Unang kabanata

10 2 8
                                    

[Kabanata 1]

Sabi nila ang mga bituin ay ang nagbibigay Buhay sa madilim na kalangitan...at kung Minsan ay umaayon Rin ito sa iyong tunay na nararamdaman

"Mr.Alvarez! are you with us?"natauhan ako ng biglang magsalita si Noah.nasa kalagitnaan kami ng meeting Ngayon at Hindi ko namalayang nakatulala na Pala ako kanina pa

"Y-yes,I'm with you"Yun nalang Ang nasabi ko na syang ikinatawa ng mga kasamahan namin maging si Noah ay nagpipigil Rin ng tawa shacks ano ba Yung sinabi mo darwin nagmukha tuloy may double meaning Yung sinabi mo

"I-i m-mean...yes I'm listening so please continue mr.vercelles"Saad ko na sya namang ikinatahimik ng lahat maliban Kay Noah na nagpipigil parin ng tawa kaazar!

Napatikhim pa sya ng makailang ulit upang mapigilang matawa at Nagsimula na ngang mag discuss ulit si Noah about sa gagawin para sa nalalapit na fashion show nagaganapin sa Isang beach resort at Ang department namin Ang naatasan na magmanage sa event na yun oh diba!ang taray fashion show sa tabing dagat ha ha Hindi ko alam kung baliw ba itong si Noah o ano at naisipan nyang ialok Yung idea na sa dalampasigan Gawin Yung event para daw unique

"That's all we have for today if you have any ideas you can freely express here....."pagtatapos ni Noah na ngayon ay ibinaling na Naman Ang tingin sakin kanina pa tong mokong nato ah

"And I hope you're still with me, Darwin"sambit pa nito na sinabayan Naman ng mahinang pagtawa ng mga kasamahan namin Hindi pa talaga nakamove on Ang shokoy nato. Inirapan ko nalang sya at tumayo na sa kinauupuan ko para makabalik na kami sa kanya-kanya naming desk

"Uyy Ang landi mo kanina Ikaw ah"pag-aasar sakin ni Anastasia,nasa labas na kami ng conference room at kasalukuyang nakaupo sa assigned desk namin.. sa department namin sya Ang pinakapilyo,maingay at kaclose ko Wala Ring Kaso sa kanya Ang gender ko

"natapos mo na ba Yung design na pinapagawa ko?"pag iiba ko ng usapan na syang ikinatawa nya lang itong babaitang to talaga

"Oh ito na tapos ko na yan kagabi pa......"Sabi nya sabay abot nung bond paper na may dress sketch

"Pero alam mo kinilig talaga si Noah dun eh....pinigilan nya lang kyaaaaahhhhh!bagay kayo"Sabi pa nito sabay ihaw at hampas sa balikat ko bat nananakit yarn?

"Shhhh tumigil ka nga baka may makarinig Sayo....baka marinig ka nya"suway ko sa kanya baka Kasi Anong isipin ng iba Lalo na't ayoko ring mag-assume Ang lalaking Yun na papalapit na Rin sa Amin ngayon

"Coffee?"Sabi nito sabay abot nung kape ipapalusot ko pa sana si Anastasia dahil ayokong kausap Ang taong to pero kumaripas Rin papalayo Ang bruha Kaya Wala akong choice kundi ang tanggapin Ang bigay nya

"T-thank you"Yun lang Ang nasabi ko at itinuun na Ang atensyon ko sa pag-aayos ng alignment nung mga dress sa bond paper ko lng Muna inilagay mamaya ko na aayusin Yung mga actual dress na gagamitin total format narin Naman Ang ginagawa Kong to eh.. kailangan Kasing organized Yung mga gagamiting dress para sa fashion show para Hindi magkahalo-halo at para Hindi Rin mataranta Yung mga model sa kung sino ba Ang mauuna.Nakita ko Naman na napaupo si Noah sa arm chair ng upuan ko shemay bakit kailangan ganito sya kalapit sakin eh andyan Naman Yung upuan ni Anastasia eh

"Magaling ka talaga pagdating sa sketching no wonder kung bakit Dito ka sa department namin inilagay"rinig Kong Sabi ni Noah habang nakatingin sa mga design ko...nakaupo lng Naman sya pero bakit feeling ko my life is in danger..ramdam ko Rin na may namumuong pawis sa katawan ko Ngayon Hindi ko alam pero para akong nababalisa pagnandito itong lalaking to

"Punta Muna ako s-sa d-d-dressing room"pagpapaalam ko gusto ko ng kumaripas ng takbo Ngayon shet bat ba nauutal ako

"Samahan na kita..may Kukunin Rin ako dun"anakngtukwa seryuso ba?Wala nakong nagawa kundi ang hayaan syang sumama Hindi ko pagmamay-ari Ang Lugar nato Kaya Wala akong karapatang pagbawalan sya shet ano ba itong puso ko bakit bumibilis Ang tibok parang nakikipagkarera


"May Kasama ba'ko?oo Tama may Kasama ako,Diba?.........."tinignan ko lang si Noah dahil Hindi ko Rin Naman maintindihan Ang sinasabi nya..Narito kami Ngayon sa loob ng elevator kakagaling lang namin sa dressing room at pabalik na sa department namin nasa 4th floor Kasi Ang main dressing room ng kompanya at nasa 2nd floor Ang department namin

"Kanina ka pa Kasi tahimik dinaig kapa nung multo eh"pagpapatuloy nya pa sa pagsasalita

"H-huh?a-ah p-pagod lang Kasi a-ako"matamlay na sagot ko sa totoo lang magkahalong pagod at lungkot Ang nararamdaman ko ngayon masyado kaming naging abala sa paghahanda at namimiss ko na Rin Yung kapatid ko

"A-ah g-ganun ba?magpahinga kana muna..may ilang weeks pa tayo for the event so,you don't have to pressure yourself"may pag-aalala sa Tono nyang Saad na syang ikinatango ko nalang

Nang makarating kami sa department namin agad ko narin iniligpit Yung gamit ko sa table.Tama si Noah masyado Kong pinipressure Ang sarili ko I need time to rest too

"Anastasia,mauuna na Muna ako ah m-medyo Hindi maganda Ang pakiramdam ko Ngayon"paalam ko pa Kay Anastasia na nakabalik na sa pwesto nya

"Sege..ako na bahala here take a rest muna"sagot nya sabay ngiti..nginitian ko nalang din sya at Nagsimula nang maglakad palabas

Tulala lang ako habang nag-aabang sa pagbukas ng elevator namamanhid na Ang tuhod at feeling ko Hindi Kona kayang maghagdan ngayon.pagbukas ng elevator Wala sa wisyo akong pumasok at tulala parin naramdaman ko Ring may butil ng luha Ang dumampi sa pisngi ko mabuti nalang at Wala akong kasabay Tama nga Sila Minsan mapapaiyak ka nalang talaga sa pagod at lungkot na nararamdaman mo

"Should I drive you home?"bigla akong natauhan ng marinig Ang pamilyar na Boses na yun Teka akala ko ba Wala akong kasabay bakit nandito si n-noah?!

"H-huh?"tanging Yun lang lumabas sa bibig ko at tuluyan na ngang bumukas Ang pinto ng elevator hindi ko namalayang nakalabas na Pala ako at kasalukuyan ng nakatayo sa harap ng building

"Sakay na"rinig Kong tawag ni Noah na ngayon ay nakaparada na Pala Ang sasakyan nya sa harap ko
Naka white polo and black pants lng sya pero Ang hot nya tignan Teka ano?gumising ka nga Darwin

"H-hindi na mag--------"Hindi ko na naituloy Ang sasabihin ko ng bigla itong magsalita

"I insist"gulat akong napalingon sa likod ko Hindi ko namalayan na nakababa na Pala sya ng sasakyan at s-sobrang lapit ng Mukha nya sa leeg ko dahilan para maramdaman ko Ang paghinga nya

"So,tara na"pagpapatuloy nya pa mas lalong tumindig Ang mga balahibo ko ng bigla nyang hinawakan Ang kamay ko tila nawalan ako ng kontrol sa sarili Kong katawan dahil tila kusa na lamang itong humakbang papunta sa loob ng sasakyan

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan at tanging ingay lang ng mga kasalubong at kasabayang sasakyan Ang maririnig..tulala rin akong nakatitig sa labas Ewan ko ba I can't stare at this man beside me para rin akong naiilang dahil sa mga pasulyap nitong tingin


'Di ko man maamin
ikaw ay mahalaga sa akin
'di ko man maisip
sa pagtulog ikaw ang panaginip

Malabo man ang aking pag-iisip
sana'y pakinggan mo
ang sigaw nitong damdamin

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako'y manhid
sana ay iyong naririnig
sa 'yong yakap ako'y nasasabik

—Alipin(shamrock)

In the midst of the sparkling star's Where stories live. Discover now