Part 1

764 12 0
                                    

*alarm rings*

Shet. Umaga na agad? Ni hindi nga ata ako nakatulog ng maayos kakaisip kung anong mangyayare mamaya.

Hay... bahala na mamaya buntong hininga ko naman.

Di ko alam bakit di ako makatulog kagabi. Masyado ata akong nagiisip kung ano mangyayare sa araw na to. Pano ba naman kasi puro Ateneo makakasama ko at yun pa yung batch na tumalo samin last season.

*knock knock*

'"Ate..." pabulong na katok ni Clarky. Panigurado hindi rin 'to nakatulog dahil alam nyang ngayon ang alis ko.

"Clarky! The door is unlocked come in!"

Lumapit si Clarky sa akin at umupo sa dulo ng higaan ko.

"Ate, are you leaving today?" Wika ni Clarky habang nakayuko. Damang dama ko sa boses nya kung gaano sya kalungkot.

I forced myself to put on a big smile even though I'm still sleepy.

''Yes, Clarky Ate is leaving today."
Nakita ko naman na paiyak na si Clarky kaya hinila ko agad ang braso nya papalapit sakin at niyakap ko sya.

"Jujubear, remember Ate's promise?" Tinignan lang ako ni Clark na parang hinihintay anong susunod kong sasabihin.

"Ate will always call you every night before you go to bed okay? And I'll come back before you even know it."

"I'll miss you ate."

Kumalma naman agad si Clark at niyakap ako ng mahigpit.

"Cait!! Gising ka na ba? Mag reready ka pa!" Sigaw naman ni Mama mula sa baba.

Napatingin naman ako sa orasan at.. What!??? 30mins. na agad ang lumipas? Oh no! Wala na akong oras!

"Gising na ako Ma!" Sigaw ko habang paikot ikot sa kwarto ko.

"What else.. what else.." Iniikot ko ang paningin ko sa kwarto ko at baka may makita akong nakakalimutan kong dalhin.

Mga ilang minuto lang na lumipas dumating na din ang Bus na susundo sa akin. Bumusina ito ng bahagya para malaman ko na andito na sila.

"Cait!! Andito na yung service nyo!" Sigaw naman ni Mama kahit narinig ko naman na bumusina nga diba??

Dali dali kong kinuha ang dalawang maleta ko at ang backpack ko. Ayoko naman maging pangit ang first impression ng management sakin.

"Cait di ka man lang kumain!" Paalala ni Mama sakin bago ko lumabas ng pinto.

OMG! Wala man lang nga pala akong kain, kahit baon wala. Caitlin! Di ka talaga prepared!

Pero ayoko naman paghintayin ang Driver namin kasi ang alam ko ako ang unang pipick-upin since magsisimula dito sa South ang routa papuntang Ilocos.

Pero bago pa man ako makatapak palabas ng pinto ay hinarang na agad ako ni Mama.

"Hindi ka pwede umalis nang wala man lang kain!" Sabay salpak nang sandwich sa bibig ko at siksik nang tubig sa backpack ko. Wala man lang ako magawa dahil dalawang kamay ko ay hawak ang dalawang maleta.

Tinitigan ko naman si Mama at umiling nalang kasi no choice ako since ayoko maging dahilan nang delay sa byahe namin.

Dinalian kong pumasok sa bus para malapag ang gamit ko at mayakap pa sila Mama at Clarky kahit 10 seconds lang.

Pagtapak ko ng bus eh natawa naman si Manong Driver sa itsura ko. Paano ba naman kasi hila hila ko ang dalawang maleta habang may subo na sandwich.

Nakakahiya talaga! Pero buti nalang kami lang ni Manong dito sa bus.

Dumiretso na ako sa seat number ko para muna ilapag ang gamit ko. Nang biglang may narinig akong boses habang naglalakad ako sa aisle.

"Hello!" Laking gulat ko nang marealize kong hindi si manong ang narinig ko. Mahina at boses babae ito.
Kahit ayoko lumingon dahil nakakahiya ang itsura ko ay bigla nalang gumalaw katawan ko bago man lang ako makapag isip.

Muntik na akong mabilaukan.

SHET !!

BEA DE LEON??!!???!!??


SHET TALAGA NALUWA KO PA YUNG SANDWICH GALING SA BIBIG KO!!!

By your side (CaitBea) fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon