Prologue

1 0 0
                                    

---Kira---

"Aalis nga ako ngayon eh. Pupunta ako sa pwesto ko dun sa may palengke. Ibebenta ko'tong mga bago kong gawang handcrafts pati 'tong mga ibang gulay ni nanay" tinype ko sa laptop ko. Ka-chat ko kase ngayon si shyiee. Internet friend ko siya sa isang anonymous chatting app na gumagamit ng mga cute names bilang pangalan mo. Ang pangalan ko dito ay mouse at simula nung pumasok ako sa chatting app na'to, si shyiee palang ang nagiging chatmate ko.
Pero sa ilang buwan konang ginagamit ang app na'to, palagay ko ay naging bestfriend kona si shyiee.

"Ang sipag mo talaga 'no? Alam mo gusto koring matutong mag-gantsilyo para makagawa ako ng mga cute staffs. Pero Im so amazed kase napagkakakitaan mo ang talento mo" reply niya sakin.

Nag-uusap kami lagi tungkol sa mga pang-araw-araw naming buhay at mga pangyayari sa bawat araw sa buhay namin. Nagkukwento ako sa kanya ng tungkol sa buhay ko. Mga achievements, events and even all my burdens at ganun rin siya sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na may napapagsabihan ka ng lahat kahit kachat molang siya. At sigurado ako na ganun din ang nararamdaman niya. Kahit na hindi pa kami nagkikita sa personal, feeling ko ay sobrang close kona sa kaniya dahil halos alam at kilala na namin ang isa't isa.

Napangiti ako at muling nag-type. "Kailangan ko ngayon ng pagkakakitaan eh. Malapit na ulit ang umpisa ng schoolyear. Kailangan ko ng pera para sa pag-aaral ko".

"I know. Pero alam mo gustong-gusto kitang tulungan. Kaso nga lang, hindi ko alam kung paano. Wala akong alam na ibang gawin kundi mag-aral at siyempre.. Makipag-chat sayo".

Ngumiti ako pero ramdam ko ang lungkot sa mga sinabi niya. "Ano kaba, okay lang. Malaki na ang tulong mo sakin 'no. Malaking bagay na lagi kitang nakakausap. Kapag kailangan ko ng makakausap at walang naandito sa tabi ko, sayo lang lagi ako dumidiretso. Chatmates tayo eh".

"Yeah. Same here. I felt so good when Im talking to you. Kahit papano nakakabawas sa bigat ng loob. I hope we can meet someday.. Mouse".

"Sana nga magkita na tayo shyiee. Sigurado ako, magiging sobrang close natin sa isa't isa sa personal".

---

Matapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko si nanay na nag-aalmusal mag-isa. Agad niya akong nakita at niyaya akong kumain.

"Kira, kain muna dito"

"Dadampot lang po ako ng pandesal may pagkain din naman po sa palengke" dumampot ako ng dalawang pandesal at saka aalis na sana ng lamesa nang mapansin ko na malungkot na nakatingin sakin si nanay.

"Nay, bakit po?"

Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Heto na naman siya. Alam kona ang mga sasabihin niya sakin.

"Kira sorry ha. Dapat nakapokus kalang sa teenage life mo pero heto ka ngayon at nagtatrabaho. Sorry dahil hindi sapat yung mga naibibigay ko sa inyo. Alam kong nahihirapan ka kaya--"

"Nay!" sumenyas ako para tumigil na siya sa pagsasalita. Ayokong makita siyang naguguilty dahil wala naman siyang kasalanan. Wala siyang kasalanan kung mahirap lang kami.. Kung mahirap ang mabuhay. Hindi niya kasalanan na pinabayaan kami ng tatay namin at tinitiis ang kahirapan sa buhay. Wala siyang kasalanan dahil ang tanging ginawa lang niya ay buhayin kami at buhatin kami mag-isa. Kaya ngayon, kailangan ko siyang tulungan.

"Ba't ka nagsosorry nay? Ba't paiyak kana diyan?" tumawa nalang ako para matawa nalang din si nanay. "Tumutulong lang po ako sa inyo. Sayang naman 'tong talent ko' no? At saka, gusto po ng mga tao ang gawa ko. Gusto ko po ang ginagawa ko kaya wag po kayong mag-sorry".

"Pero anak nahihirapan ka eh".

Hinaplos ko ang muka niya at saka ngumiti. Yung ngiting makakahawa sana. Dahil ayokong makitang nalulungkot si nanay. Sabi nila, positive daw akong tao. At nakikita yun sa mga gawa kong gantsilyo kaya nga maraming bumibili ng gawa ko. Pero sana, mahawaan ko ng saya at positivity ko si nanay. Alam ko kaseng hindi siya ganun ka positive. Lagi niyang dinidibdib ang mga problema. At kalimitan, mag-isa niya 'tong hinaharap. Kaya ngayon, tutulungan kona siya.

Tumango ako at saka muling nagsalita. "Oo nay, nahihirapan po ako. Pero alam niyo po ba yung stress ko kapag may exam tapos kapag nagrereview po ako at nakakapasa, diba po sobrang saya ko. Ganun po ang nararamdaman ko. Mahirap pero masaya".

Hindi na siya nagsalita pero napanatag ang loob ko dahil nakangiti na siya.

"Hay naku. Sige na nay, aalis na ako. Hinihintay na ako ng mga suki ko. Gusto na nilang ubusin ang mga gawa ko. Nga pala..."

Napatingin ako sa hapag at nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay.
"Nasan nga pala si James? Bakit di pa yun nag-aalmusal?" tanong ko dahil di ko pa nakikita si James, yung kakambal ko. Kakambal ko siya pero di ko siya kamukha at hindi ko din siya kaugali. Sobrang magkaiba kami. Siguro dahil fraternal twins kami.

"Ewan ko. Maagang umalis eh. Nagpaalam sakin pero di na nag-almusal. Hindi ko na nga natanong kung saan siya pupunta eh".

Napakamot ako sa ulo. Alam kong nasa labas na naman yun at nag-gagala. Gumagastos na parang wala kaming problema sa pera. Sinasayang ang mga kinikita namin ni nanay para sa barkada niya. At ang masakit padun, hindi ito alam ni nanay dahil hindi ko siya sinusumbong. Ayokong bigyan ng sakit ng ulo si nanay, dahil madadagdagan lang ang mga problema niya. Siguro, magaling lang talaga ako magtiis na hindi siya isumbong. At yun din ang dahilan kung bakit kami laging nag-aaway at palaging di magkasundo ng kapatid ko.

"Siya, siya, alis na po ako nay".

"Sige Kira. Ingat ka sa daan ha. Pupunta ako sa palengke mamaya at dadalhan ka ng pagkain".

"Wag na po kayong mag-abala. May pagkain po sa palengke".

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ChatmatesWhere stories live. Discover now