Chapter 7: My Boss

10 0 0
                                    

One week na din simula nung natanggap ako sa EL Corp. Hindi nga ako makapaniwala na matatanggap ako, ang laki kasi masyado ng companyang ito at ang sikat pa. At dahil malaking companya nga ito kaya hindi kami nagkikitaan ni Casel, magkaiba rin kasi kami ng department na naassign. Hindi pa pala ako nagpasalamat sa kanya, dahil pa naman sa kanya naibsan ang kahirapang dinaranas ko.
Malaki kasi sweldo nila dito.

"Leczy sabay tayo mag lunch."

Yaya sa akin ni Sitti ang nakasundo ko agad dito. Nag pray na daw kasi siya.

"Tara gutom na rin ako, tatapusin ko nalang to mamaya."

Tapos na rin kaming kumain kaya bumalik agad kami dito sa opisina. Nagtataka kami dahil ang busy nila sa pag lilinis at pag aayos ng mga nakatambak na mga papeles. At ang iba ay nagpapaganda pa nagreretouch ng make up. Siyempre hindi ko naman alam ang dahilan kaya hindi ko sila tinularan hindi naman rin sila nag abalang sabihan kami.
Maya-maya ay may mga pumasok sa department namin kaya nagsitayuan naman silang lahat sa right side ng opisina kaya sumunod nalang rin ako.

Ang naunang pumasok ay tatlong magaganda pero medyo may edad na na mga babae at hindi ko inexpect ang sumunod, dahil isang lalaki in black suit and his face looks familiar to me.

Wait! Si Eric de Luna?!

Napayuko agad ako para iwasan ang tingin niya at para hindi niya ako mapansin, pero...

"So you're the new employee here? Nice meeting you."

Napapikit ako nang marinig ang boses niya malapit sa tenga ko. Imbis na iniiwasan ko siya ako pa ang unang pinansin. Kaya inangat ko ang ulo ko at nakitang naka smile siya habang inaantay na abutin ko ang kamay niya.

So I did then that moment our hands met I felt like something stung me. His eyes, the way he look at me was strange.

Pag alis nila ay nakahinga ako ng malalim. Nakaka kaba kaharap siya hindi ko alam kung bakit. Parang na tre-threat ako sa kanya.

"Hoy! Leczy are you okay you look tensed."

nagulat naman ako, yung gulat na parang nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Kaya umayos ako ng upo.

"Ha? Hindi naman ah."

Naalala ko tuloy nung highschool pa kami. Naging classmate ko siya nung 3rd year at parati kaming nag aaway kasi inaasar niya ako na kamukha ko daw si Fiona ang asawa ni Shrek. Syempre hindi naman sa pangit si Fiona kaya ayaw kong tinatawag ng ganun, mag kasing kulay kasi si Fiona at ang mga palaka na pinangdidirihan ko. Kaya para makaganti kinukutya ko siyang si Elmo ang gwapo kasi niya para tawagin siyang Shrek kaya Elmo parang bakla kasi at ang lamya pa kimilos. Nabato ko pa nga siya ng sapatos noun sumusubra na kasi.

Pero ngayon hindi ko alam ba't kakaiba siya makatingin. Parang yung una naming pagkikita sa bar.

Nag uwian na kami kaya dinudukot ko ang phone sa bag ko para tawagan si Casel.

Baaaanngg- - -

"Ai sorry hindi ko sinasa..."
napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino nakabangga ko.

"Oh Lecz okay lang."
nakangiti siya sabay hawak sa balikat ko.

"S-sorry talaga."
so I smiled back.

"Gusto mo makabawi sa akin?"

I just gave him a 'ha?' look.

"Let's go out for a dinner if it's okay with you?"

binigyan ko siya ng smile na may pag aalangan kaya medyo nag pout siya, kaya napakagat ako sa lower lip ko. Makakatanggi paba ako.

Then I nodded and smiled.

"Okay. Pero hindi ba nakakahiya eh boss kita?"

"Shut up Lecz. We've known each other for so long at isa pa na miss ko ang asaran natin."

kaya nagtawanan kaming dalawa sa sinabi niya dahil pareho pala kami ng naaalala.

Nandito na kami ngayon sa Angled Star Restaurant. May pagka sophisticated din tong resto nato halatang pang mayaman, buti nalang pinag aralan ko ang tamang table manners para hindi ako mapahiya pag sinasama sa ganitong lugar. Inorder ko nalang kung anong inorder niya para malaman ko kung anong gusto niyang pagkain dahil makikilala mo daw ang isang tao sa kung anong kainin niya at kung panu siya kumain. Pero syempre ang iba pretentions lang dahil nahihiya kaya hinhin-hinhinan sa pagkain.

Masaya pala kasama si Eric nagkwentuhan at nagtawanan lang kami. Hindi ko akalaing masarap siya kausap at wala na ring awkwardness akong na feel. Hinatid pa niya ako pauwi.

"Nakakahiya naman hinatid mo pa talaga ako sir."

"Huwag kang kampante Fiona may kapalit to."
ano daw kapalit at ano nanaman ba? Nakakagulat talaga ang lalaking to.

"Sige pumasok kana."
Sabi niya na napakamot sa ulo niya.

Ang cute niya tignan na mukhang nahihiya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya sa may kapalit, kaya pumasok na ako. Pero nilingun ko ulit siya na nakatingin pa sa akin inaantay makapasok ako ng pinto. Naka smile siya at nag wave ng kamay, kaya kumaway din ako sabay sabing.

"Salamat, goodnight."

he just nod then fled away.

Nakahiga na ako ngayun medyo napagod ako sa araw ko. Pipikit na sana ang mga mata ko nang biglang tumunog ang phone ko. May nag text kaya tinignan ko muna kung sino.

(unknown number)

Goodnight Fiona ko :*

Bumilog ang mga mata ko. Panu niya nalaman ang number ko? Fiona ko daw?!

Ou nga pala boss ko nga pala siya malamang alam niya talaga number ko. Ano naman irereply ko? Bahala na.

Me: Goodnight Elmo. Thanks sa dinner. :)

sent.

I save his number as Elmo.

Elmo: I always wanted to ask you this. Why Elmo? Ba't hindi Shrek?

Akala ko hindi na siya mag rereply. Bakit nga ba hindi Shrek? Eh isa rin sa dahilan ay mag asawa sila ni Fiona, awkward din pag Fiona tawag niya sa akin tapos Shrek tawag ko sa kanya eh para naring kami.

me: wala kasi akong maisip :D

Elmo: But I wanted you to call me Shrek.

me: bakit naman?

Elmo: Because you're my Fiona and I'm your Shrek :)

Nakakaumay tong conversation nato parang bata. Kaya nilublub ko ang mukha ko sa unan. Ano na ang irereply ko eh speechless ako sa text niya. Para talaga siyang bata.

me: Okay fine if that's what you want Shrek.

Elmo: Good! well then let's sleep. See you tomorrow Fiona.

Hay salamat tinapos na rin niya. Hindi na ako mag rereply baka mag reply nanaman siya at hindi na kami makatulog nito.

Hindi ako makatulog sa conversation namin kanina. Anong ba namang gusto nya mangyari? Ba't may pa 'Fiona ko' pa siyang nalalaman. Hindi ko tuloy alam kong panu siya haharapin bukas.

Just a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon