Karylle

308 8 0
                                    

Karylle

" How could you sleep at night knowing that you've broken someone's heart? "

- unregistered number -

Nananadya ba ang tadhana? Sino itong nagtext sa'kin? Grabe ah! Ang sakit kaya! Puta sya! Sino namang siraulong magsesend sa'kin ng ganitong text. Wala naman akong pinagsasabihang iba ah. Baka naman sya ito? Pero imposible kasi nag-iba na ako ng sim. Ang lakas maka-panira lalo ng gabi tong kulas na to. Nakakainis!

Pero bakit ka ganyan kung magsalita Ana Karylle?! Masyadong halata na-guilty ka sa mga ginawa mo sa kulas na yon. Ayusin mo nga sarili mo! Whoo! Breathe in, breathe out... whoo. Relax yourself. Baka atakihin ka sa puso nyan.

Pero bakit ganon? Parang nilalamon ako ng konsensya ko. Bakit? Ganon ba kalaki ang kasalanan ko para karmahin ako? Tatlong araw na tong nangyayari sa'kin. Noong unang araw na makipaghiwalay ako sa kanya, napanaginipan ko sya, nakita ko kung paano ko sya nasaktan at paulit-ulit na nagpplay sa utak ko yun. Yung pangalawang araw nakita ko sya sa shop ko, nagkatitigan kami, habang sya ay parang nagpapa-awa dahil sa kanyang tingin sa'kin. At ngayong gabi naman, heto... Ang isang text sa hindi ko kilalang number.

Baka naman gm to or na-wrong send lang. Hay ewan ko... Bahala na.

General

Dahil sa malalim na pag-iisip, hindi na malayan ni Ana, na nakatulog na pala sya. Bandang alas-sinco nagising si Ana dahil tumunog ang kanyang cell phone. Hindi naman sya mantika kung matulog kaya nagising sya agad. Kinapa nya ang cell phone sa katabi nyang lamesita. Halos hindi nya madilat ang nanliliit nyang mata dahil sa liwanag ng kanyang cell phone. May nag-text.

" How could you sleep at night knowing that you've broken someone's heart? "

- unregistered number -

Nabwisit sya nang bongga, dahil sa pag-aakala na hindi na ulit mag-tetext yun. Nangungulit talaga ang taong yun, pag-iiisip nya. Hindi nya kasi ni-replyan kagabi, siguro gusto nya talaga malaman ang saloobin ni Ana. Kaya hindi na sya nagpatumpik-tumpik pa.

to: unregistered number

" What the heck?! nananadya ka ba? well excuse me, FYI nakatulog na ako. ayaw mo talaga akong tantanan ah. well hindi na ako mag-aaksaya ng oras sa'yo. panira ka ng morning! bwisit ka! and lastly! naka-move-on nako noh! bwisit ka! sige subukan mong mag-text pa ulit. papa-hanap kitang kumag ka!!!

Halos mabasag naman ang screen ng phone nya dahil sa diin ng kanyang pagkapindot. Pero sa totoo lang wala talaga syang tulog dahil sa kakaisip sa nag-text sa kanya, halos tatlong oras nga lang sya nakatulog. Ibinalik nya sa lamesita ang phone nya at pinilit ulit matulog. Pa-iba-iba sya ng posisyon ngunit hindi na bumabalik ang antok na kanina nya pa hinihintay. Kaya napagdesisyonan nya na bumangon na lang at makapag-jogging, tutal maaga pa naman.

Nang maka-dalawan ikot na sya sa street nila. Kinakapos na ng hininga si Ana, at medyo nahihilo na. Pinagpatuloy nya lang ang takbo, at ginawa nya lang dahan-dahan. Medyo dumi-dilim naman ang kanyang paningin kaya mas binagalan nya ang takbo. Nang mas lalong sumama ang pakiramdam nya naglakad sya ng paunti-unti at napahinto bigla. Napahawak sya sa tuhod nya habang naghahabol pa rin ng hininga. Hindi nya matiis at pakiramdam nya na matutumba na sya any moment. Nang bigla namang may dumaan na malaking aso sa tabi nya na naging dahilan ng kanyang pagkagulat at nawalan ng balanse sa katawan.

"Miss! " sigaw ng isang lalaki na dikalayuan sa kanyang kinatatayuan. Dali-daling lumapit ang lalaki at sinalo sya, bago pa man syang tuluyang mahulog.

"Miss okay ka lang ba? kaya mo pa ba? " umupo ang lalaki at pinatong ang ulunan ni Ana sa kanyang binti habang bahagyang tinatapik ito. Tila naman nabibinggi si Ana, dahil wala syang maintindihan sa lalaki. Pinipilit nya ring tumayo, pero wala pa sya sa balanse.

Umupo sila sa bench (at namili ng bra't panty. chos...) na malapit lang sa kanila at hinayaan munang magpahinga doon si Ana. Inalok din ng lalaki si Ana na inumin ang tubig na dala nya galing din kasi sa jogging ang lalaki.

"Sige, okay lang miss. Inumin mo na yan... wala ka atang dalang tubig eh. " tumango lang si Ana at uminom na.

"Salamat " sabi ni Ana at ngumiti ng tipid.

"Next time miss huwag ka na mag-jogging kapag kulang ka sa tulog o inantok ka, baka sa susunod maabutan ulit kitang walang malay sa kalsada " tumayo na si Ana at nagpasalamat muli. Nginitian lang sya ng lalaki at naghiwalay na rin.

Hindi sya pamilyar sa lalaking yun, inisip nya baka bagong lipat sa village. At sa pagkakaalam nya wala masyadong nagjojogging doon sa kanila. Hindi nya natandaan ang mukha ng lalaki, naka-suot kasi ito ng shades at snapback na itim. Halata rin na kaka-jogging din ng lalaki.

Hindi pa sya nakakalayo lumingon sya kung saan nya iniwan ang lalaki, nakita nya na wala na sya agad. Kaya nagtaka naman sya kung saan lumusot ang lalaking iyon.


--------

Hello guys! :) thanks for reading... ayan nag update na ko ahahhah, omg the feels!!! Ung sasabihin ng readers n mag update ka n ng story huhuhu nakaka tats nemen, akala ko d magiging okay sainyo tong 1st story ko hahahaha, well thank you very mats :-)

Next update kapag naka 100+ comments :-]
Ay charot!.... 100+ reads beh ahahah :-)

Spread the love. vote and comment lang

Love,

QueenV

09/10/15

Touch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon