Chapter 2: At the Bar

20 0 0
                                    

Leczy's POV

After that greetings, plaque giving and a wondrous dinner we went upstairs, which the bar was located. Ang dilim ng hagdan parang sinihan lang. Pagkapasok namin na amaze ako not a typical bar ang laki, ang taas ng counter and behind was a huge wine cellar, and the dance floor was wide enough for us. Akala ko two storey lang pero ang table ay located upstairs na kitangkita lang dito sa baba. Habang naglilibot ang mata ko ay nawala na pala sa paningin ko ang mga babaeng yun. Oh great.

And infairness may mga waiter pa pala na naglilibot at namimigay ng wine, at inabutan pa ako. Hindi talaga ako umiinum, pero nang matikman ko ang wine parang may mga anghel na tumatalon talon sa bibig ko kaya humingi ulit ako. Ang sarap kasi basta libre. Ang yayaman talaga ng mga batch ko pati wine sponsored din nila. Kaya humingi ulit ako.

At humingi ulit ako.

Humingi nanaman ulit ako.

And again humingi na naman ako.

Ang sarap naman kasi kaya paulit ulit akong humihingi sa waiter na walang pagod sa pamimigay. Pero parang nahihilo na ata ako kaya umupo na ako sa may counter.

"What do you want to drink ma'am?" tanong sa akin nung katatapos lang mag bartending.
Kaya tinuro ko yung mga waiter.
"The wine they're serving."

At agad niya akong binigyan. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon bigla nalang may kumuha ng wine sa bandang likod ko, at nilingun ko kung sino he's none other than Ezekiel Fuestina at nilalagok na niya yung wine na para sa akin.

"Hey! That wine was supposed to be mine." pagmakmaktol ko pero nakatingin lang siya sa akin na parang ewan habang nilalapag ang baso, then yun umalis na siya.
Errrr nakakainis ang sarap sumigaw.

Bigla nalang may humawak sa braso ko.

"Lecz nandito kalang pala kanina kapa namin hinahanap"

Si Chelsea na parang nagmamadali.

"San ba sila?"

Tumuro siya sa taas sa mga table.
"Nandun lang sila, puntahan mo nalang at uuwi na ako nandiyan na asawa ko. Sige Lecz hangang sa susunod nalang." sabay biso sa akin at pag pat niya sa braso ko paalis.

Hinahananap ba talaga ako ng mga babaeng yun? Papunta na sana ako sa taas ng bigla kung nakita si Casel sumasayaw kaya nilapitan ko para sabihing ipag drive ako pero hinawakan niya kamay ko at itinaas sabay kembot kaya naman napapasayaw nalang ako. Inikot naman niya ako ng inikot kaya parang nahilo na ako at kamuntik ng matumba buti nalang at may sumalo sa akin, inangat ko ang ulo ko para makita kung sino, si Eric de Luna pala twin brother ni Eris nagtitigan lang kaming dalawa ng halos isang minuto at nung bumalik na ang presensya ko ay nagulat ako kaya bigla akong tumayo sa pagkakahawak niya na parang walang nangyari.

"Thanks." yun lang nasabi ko tapos dali daling umalis, nakalimutan ko tuloy sabihan si Casel parang ang awkward kasi ng feeling.

Makapunta na nga lang sa ladies room.

Oh my! Ang haggard ko na pala. Agad agad kong nilabas ang powder at lipstick sa pouch para maka retouch. Ngunit may isang problema ba't hindi yata ako makapaglagay ng lipstick ng maayos parang ang labo kasi ng salamin. Buti nalang at pumasok si Grace ang kasundo ko noun sa klase pag mangungupya na.

"Hi Grace paki lagyan naman ako ng lipstick please, ang labo kasi ng salamin." sabay abot ko ng lipstick sa kanya.

"Ang salamin ba talaga ang malabo?" matawa tawa nyang tanong habang naglalagay ng lipstick, at chineck kung okay na.

"Oh ayan maganda kana ulit."

"Salamat, maasahan ka talaga."
At lumabas na ako at umupo ulit sa counter nang may tumabi sa akin and guess what ang nakakainis na si Ezekiel na naman kaya hindi ko siya pinansin inum lang ako ng inum.

Tatayo na sana ako pero parang umiikot ang mundo ko kaya hinawakan ni Ezekiel ang magkabilang braso ko.

"Are you out of your mind? You've been drinking too much." galit na siya, kaya tinuro ko mukha niya.

"Nagsasalita ka pala? Hahahaha."

Just a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon