CHAPTER 02

1.1K 26 0
                                    

This story is completed and pay to read on Patreon apps and vip group. To join on vip group message me on my fb page!




Walang alinlangan na hinila ng lalaki ang kamay ni Cristina ng hawakan siya nito. "Sino ka? Nasaan ako?" Tanong pa nito sa dalaga at tsaka nagpalinga-linga. 


"B-Bitiwan mo nga ako." Pag-pupumiglas ko sa pagkaka-hawak niya sa akin, muntik pa nga akong masubsob ng makabitaw ako sa pagkakahawak niya at tsaka ko dinampot ang walis na nasa dingding. Winalis ko kase kanina 'yong nagkalat na buhangin ng ipasok ko siya dito. "H-Huwag kang lalapit kung hindi pupukpukin kita nito." Panakot ko sa kanya habang hawak ko ang walis tambo ng mahigpit. 


Really? 'yon lang ang panakot niya sa akin? Parang hindi makapaniwala na sabi ng lalake habang nakatingin sa babaeng naka-puting dress na hanggang tuhod. Tingin niya kapag tumayo siya ay hanggang dibdib niya lang ito, kulot-kulot din ang buhok nito na hanggang beywang. Tiningnan niya ang sarili at 'yon pa din naman ang suot niya. 'Yon nga lang wala na siyang suot na sapatos pero nakita naman niya 'yon sa isang tabi. 


"T-Tinulungan kita, ako ang tumulong sa 'yo kanina. Nakita kita sa dalampasigan na walang malay kaya hinila kita papasok dito sa bahay." Sabi ko ng hindi siya magsalita pero hawak ko pa din ang walis tambo at naka-amba sa kanya 'yon. Baka mamaya kase ay may gawin siyang masama sa akin lalo pa at hindi ko naman siya kilala. At parang mali na tinulungan ko siya dahil nagtawag yata dapat ako ng pulis para sila ang tumulong sa kanya. At 'yon naman ang bilin ng mga magulang ko sa akin maski noon pa. Pero ngayon lang kase talaga nangyari na may inanod dito sa dalampasigan sa amin na tao. 


Pero tahimik lang ang lalake at nakatingin lang kay Cristina kaya naman doon na kinakabahan ang dalaga. 


"D-Don't tell me hindi mo alam ang pangalan mo at wala kang matandaan? Oh my god." Nasapo ko pa ang noo ko ng maisip ko 'yon, kase gano'n ang kadalasang nangyayari kapag may inaanod sa tabing dagat diba? I guess I should call Ninong Jordan so that he can help this man. Para kaseng sa itsura niya ay wala siyang maalala at hindi naman puwedeng dumito siya sa bahay namin dahil magagalit sa akin si Daddy kapag nalaman niya na nagpatuloy ako ng isang estranghero dito.

"I remember my name, wala akong amnesia kung 'yon ang inaalala mo." Sabi ng lalake dahil mukhang akala yata ng kausap niya ay hindi siya makaalala. But he can clearly remembered everything.


Ibinaba ko ang walis na hawak ko at para akong nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi niyang 'yon. Akala ko talaga wala siyang naaalala eh. "Mukhang hindi ka taga dito pero nasa bayan ka pala ng Caparas." 

Tumango-tango ang lalake, hindi siya pamilyar sa kng saang lugar ba siya napadpad pero ang mahalaga ay buhay siya. "Thank you for saving me, utang ko sa 'yo ang buhay ko." Tipid pa itong ngumiti kay Cristina. 


"Naku wala 'yon kahit naman siguro sino ang makakita sa sitwasyon mo ay gagawin ang ginawa ko. Ako nga pala si Cristina, Maria Cristina Tuazon." Pagpapakilala ko, mamaya ko na lang siguro tatawagan si Ninong Jordan ang kaibigan ni Daddy siya kase ngayon ang hepe dito sa bayan namin at baka pinaghahanap na din ang lalake na 'to kung inanod siya sa dagat. 


"I'm Elias, Elias Lozano." Tatayo pa sana ang lalake pero napaupo na lang siya ulit sa sofa ng maramdaman ang pagkirot ng sugat niya sa braso na tiningnan din niya agad. Nakita niyang may sugat nga siya doon at medyo malaki 'yon na parang tumama sa kung ano pero atleast hindi naman malalim at kailangang tahiin. 


"T-Teka lang gamutin muna natin 'yang sugat mo." Agad kong kinuha ang first aid kit sa cabinet. Talagang may ganito kami para din kung sakaling may mapano dito sa bahay ay mabigyan ng first aid. Ang kapatid ko na si Isabel ang nag-ayos nito at pagkakuha ko nga no'n ay ipinatong ko 'yon sa lamesa at nilapitan ko na siya. 


"Kaya ko na 'to, ako na.." Sabi naman ni Elias. 

"S-Sige ihahanap muna pala kita ng puwede mong suutin na damit." Mamaya ko na lang siya tatanungin ng tatanungin ang importante ay magamot muna ang sugat niya at makapag-palit siya ng damit. 


Sa kuwarto ng kapatid kong si Matteo ako kumuha ng damit, hindi naman kase sila nagkakalayo ng laki ng katawan kaya naman siguro kasya sa kanya ang damit ng kapatid ko. Jogging pants at t-shirt ang kinuha ko, tinuro ko din sa kanya ang banyo para makapag-palit din siya ng damit. Sinabihan ko pa nga siya na huwag ng maligo dahil may lagnat siya pero narinig ko na lang ang tunog ng shower nang nasa loob na siya kaya alam ko na naligo din siya. 


Habang pinupunasan naman ni Elias ang kanyang basang buhok ay tiningnan niya ang mga picture na nakasabit sa dingding. May family portrait kase do'n na malaki at napakunot ang noo niya ng makita ang tatlong babae doon na magkakamukha. 

"Hindi 'yan edited, triplets talaga kami." Sabi ko ng abutan ko siyang nakatingin sa family picture namin. Tinuro ko sa kanya ang hinanda kong pagkain, buti na lang at may tira pa ako kanina sa almusal ko at 'yon na lang din ang hinanda ko para sa kanya. Tinimplahan ko din siya ng kape para naman mainitan ang sikmura niya. 


"Wow that's cool.." Parang hindi makapaniwala na sabi ni Elias. Ngayon lang siya kung sakali makakakilala ng triplets at malalaki na. 


"Siya nga pala may gusto ka bang tawagan o kontakin para malaman na nandito ka? Asawa? Kapatid? magulang? At taga saan ka ba? paanong nangyari na inanod ka dito? Puwede mong hiramin ang cellphone ko kung may tatawagan ka. At Ninong ko din ang hepe dito kaya puwede tayong tumawag ng pulis kung kailangan mo ng tulong." 


"I'm not married, and wala din akong kapatid o pamilya." Ani ni Elias na parang gumaan ang pakiramdam ng inumin ang kape na tinimpla ng dalaga. 


"Hala puwede ba 'yon na wala ka man lang pamilya? Kaibigan? O kaya naman girlfriend na puwede mong tawagan para sabihin na buhay ka baka mero'n. Tsaka ano ba talagang nangyari sa 'yo? At paanong napadpad ka dito? Ano din bang sinasakyan mo bago ka inanod sa dagat? Hindi ka din naman kase mukhang mangingisda dahil sa suot mo ng makita kita." Sunod-sunod na sabi ni Cristina, puwede naman niya siguro ito tanungin ng gano'n dahil siya ang nagligtas dito. 

"Because my step-mother plan to killed me." Biglang sumeryoso ang itsura ni Elias pagkasabi no'n dahil tandang-tanda niya pa ang nangyari bago siya nalaglag sa yate na sinasakyan nila kagabi. 

#maribelatentastories

Maria Cristina TuazonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon