay napahinto siya ng may makita sa di kalayuan na nakahiga sa buhanginan. She felt nervous, napatingin pa nga siya sa paligid para tingnan kung may ibang tao ang nandoon pero naisip niya agad na private property ang lugar nila at walang ibang tao ang nagtatangkang pumasok dito. Kaya nadampot niya ang isang kahoy doon at kahit kinakabahan pa ay nilapitan niya ang tao na nakahandusay.


Lalake, sinipa-sipa pa ng kanang paa ni Cristina ang lalake na mukhang walang malay ng malapitan niya. May sugat ito sa braso at maski sa may mukha ay mero'n din. Nakasuot ito ng itim na pantalon at kulay asul na long sleeve at hinala niya ay tinangay ito ng alon papunta sa dalampasigan.


Pero saan naman kaya siya galing? Lumuhod na ako at ginising ang walang malay na lalake, ang ganda ng hugis ng mukha nito at matangos pa ang ilong, mahaba din ang mga pilik mata niya at manipis ang kanyang mga labi. Hindi ko sigurado kung Pilipino ba siya dahil maputi ang balat niya at hindi din siya mukhang Pilipino. At lalong hindi din naman siya mukhang mangingisda na naanod lang dito kaya hindi talaga siya dito, o baka taga ibang bayan naman siya?


Pero naka ilang gising na ang dalaga sa lalakeng nakita niya ay hindi pa din ito nagigising at ng hawakan niya nga ang noo nito ay doon niya lang nalaman na nilalagnat pala ito. Kaya naman kahit mabigat at malaking tao ang nakita niya ay pinag-tiyagaan niya ito hilahin papunta sa bahay nila.


Hiniga ni Cristina ang lalake sa sofa nila, pinatungan niya na nga lang ng tuyongh tuwalya ang upuan para hindi mabasa ng suot ng lalake. Nakasuot pa ito ng sapatos kaya naman inalis niya muna 'yon bago siya kumuha ng planggana na may malamig ng tubig. Pero ng akmang pupunasan niya na ito ay nagulat na lang siya ng magising ito at hawakan ang kamay niya.



#maribelatentastories

Maria Cristina TuazonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon