kiss

19 4 0
                                    

Chapter 4

Unti-unti akong napalapit kay Rain, ang dating nakaka bwisit na babae na 'yon. ang dating kasuklam-suklam na pag mumukha ay naging takbuhan ko sa mga walang kuwentang rants sa buhay ko.

"Anak andiyan na baon mo sa lamesa ha, dinoble kona ang mga 'yan, para ibigay mo kay Rain ang iba, kaylan ba ulit siya pupunta dito? Alam mo nak gustong-gusto ko talaga 'yong bata na 'yon, napakabait at napaka kulit. kung puwede ko lang kayong pag palitin e".

Lumaki ang mata ko sa sarcasm na binitawan ni mama, ewan ko nga kung nag papaka sarcastic pa siya o totoo na ang mga sinasabi nito.

"Ako din ma, same tayo ng nararamdaman" ganti ko sa kaniya.

"Na ano gusto mo rin siya?".

Tila tumigil ang mundo ko sa sinabi ni mama, ewan ko kung malaman ba ang ibig sabihin ng binitawan niyang salita o sadyang nagiging paranoid lang ako.

"Ako din sana pinalit ko na lang kayo sa mama ni Rain", aniya ko kay mama pagkatapos ay kinuha ang baon ko.

"Hi Asha good morning, pinibibigay nga pala ni mama, ubusin mo daw 'yan kung hindi huwag kana babalik sa bahay". Pananakot nito saakin habang inaabot ang naka supot na topperwer na sigurado akong adobo ang laman nito.

Oo kakainin ko 'yan, nag mamadali kang ibigay ni hindi pa nga nag uumpisa ang klase tsk, PG ka talaga.

"Anong pg?, Anong pg ha?!?!",

"Patay gutom haha", pinipigalan ko ang tawa ko sa sinabi ko inaamin ko na para akong timang. pero, para saakin nakakatawa ang entry ko na 'yon.

"Tsk akala mo talaga e', sigurado ako na may binigay din si mama saakin, akin na", tiniyaya niya ang nga kamay niya at sabay ngiti saakin.

Anong mama pinag sasabi nito, anong sabi niya mama niya ang mama ko, baliw ba 'to, mama daw haha baliw.

"Hooy Asha tulala ka nanaman nasaan na?"

Wait lang kasi Rain puwede ba hintayin mo ang lunch pg ka talaga

Inirapan ko ito at umupo sa desk ko.

"Ash alam mo ang sarap talaga ng luto ni tita, sabihin mo sa kaniya gustong-gusto ko talaga ang luto niya".

"Ka plastikan mo naman", biro ko dito.

Lumapit ang mukha saakin ni Rain akala ko kung anong gagawin niya, aayusin niya lang pala ang buhok ko na nakakain kona, tumayo ito at pumunta sa bandang likod ko atsaka, inipitan ako.

"Ano ba ayoko mag ipit alisin mo 'yan Rain", irita kong sambit.

"Bakit bagay mo naman".

Aalisin ko sana ang pinusod niya pero pinipigilan niya ako dahilan para Mahila ko ang kamay niyang pumipigil na alisin ang inipit niya saakin, nahila ko si Rain sa harap ko dahilan para dumikit ang labi niya sa pisngi ko, hindi ko alam ang nararamdaman ko that time, kung tutuusin normal lang ito dahil babae siya at babae ako, pero hindi ganiyan ang nararamadaman ko.

"First kiss mo ako no", pag bibiro nito.
"Huwag mona kasi alisin 'yang
Ipit bagay mo kaya" sabat tinaas niya ang kilay niya saakin, at nag iwan ng ngiti.

Rain ano bang ginagawa mo saakin, binabaliw moba ang pag katao ko, gusto moba maging confused ako kung ano ba talaga ako

"Bakit tulala ka diyan, ubusin mona 'yang pagkain at Bawal tayo ma late kay sir alvarez", sabay wagay-way nito saaking Mata para makuha ang attention ko.

Wala akong naging reaction sa mga sinasabi niya at pinag patuloy ko na lang ang pagkain ko.

"Sarap ba". Habol nitong sinabi.

Lumaki ang mata ko at muli nanaman nag taka anong masarap ang sinasabi nito, itong adobo ng nanay niya o 'yong kiss.



Unrequited LoveWhere stories live. Discover now