Ally's POV
Gumising na ako at ginawa ang daily routines ko. Pinahanda ko na ang isang Limo na sasakyan ko papuntang School. Sinundan na din ako ng mga guard at isa kong P.A. Si France. Kaedad ko siya at pinapaaral siya ng Dad ko. Same school kami. Pati na rin se Zedler.
Bago ko makalimutan si Zedler ay isa sa pinagkakatiwalaan ni Dad. Lalo na sa business. He is my childhood friend. Siya din ang knight in shinning armour ko. Bata palang kami kapag binubully ako parati niya akong pinagtatanggol. Best friend ang turing niya sakin. Nirereto nga ako ni Dad dun kasi mag business partner ang Dad ko tas Dad niya. Kaso ayoko.
Nagtapat si Zed sakin noong 15 kami sabi niya nung bata palang daw kami mahal niya na akong higit pa sa kaibigan. Kaso di ko masuklian. Tinatry ko pero di ko alam. Mabait siya, matalino, mayaman, mapagkumbaba, gwapo, at higit sa lahat caring. Kaso di ko alam sa sarili ko. Naputol ang pagiisip ko kay Zed ng makita ko ang gate ng school namin. At may nakalagay..
"Ralston University"
At sa baba noon ay
"Elite school"
Tss. Asar. Dumertso ang sasakyan namin at binigyan kami ng V.I.P card. Sa parking ata yun.
Bumaba na ako at pumunta sa classroom.
Pagkapasok ko sa classroom ay mukha agad nila ang tumambad sakin. Tss.
Ang apat na hinuhumalingan sa paaralan na ito. Ngunit para saakin mga arogante, mayayabang, basagulero, bully, at ang sasama ng ugali sila.
"Wooaaahh! Nandito na siya boss!" Sabi ni Jave Aldaine. Isang womanizer, mayabang, at bully. Sabi nila gwapo siya pero pwe. Baka nga may AIDS yan eh. Dami ba naman na ginamit ng lalaki na yan na pang one night stand. Tsk. Mayaman siya. Hindi ko alam business nila. Malay ko jan.
"Ehem! Hi Ally. Kamusta tulog mo?" Gwapo din daw siya. Sabi nila. Siya si Sireon Huntley. Basagulero siya. Kung gaano ka womanizer ni Jave ay yun namang pagkaseryoso ni Sireon pagdating sa mga babae kaya konti palang nagiging girlfriend ni Sireon. Mayaman din siya pero di ko din alam ang business nila. Malay ko uli jan.
Inisnob ko lang sila. Ng mapako ang tingin ko sa lalaking walang imik at nakatingin lang sa bintana. Tumingin siya sakin at nagkasalubong mata namin. Pero lumihis ako. Naiinis ako sakanya.