Di ko namalayan na nandito na pala kami sa venue. Nagising nalang ako sa ingay ng teammates ko, lahat sila nagbabaan na.Nakakahiya naman ang lalim pala ng tulog ko. Lumingon naman ako sa tabi ko. Andito pa rin si Deanna at mukhang ang himbing din ng tulog.
Gisingin ko ba???
Eeehhh.. baka magalit?
Lumingon naman ako at naghanap ng kung sino pwede gumising kay Deanna. Nakakahiya kasi baka magalit sya!
Halos lahat nagbabaan na maliban nalang sa coaches namin na nasa harap at mukhang nagaayos pa.
Nahagip naman ng mata ko yung teammates ko sa bintana. Lahat sila nandun na! Kami ni Deanna andito pa.
Okay... try ko nalang syang gisingin ng paunti unti.
Sinubukan kong kalabitin si Deanna pero kumunot lang noo nya at tulog pa rin! Oh no!!
Nakita ko naman sa bintana na nakatingin samin si Bea. Maya maya pumasok na din sya sa bus.
Nako Deanna lagot tayo!
"Uhh.. Deanna gising na.." mahina kong sabi kasi takot pa din ako huhu.
*ehem*
Pag tingala ko andito na pala si Bea sa harap namin.
"Deanna Wong!!! Wake up!" Sigaw ni Bea habang inaalog alog pa ang braso ni Deanna.
Nagulat naman ako sa pagsigaw nya! Huhu.
Nagising naman sya agad kaso parang galit??
"Ano ba Ate Bei! Natutulog yung tao ehhh." nag pout naman si Deanna na parang bata.
"Cait bakit di mo ako ginising ha?" Pangtataray nya naman sakin.
"Ha?? Ahhh di ko ka-kasi alam" nauutal ko pang sagot kay Deanna.
Di ko naman alam obligasyon ko pala yun???
"Stop messing with her!" Sabi ni Bea habang nag roroll eyes kay Deanna.
Tinawanan naman ni Deanna yung reaction ni Bea.
"Joke lang Cait! Don't mind me ha? Kung may need ka sabihin mo lang, kahit tulog ako hehe" energetic na sagot ni Deanna na parang di galing sa tulog??
Tumango lang ako kasi di ko naman talaga alam ano nangyayare if pinagttripan ba ako ni Deanna or what. Pero ang alam ko kanina pa mukhang masungit mukha ni Bea.
"Bilisan nyo na. Kayo nalang hinihintay namin!" Bilin ni Bea bago sya bumaba ng bus.
"Aye aye Boss B!" Pahabol na sagot ni Deanna kay Bea.
"Wag mo nalang pansinin yun si Ate Bei ha? Medyo moody lang yan pag hindi nasusunod ang plano nya hahahaha" sabay kindat ni Deanna.
Di ko gets ano ibig sabihin ni Deanna. Anong plano ni Bea? Ha? Ano daw? Ay basta nginitian ko nalang sya.
"Tara na Cait!" Nakangiting pagyaya ni Deanna.
"Sige Deanna." Tumango naman ako.
"Deans nalang ang haba masyado ng Deanna" bulong ni Deanna sa tenga ko.
"Uhh.. oh.. okay Deans?" Sagot ko naman na nauutal pa. Kasi naman nagulat ako biglang bumubulong.
Nahagip nanaman ng mata ko si Bea sa labas ng bintana na nakatingin samin ni Deanna.
Galit na ata sya kasi ang tagal namin??
Hinila ko naman na pababa ng bus si Deanna kasi ang dami nyang pa ganap sa buhay ayaw nalang bumaba. Baka galit na si Bea sa tagal namin! Huhu.
BINABASA MO ANG
By your side (CaitBea) fanfic
FanfictionA fanfiction made for Caitlin Viray and Bea De Leon