Ligaya Villamor added you to the group.
Luh.
---
Estefania Magnus Z. Ayala
"stef"/"nia"/"magi"Currently a grade 10 SSC student.
Rafael Cyrus C. Gonzales
"el"/"cy"Currently a grade 10 STE student.
---
"Hindi kami parehas ng humor,"
"... pinanganak akong tarantado eh," umpisa ni Estefania.
"Compared sa humor ni Rafael..." napaisip si Monty.
"... tama ka," pagkumpleto niya.
Napahampas na lamang si Estefania sa sinabi ni Monty ngunit hindi rin napigilang tumawa. Rinig na rinig and bawat tawanan at ingay ng mga estudyante na nang gagaling sa kwarto ng SSC 10.
Full of brilliant teenagers but with a crack.
Nakaupo ang dalawa malapit sa bintana at nagk-kwentuhan sa mga ganap sa paaralan. At ang iba nama'y natutulog o 'di kaya'y kumakain kahit hindi pa recess.
Kieran dela Vega Montes. O, 'di kaya'y mas kilala sa tawag na Monty.
Simula noong lumipat si Estefania sa paaralang ito, Monty is the only one she can be friends with nang hindi nai-issue. People sometimes can be judgemental and spread a rumor without even knowing a single damn truth about it. Porke magkasama 'yung babae at lalaki, they're already dating? 'Di ba pwedeng magkaibigan lang?
Think people, gamitin ang utak.
"Anong oras na pala?," tanong ni Monty.
"It's prolly 4pm, tagal na nating nagk-kwentuhan dito-" nang buksan ni Estefania ang cellphone niya para malaman ang oras, napatigil na lamang siya at nanlaki ang mga mata sa nakita.
Rafael Gonzales accepted your friend request.
"Uy, okay ka lang?," tanong ng kaibigan.
Bigla na lamang napatili si Estefania sa sobrang tuwa.
"Oy, shh," pagsaway ni Calista.
Napatigil na lamang si Estefania at tinago ang saya sa paghampas sa kaibigan na si Monty. Pinakita ang kaniyang cellphone sa kaibigan at ang mga ngiti'y abot langit.
"Yow! 'yon lang pala eh," banggit ni Monty.
"Bro, what do you mean "lang"!? Ang tagal ko kayang pinagdasal 'to ta's nagpasama pa ako kay Yna na mag manifest," rason niya.
Sa ingay ng dalawa, napalapit na lamang ang dalawa pa nilang kaibigan. Calista T. Dela Rosa o Cal at Seraphina O. Aquino na tawag ay Yna.
"Gumana manifestation natin!," hindi na lamang napigilan ni Estefania na ibalita sa kaniyang mga kaibigan ang nangyari.
"Hala!!,"
"Oh weh?,"
Naging masaya na lamang sila para sa kanilang kaibigan ngunit hindi rin nila napigilang magalala dahil baka magaya siya sa isa nilang kaibigan.
Si Ysa, o, Isabelle V. Lim. One of the famous girls sa campus.
She's pretty, adored and maraming manliligaw. Ginusto pero hindi pinursue.
"Hoy, grabe naman kayo. In-accept lang naman yung friend request ko ganyan na inisip niyo," sagot ni Estefania.
"Gago ka talaga Cal. Ba't ako nasali ha," Ysa joined out of nowhere.
"Tsaka do you think gugustuhin ako nun? Rafael? Tapos ako? lul," dagdag ni Estefania.
"Hala beh, ngayon lang ako nakarinig ng sad girl line from you ha, down na down? Grabe 'yon," pagsingit ni Monty sa usapan.
The five of them are completely absorbed sa topic and fail to notice that their professor has arrived.
Finally.
"Pwede na kayong umuwi," the professor announced.
Everyone packed their belongings, while the cleaners cleaned the space. The teacher called Estefania before the five could depart.
"Po?, Una na kayo, uwi nalang ako mamaya," paalam niya sa mga kaibigan.
"Ge bro, ingat, goodluck kay madam," Calista winked at her.
Bigla na lamang kinabahan si Estefania sa maaaring sabihin ng kaniyan guro.
"Ma'am?,"
"Nagustuhan ng judges 'yong essay mo, nak," she smiled.
"Hala, for real ba 'yan ma'am?," laking tuwa niya nang malaman ito.
Napaka gandang araw ba naman.
"Oo, kaya mag ready ka bukas. Ikaw na isasali namin for the overall contest sa essay," dagdag niya.
Here she comes, the overachiever Estefania Ayala!
Time went by and nakauwi na ako dito sa bahay. Ingay nanaman ang bumungad saakin kanina dahil sa kapit-bahay namin na laging may ganap at inuman.
Paano na ako magrereview?
I really, really need to win this contest. Baka sakaling 'yon pa ika-proud saakin ng mga magulang ko.
My attention was suddenly drawn to a notice that came from my phone as I was sitting here in front of my desk.
-------
Para san ka bumabangon: Calistahan mentioned you: @AyalaMalls
-------Ano nanaman?
-------
Para san ka bumabangon
@Calistahan: bro tara sama tayo kila eba
Di ako pede
@ebanana: andun si rafael
ge ready nako. anong oras nioko susunduin
@monyy:HAHAHAHAH gago
@jINAkol: HAHHAHAHA AY
@Calistahan: makatawa parang makakasama ah
-------
The more the merrier nga 'di ba?
Pero paano ko siya haharapin after what happened...?
BINABASA MO ANG
Pahinga Sa Tadhana
Teen FictionStarted: jul 24/23 Completed: Kids being kids. Teenagers being teenagers. Paano malalaman kung hindi naman natin susubukan?