Chapter 4 - Happiness

5 0 0
                                    

Nauna pa ako magising sa alarm ko kaya nagsimula na agad akong mag luto at mag-ayos alam ko naman ding hindi na ako makakatulog neto kaya ako na ang nag-ayos para sa umaga na 'to.
Saktong 7:30 ng umaga umalis na kami ni Raze, medyo na late kami ng alis ang bagal kasi kumain ng babae na' to.
Pagkadating namin ay nadatnan namin na nag-ayos na ng venue ang mga missionaries kaya tumulong na kami.
9:00 nagsimula ang program andaming mga bata dito at super cute nila and funny naalala ko tuloy ang memories namin ni Mommy nung nilalaro niya ako.
4:00 PM na ng hapon nang matapos ang program pero 5:00 PM kami umalis dahil nag ayos pa kami.
Madilim na nang makauwi kami, diretso agad kami sa mga kwarto namin sa sobrang pagod.
Ito ang pinakamasayang nangyari sa akin ngayong taon.

After a years :

Andaming nangyari lumipas na ang birthday ko, naka pag tapos na rin ako ng pag aaral, dumaan na ang pasko, bagong taon, valentines at napakarami pang holidays pero hindi pa rin siya bumabalik hahaha mahigit tatlong taon na rin pala akong nandito.
Natutunan ko nang bumitaw at natutunan ko nang tanggapin ang lahat, hindi na siya babalik.
Siguro naman deserve ko nang sumaya.

Padilim na kaya isasara ko na dapat ang bintana ng kwarto ko pero ramdam ko ang lamig ng hangin dito kaya tumanaw muna ako. Sa tagal ng pagtanaw ko dito ay kunatok si Raze sa pintuan ng kwarto ko
"Zara?, Raze 'to?
Agad ko naman siyang pinagbukasan ng pinto
" oh pasok ka"
" Zara, gusto ko lang itanong kung anong balak mo ngayon na nakapagtapos na tayo?, pano ba iyan kailangan na natin bumalik sa Manila" saad niya
"Oo Raze babalik na tayo, last day of this month uuwi na tayo?" tanong ko sakanya
"kaya mo na ba?" tanong niya
"abay oo naman ako pa, saka ilang taon na rin" sagot ko kay Raze
"Sige, sabihin ko na kila Daddy" sagot niya sabay tapik sa balikat ko.
Raze's POV:
Nakapag tapos na kami ng College ni Zara sa Law school.

Ilang taon na nga ang nakalipas hanggang ngayon hindi ko pa din masabi sakanya ang tungkol kay Fred hindi ko na rin alam ang kalagayan ni Fred dahil minsan nalang siya tumawag para kamustahin si Zara.

Zara's POV:
After ilang days dumating na rin ang araw para bumalik kami sa Manila
"Zara" sigaw ni Raze habang inaalala ko ang lahat ng nangyari
"eto naaaa" sagot ko dahil kanina pa siya tumatawag.
Pagkababa ko ay nakabusangot siyang nag-iintay sakin at nakangiwi pa ang nguso nito.
"hahaha" tawa ko sakanya at umupo na ako para makakain na kami.
Pagkatapos naming kumain ay nilabas ko na agad ang mga gamit ko ganon din naman siya.
Habang nag-aantay kami sa aming sasakyan ay kinausap ko ang kanyang mga magulang.
"Tito, Tita, thankyou po sa pag papatuloy niyo saakin dito sa ilang taon thankyou po" pagpapasalamat ko
"wala yon mag - ingat kayo ha bumalik kayo rito ha" nakangiting saad ni Tita
"Opo, una na po kami" nang bigla rin namang dumating ang sasakyan namin.
Nakatingin ako sa bintana ng sasakyan namin iniisip kung anong mga gagawin ko kung sakali mang makita ko si Fred, sobra ang galit ko sakanya hanggang ngayon. Buong araw ko nanaman siyang iisipin kung anong gagawin ko sakali mang makita ko siya. Makikita ko pa nga ba?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The truth behind the painWhere stories live. Discover now