Chapter 2: Let the battle begin

48 2 1
                                    

Katryn's POV

"Oh no no no no!" todo iling si Kathryn ng sabihin sa kaniya ng instructor niya na siya ang magiging representative ng College sa Mr. and Ms. Alcu na gaganapin sa Palawan.

"Oh yes yes yes yes" panggagaya sa kaniya ng kaniyang teacher sabay humalakhak. "Sorry kath, wala ka na magagawa eh. Kelangan mo ng sumunod kasi nakaregister kana."

 

 

 

Yun ung nakakabadtrip dun eh. Sasabihin sayo pag wala ka ng choice. Grabe Lord! Parusa na naman to!

"Sir wala nabang ibang pwedeng representative? Yung mga nagsipanalong mr. and ms. nung nakaraang college days? Sigurado ako pwede sila. Ako nalang cocontact sakanila" pagmamakaawa ni Kathryn.

Hindi maaring siya ang lumaban dun! Di naman siya mahilig sa mga beauty contest na mga ganyan. Haayy.. ayaw niya yung parampa rampa. Sigurado siya may swim wear competition yun. Masyado siya conservative para dun.

"Kath, look, at stake ang pangalan ng school naten dito. Credibility ang pinanghahawakan natin. Hindi tayo pwede maglabas ng kung sino sinong contestant nalang. Yung mga nagsipanalong Mr and Ms natin, puro scripted ang question and answer. We need the best and that is you." paliwanag ni Mr. Patterson.

Nambulachi pa talaga ang lalaking to. Haay ayon ano pa ba magagawa ko. Kahit naman umiyak ako ng dugo at magnobena ng sampung taon wala na ko magagawa. Pag si Mr. Patterson na ang nagsalita. Final na.

"Ok sir.. Kelan ba kase yan?" pabuntong hiningang saad ni Kathryn. 

"Yan ang gusto ko sayo Ms. Bernardo eh! Lagi mong iniisip ang kapakanan ng school naten!" napapalakpak pa si Mr. Patterson sa pagtatagumpay na mapapayag siya.

" One week ang laban, it will start on Monday,  syempre madaming cheche bureche un, sa Palawan ang venue. Sagot ng school ang plane tickets,Accomodations at lahat lahat na. May magaayos sayo dun for the pageant and pictorials. Pati food okay na. Wala na kayong iisipin pa." paliwanag ni Mr. Patterson na napapatalon talon pa.

"Monday agad sir! Friday na ngayon ah. Aga ng pagkakasabi ah." angal ni Kathryn. Tignan mo kung gano kagaling to, hindi talaga naghanap ng other choices, sa lunes na pala ang laban. Teka sino kaya ang makakasama ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nasa iyo na ang lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon