pantali

21 4 1
                                    

Chapter 2

Nahanap kona ng matagumpay ang classroom ko, may isunusulat ang teacher sa pisara ngunit hindi pa gano'n karami ang mga studiyante ro'n kaya alam kong hindi pa ako late.

Good morning ma'am, i'm Asha Sanchez po, grade 11 Rizal ma'am.

"Yes dito nga, mamili ka nalang ng upuan mo anak, wala pa naman ang ibang mga classmate mo",

binigyan ko ng matamis na ngiti si ma'am at agad humanap ng puwesto.

umupo ako sa gilid ng bintana upang makalanghap ng hangin.

"Good Morning class, siguro puwede na tayo mag introduce yourself, umpisahan mona miss". tinuro nito ang classmate ko sa harapan bandang kaliwa niya, tangkang tatayo na ang babae ngunit biglang may bwisit na niluwa ang pintuan ng classroom.

"Hi ma'am sorry i'm late, Rain Agustin po, grade 11 rizal".

"Yes 'nak dito nga, tutal ikaw naman na ang nandiyan ikaw na ang unang mag pakilala, by the way 'nak bakit late ka ng 20 minutes".

"pasensya na ma'am, nag papatulong kasi ako sa babae na 'yon," sabay turo saakin.

kaso ma'am sabi niya ay hindi niya alam kung saan ang classroom. at kung talagang hindi niya alam bakit siya pa ang nauna rito hindi ba ma'am, napaka selfish niya, wala siyang concern sa taong nakakasalamuha niya ma'am.

aba! nanisi pa ang bruha, kung tanga ka talaga tanga ka, parang hindi nag grade 2 amputa, ano ako hero para maging concern citizen. bobwita.

inis na sambit ko na lang saaking isip.

"Hi classmate i'm Rain Agustin, 17 years old, nagagalak akong makilala kayong lahat".

'nak mamili ka ng upuan mo may limang bakante pa naman, final arrangement na lang tayo sa susunod na monday.

ngumisi saakin ang bwisit na babae at sabay lumapit malapit sa inuupuan ko, napatingin ako sa paligid ko, at mayroong bakanteng upuan sa harap ko, huwag niya sabihin na dito siya uupo sa harap ko.

"Hi ayan dito na lang ako sa harap mo uupo para may maganda ka namang view", pang aasar nito.

kuhang-kuha niya talaga ang inis ko, pero she's not lying maganda naman talaga siya.

mahangin no'ng oras na 'yon kaya nililipad ang mga buhok niya sa harap ko, hindi maiwasan dumapo ang bwisit niyang buhok sa labi ko.

Ano ba nakakain kona buhok mo oh, walang pakiramdam sis?, Ipitan mo naman 'yang buhok mo, school 'to be hindi commercial ng shampoo

sabay irap dito.
humarap siya saakin at tinitigan ako sa mata

"Bakit ba ang sungit mo ha puwede naman sabihin ng maayos e, amin na nga ang mga kamay mo",

hinablot nito ang kaliwa kong kamay sabay kinuha ang naka suot na pantali ng buhok.

"Ito na tataliaan na, pahiram muna ha",
kumindat muna ito bago mawala ang maganda niyang mukha sa harapan ko, i mean ang nakaka bwisit niyang mukha.

Balik mo 'yan mamaya mahal 'yan.




Unrequited LoveWhere stories live. Discover now