Nakatitig ako sa papel kung saan sinulat ko ang mobile number ng aking tatay. Kakababa ko lang mula sa tawag mula kay Seb. Seb daw ang itawag ko sa kanya. Tss.
Tatawagan ko ba talaga itong tatay ko? Pero what if makasira lang ako ng pamilya?
Ayoko naman na magawa ko yun, pero sino nalang ba ang tatakbuhan ko? Ang nakikilala ko lang na pamilya ng nanay ko ay ang Tita ko na nasa probinsya. Wala din naman maitutulong sakin yung financially, lalo na dahil katulad namin ay hindi rin naman mayaman.
And, fuck it. I feel guilty too the first time I talked to Seb, I was so rude. I fucking forgot my manners. Hindi naman ako pinalaki ng ganito ng nanay ko.
Bgao ko tawagan ang number na iyon, tinignan ko ng maigi ang aking nanay.
"Ma, pagkaalis ko, gumising ka na agad, ha? Para hindi ko na kailangan magmakaawa sa mga taong 'yun."
Ginamit ko ang aking cellphone upang tawagan ang numero na iyon. Nanghihina ako, nanginginig, at natatakot. Ano kaya ang puwedeng mangyari pagkatapos kong gawin 'to? At bakit ba ako pumayag sa laro na gustong mangyari si Seb.
Basta, hindi ako makikisali doon. Kukunin ko lang ang gunsto ko, at aalis na din.
"Hello? Are you the catering services I just contacted a minute ago? Again, I am sorry for the interruption, the signal is unstable in my area."
His voice... parang ang amo ng boses niya.
Ito pala ang boses niya.
"Hi po... uhmm.." fuck
Ano sasabihin ko?!
"Kilala niyo po ba si... Si Liz S-sanchez?"
Oh my god, Liv! What the hell?!
Mamamatay na ko!
"Who's this?"
Naramdaman ko na nag-iba ang kanyang boses. Parang galit na may halong pagtataka.
"Ako po si Olivia Sanchez, anak niya po.."
Lord, kunin mo na ko.
Nanginginig ngayon ang mga kamay ko, halos mabitawan ko ang aking cellphone sa sobrang takot.
"I'm sorry, but I cannot entertain you right now. I'll call you later."
He ended the call.
He ended the fucking call.
"Shit!"
But sabi niya, tatawagan niya ako mamaya!
All afternoon, hindi ako mapakali. Bumalik ako sa bahay para kunin ang mga gamit tulad ng mga toiletries at mga natitirang pagkain sa bahay. Pero wala din akong makain na matino dahil puro mga granola bars meron dito sa bahay.
My mom... sobrang strict niya sa mga kinakain ko. Gusto niya na magkaroon kami ng same body figure, pero ayoko naman. Wala lang akong magawa dahil napapasaya ko siya sa paraan na iyon.
At tuwing titingin ako sa salamin, ang makikita ko lang ay ang kanyang mga ngiti, and somehow, it feel ok.
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa isang table dito sa hospital room. My phone is ringing!
I picked it up, at yung Tatay ko pala ang tumatawag! Finally!
"Hi!" I greeted excitedly.
Oh, masyado ata akong masaya. Sana hindi niya mahalata.
"Good evening, sorry for my late call. It's already 11 pm, you're still up? Hindi ka ba napapagalitan ng mommy mo?"
"Hindi po! Kayo po, late na din po, bat gising pa kayo?"
"I want to clarify something..."
The familiar feeling in my throat is back.
"Who's your father?"
Parang sasabog ako.
Hindi ko maintindihan.
Masaya ako na nakakausap siya pero may halong galit.
Bakit ganto?
Bakit ang hirap?
"You, sir." I said confidently.
Natahimik siya. Ano ang iniisip niya? Hindi ba siya naniniwala?
Pano na ko?
"I... made some research about you earlier. We look alike," he said.
"I see..."
I'm overthinking...
Tama ba tong ginagawa ko?
"I want to meet you.."
He.. wants to meet me?
Hindi niya ako pagtutulakan?
"I want to know you."
"Pero sir, hindi po ba may pamilya kayo?"
"Yes... they don't have to know."
Itatago lang din pala ako. But that's fine with me...
"Hindi niyo naman po kailangan gawin yan, sir. Ang totoo po niyan, kaya lang po ako nagpakilala sa inyo ay para matulungan niyo po ako."
"What is it? Tell me, anything."
His voice... It's so calming and peaceful.
Bakit wala ako nito?
Bakit napagkait sakin ito?
"Naaksidente po kasi si Mama kahapon... kulang po ang pera na mayroon ako. Alam ko po, makapal ang mukha ko para hingin sayo ito, pero kinakailangan ko po mapagaling ang nanay ko. Siya lang po ang meron ako."
Siya lang naman talaga ang mayroon ako. She's my bestfriend. Nung kailangan ko ng prob dress, pinagaralan niya kung paano manahi para mabigyan ako ng magandang damit. She cooked me meals that can cure any sickness I get. And most importantly, lagi niya ko pinapakinggan, sa lahat ng problema, girl fights; boy problems.. All of them.
"I can give you any amount of money. In fact, I can transfer it right now. All I need is your time, please. I... I always wondered if may anak ako kay Liz. At ngayon, I was so shocked. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Anak, gusto kong makilala mo ko at makilala kita. Alam ko na may masamang image ako sayo, kaya gusto kong makapag explain sayo. Gusto kong makabawi. Kahit bigyan mo lang ako ng dalawang araw, pagkatapos nun ay pwede ka na bumalik sa inyo."
This is all too much from what I've imagined.
"Pero paano po si Mama? Pano niyo po masisigurado na ok siya?"
"Ako na bahala sa kanya. Send me the details and I'll make sure that she'll get the best treatment they can give."
Liv, para kay nanay.
Kaya ko to, dalawang araw lang naman. At hindi ko na din kailangan matakot pa.
"Sige po, sir. Papayag po ako sa gusto niyo, basta wag niyo po pababayaan ang annay ko. Yun lang po ang gusto ko."
"Then it's settled. I'll send my driver and my car to pick you up. I need you safe, ok? Send me your location."
"Yes po."
I sent him my location.
God, is this happening?
"I want to ask, can I call you Olivia? I'm not fond of your nickname, parang tinipid, if that's ok with you, of course."
"Yes po, sir. Pwede niyo po yun tawag sakin."
"Oh, don't call me sir. I'm your dad, you can call me that."
I teared up. I can't do this anymore.
Parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa.
BINABASA MO ANG
Ruin Me
RomanceIn the call of desperation, Olivia contacted her estrangled father. Ang tatay na hindi niya nakilala. Sa pagkakataong ito, may dalawang pakay si Olivia sa oras na nakarating siya sa tahanan nito. Una, makuha niya ang kanyang gusto, ang masustentuhan...