"Hey, don't you have to say goodbye to your fam?" Tanong ni Bea habang natatawang nakatingin ito sakin.Halos di ko na makita mata nya sa kakatawa nya.
Tila nagising ako sa ulirat nang tapikin ni Bea ang braso ko.
Nginitian ko naman agad si Bea bilang senyales na pasasalamat sa pagpapaalala nya sakin.
Nilapag ko lahat ng maleta ko at kumaripas ng takbo pabalik sa bahay.Nasa tapat lang nang pinto sila Mama at Clarky bagkas sa mga mata nila na pinipilit lang nilang ngumiti.
Pagbaba ko ng bus ay naramdaman ko bigla ang malamig na hangin. Napatingin ako sa langit. Wala pa palang araw. Halos mag aalasais palang din naman kaya medyo madilim pa.
Niyakap ko agad si Mama at Clarkie. Umiiyak na si Clarkie kaya hinalikan ko sya sa noo, malapit na din ako maiyak pero hindi pwede sa harap nya kung hindi eh malulungkot lalo ito.
"Bye Ma! Bye Clarky!"
"Ingat anak." nakangiting paalam naman ni Mama.
Lumingon ulit ako sa bahay para tignan muli si Mama at Clarkie. Mamimiss ko sila pati na din sila Papa at Kuya na kahit wala sila sa bahay ngayon gawa nang trabaho ay todo pagpapaalala naman kung gaano sila kaproud sakin.
Bago ako pumasok muli sa bus, napansin kong nakasilip si Bea sa bintana ng bus kung saan makikita ang bahay namin.
Nakatingin kaya sya samin?
Paniguradong nagmamalikmata lang ako at kasabay na madilim pa ang paligid kaya di naman ako sigurado sa naaninag ko.
"Are you okay?" Bungad naman agad ni Bea habang papalakad ako sa aking upuan.
"Yep." Pilit na ngiti ko naman.
Ngayon lang din ako mawawalay sa pamilya ko. Kaya kahit nakakalungkot kailangan kong tibayan ang loob ko. Bakit naman kasi may pandemic pa?
Tinignan ko naman si Bea na nasa harap ko. Ang tangkad nya at ang bango pero mukha syang puyat pareho ko.
"By the way, I'm Bea De Leon." nakangiting pakilala nya habang inaalok nya ang kamay nya sakin.
Of course I know you! Ilang games na tayo nagharap sa UAAP pati na din sa Beach Volleyball!
Pero for sure di nya naman ako tanda. Sobrang sikat ba naman nitong taong to eh!
"I know you. Nice to meet you. I'm Caitlin nga pala". Sabay abot ng kamay ko para makipagkamay sakanya.
Wait...
Is my hand shaking?? Nagshshake hands lang kami tapos nanginginig na ako agad? Caitlin naman!
Pero bago pa ako bumitaw sa kanyang kamay ay agad na syang bumitaw at hinawakan ang kamay nya habang tinititigan ito.
Napatingin din tuloy ako sa kamay ko.
Oh no! Nafeel nya kaya na nanginginig yung kamay ko? Ganun ba ako ka intimidate kay Bea para kabahan ako ng ganito ngayon?
Tinitigan ko ulit ang kamay ko. Pero hindi naman ito nagsshake. Kaya tinignan ko si Bea. Agad naman itong tumalikod habang hawak hawak pa din nya kamay nya.
Weird. Nagtremor lang hands ko nung nakipagkamay ako sakanya?
Nginitian naman ako ni Bea at agad na syang umupo sa upuan nya kaya dinouble check ko nalang ulit ang text message sakin ni Coach kung saan ang seat number ko.
Seat number 20..... ka align ng seat ni Bea.
Sa kanan sya habang ako ay nasa kaliwang banda.
BINABASA MO ANG
By your side (CaitBea) fanfic
FanfictionA fanfiction made for Caitlin Viray and Bea De Leon