Please post some comments below. Thanks!
--
“Go DJ!” sigaw ng mga babaeng katabi niya. Halos mahulog na ang mga ito sa bleachers. Patalon-talon pa kasi ang mga ito habang di magkamayaw sa pagsigaw. Maya-maya pa ay may nahulog na nga sa mga ito. Natawa siya ng pahapyaw.
“Go Dj!” sigaw ni Kathryn pero sa isip niya lang. Sa totoo niyan, gusto niya rin maghumiyaw tulad ng fans club ng naturang lalaki pero hindi pwede, makakasira iyon sa smarty image niya.
Isa siya sa tinitingalang personalidad sa OBHC, ang kanilang college school, kaya di siya pwedeng umarteng indigenous people tulad ng mga babae sa tabi niya.
Ang gwapo talaga ng lalaki, a perfect epitomy of a heart throb, walang sinabi ang mga Kpop at si Justin Bieber sa lakas ng appeal ng lalaking to.
Ang diperensya lang ay ng nagpasabog ang Diyos ng kayabangan ay hyper na hyper itong si Dj at sinalok niya lahat. Kungdi lang sana ubod ng yabang ang lalaki, siya pa sana ang magpopropose dito.
Napalingon sa gawi niya ang lalaki sabay kumidat. Halos mahimatay ang mga babae sa tabi niya. The guy is a total charmer.
“Kath, ang gagwapo talaga nila.” Patiling sigaw ni Julia Montes, ang kaniyang dakilang bestfriend.
“Hinaan mo naman boses mo best! Marinig ng mga iyan ung sinabi mo baka lalong magkaron ng hydrocephalus mga yan!” bulong ni Kath kay Julia.
“Ang praning mo kath! 3 kilometers ata ung layo saten sakanila noh! Saka mas malakas pa boses ng mga yan oh” sabay nguso sa mga babaing indigenous.
Napatingin siya sa grupo ng mga ito, nabigla na lang sila ng naghubad ng t-shirt ang isang babae at ihinagis ito sa stage.
Nakita ni Dj si Kathryn Chandri Bernardo, ang president ng kanilang Supreme Student Council, ang tumatakbong Suma Cum Laude ng Education Department at ang babaeng nakapanlalambot kung makatingin. Alam niyang dadalhin ng babae sa ODS ang babaeng walang habas na naghubad ng t-shirt at alam niyang mas lalong nairita si Kath sakaniya dahil dito.
Papunta na ang kaniyang banda sa backstage. Tapos na kasi ang music program nila at sila ng kaniyang banda ang final act.
“Galit na naman si Chandria” nakangiting sambit ni Diego sabay kindat sakaniya
“Kelan ba hindi? Allergic ata satin yon eh.” Patawang sagot ni Daniel.
“Syotain mo kaya Dj, para naman madiligan. Tigang na eh” pamumusit ni Albie. Sa banda talaga, ito ang may pinakamaruming isip.
“Heh! Wag ka nga magsalita ng ganiyan. Marinig tayo nun tayo pa ang dalhin sa ODS.” Saway ni Daniel sa kabanda. He doesn’t like the thought of harassing Chandria. He just respects her so much.
“Ang sabihin mo di mo lang talaga kayang syotain, may anti-repellant ata yun sa charm mo eh..” panghahamon ni Niel sakaniya and it hit his ego. Walang babae kayang iwasan ang charm ni Daniel Ford Padilla. Nakakasigurado siya dun.
“Kaya ko noh? Kelan ba may nakaligtas sa charm ko!” pagmamayabang ni Daniel sabay nginitian ang mga babaeng nadaanan nila. Nagsisigaw naman sa kilig ang mga ito.
“Oh sige beinte pesos ako ah!” sabi ni Albie. Humalakhak nalang ang buong banda.
Habang nasa ODS
Kathryn's POV
"Can you explain to us why did you act like that?" pagiinterrogate ng ODS officer sa babaeng walang habas na naghubad ng t-shirt.
BINABASA MO ANG
Nasa iyo na ang lahat
Fanfiction"I don't want a scent of you, even a glimpse of you and especially I don't want to be with you. But I don't really hate you, as a matter of fact, I love you" saad ni Kath at inismiran si Daniel.