Chapter 1: The Reunion

29 1 0
                                    

Leczy's POV

"Right from the start

you were a thieft

you stole my heart

and i'm your willing
victim."

Bigla akong nagising at tinanggal ang earphones sa tenga ko, nakatulog pala ako.

Lintik na kanta naman oh, ba't may ganun na linya. Ou na biktima na ako, ang tanga tanga ko naman kasi para maniwala sa walang kwentang lalaking yun.

Hindi masyadong halata pero broken hearted talaga ako. Ang sakit sakit kaya, minahal ko siya ng todo kahit 2 months palang kami tapos ipagpapalit lang niya ako sa mukhang frog na babaeng yun.

Tok! Tok! Tok!

"what?" sigaw ko kairita kung kumatok mukhang sisirain pa pinto ko.

"lumabas ka kasi dyan nagugutom na ako mag luto kana."
Hay nakakainis na babae naman to kung makademand parang may ari ng unit nato. Ba't ba kasi ng email ng kaartehan na reunion envites ang mga highschool batch ko. Tuloy ang vain kung bestfriend wants to attend that stupid reunion, well she really likes parties lang naman infact she's a club hopper baby, which i never tried to do on a friday or saturday night. I came out of my chamber atlast.

"Ano ba kasi pinag gagawa mo sa buhay mo at namamaga na naman yang mga mata mo?"
Tanong ng bestfriend ko habang naghahanda ng makakain sa table kaya umupo nalang ako. Nakapagluto na pala siya inaabala pa ako sa pag eemote ko.

"ahh!"
Nagulat ako ng bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Parang sadako naman tong babaing to. Sabay bulong niya sa akin.

"Naghiwalay na naman kayo ni Jake no?"
Tapos bigla niya nalang akong binatukan.

"aray!" Ano ba Cas muntik na masubsub mukha ko sa table."
Reklamo ko habang hinihimas ko ulo ko. Supportive talaga tong bestfriend ko kahit kailan at umupo na siya sa opposite side ng mesa.

"sige na kumain kana at may lakad tayo, sabi ko naman sayo wag ka munang papasok sa mga commitments na ganyan dahil masasaktan kalang." tinitigan ko lang sya habang sinusubo ang pagkain. Kung makapag sermon kala mo mama ko lage nalang siyang ganyan hindi siya nagsasawang paulit-ulit akong pagsabihan eh hindi naman nag sisync in sa utak ko. Playgirl kasi, siya mismo ang nanakit sa mga lalaki.

"ganyan din nangyari sayo nung break up niyo ni Kyle 1 month lang kayo nun, pero kung makahinagpis ka parang titigil na sa pag ikot ang planet earth. Itigil mo na kasi yang bisyong ganyan."

O come on! here we go again akala ko tapos na siya pero heto na naman kami pinapaalala na naman niya yung past ko, bisyo daw kamo grabe addict na ata ako sa vice nato. Kainis pero kahit ganyan siya love na love ko yan, siya lang kasi ang hindi nakikipag break sa akin despite sa kagagahan ko sa life.

-at Yassi's Bar-

Succesful na talaga ang ibang batch ko tignan mo si Yassi Hermosa may bar nang pinapatakbo at tong reunion party nato sponsor pa ng mga mayaman kong batch, hay kailan din ba aasinso buhay ko.

"hey Lecz have some drinks."
Sabay abot sa akin ni macky ng baso na puno ng vodka.
May balak ba tong lasingin ako tapos gahasain pagkatapos i chachopchop ang katawan, tapos ilalagay sa drum tapos punuin ng maraming bato at itatapon sa ilog. No way.

"anong akala mo sa akin lasenggera, excuse me."
Yun nalang nasabi ko sabay taas kilay pa alis.

Si macky lang naman kasi ang pinakamanyakis kung classmate nung 2nd year highschool, akalain mong pinakita niya sa boung class ang penis nya. Kadiring tao.

Just a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon