grade 11 Rizal.

26 4 0
                                    

chapter 1.

no'ng 16 years old ako, alam ko na lalaki talaga ang para saakin, ni hindi nga sumagi sa isip ko na mag ka relasyon sa isang babae, like dzuh kadiri kaya, yes tama ka isa akong babaeng homophobic, sinusumpa ko lahat ng mga bading sa paligid ko, kung tatanungin kung ano ang rason ko, ay wala siguro ay trip ko lang.

pero noong nag senior high ako nag bago ang lahat...."As

"Asha! ano ba late kana. first day of school ngayon, hahanapin mo pa ang section mo. ikaw talagang bata ka cellphone ka nang cellphone kaya nakakalimutan mo na ang mga responsibilidad mo sa buhay"


sunod-sunod na sermon ni mama habang nag wawalis sa labas, mantakin mo ang layo niya saakin pero nagawa niyang maipaabot sa kuwarto ko ang ingay na nililikha niya.

Oo nga pala first day of school ngayon, excited na'ko, lord sana maraming pogiiiiii.

Ash's POV

laki naman ng school na 'to, first time ko kasi rito bilang grade 11 students, mas malaki ang paaralan sa inaasahan ko, sana tulad ng mga nang yayari sa wattpad, maka bunggo rin ako ng lalaki na may hawak na libro tapos mag kakatinginan kaming dalawa tapos....

"Hi miss naririnig mo ba ako, hello....",

kanina pa pala may kumakausap saakin, grabeng pag dedelulu ito, normal paba ito o sign na ng mental illness.

Hi yes anong saatin? sagot ko sa babae.

"Tinatanong ko kung saan ang section Rizal, grade 11 humss".

ah Rizal ka rin?, excited ko na sambit sa kaniya

"oo huwag mo sabihin na Rizal ka rin?", balik niyang tanong saakin

nag dadalawang isip ako kung sasama ba ako rito para sabay namin hanapin ang section namin, at Oo. classmate ko ang babae na ito, kaso kapag sinamahan ko siya, baka kapag may nakita kaming pogi siya ang makaagaw ng pansin, maganda, mahaba ang buhok at talagang attractive siyang tignan.

'No, hindi ko alam. bago lang din ako sa school na'to, hanapin mo mag isa 'yong section mo see may paa ka"

sabay tingin sa kaniya pababa taas na animo'y hinuhusgahan ko ang pagkatao niya.

kumunot lamang ang noo nito at ngumiwi na tila ba nag tataka saaking inasta, sinamaan niya ako ng tingin, at lumapit saakin at tumapat ang mga bibig niya saaking tenga.

"Huwag lang ulit mag cross ang landas natin"

bulong niya.

bobo ba 'tong babae na 'to, hindi niya ba nakikita same campus kami, at baka mangisay 'to sa inis kapag nalaman niya na classmate rin kami, hays bahala na.

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now