I Was Wrong (One Shot Story)

289 16 24
                                    

This story is not yet edited. The grammar and spelling may not be appropriate at some parts of the story.

Thanks!

All rights reserved 2013

***************************

Dahil inspired ako sa mga gawa ng author nato, sa kanya ko i dede-deicate. :) Hi Author! Sana magustuhan mo! Hohohoho!

 Pasensya na kung pangit to.. :) Sana basahin niyo parin..

____________________________________________________________________

Hindi, Hindi ako ang tinutukoy nila, kasinungalingan ang lahat, hindi nila alam ang totoo, hindi, OO, hindi ako ang tinutukoy nilang tao.

Maling mali ang pananaw nila sa akin, ni wala nga akong ginagawang masama kaya nagtataka ako kung bakit ganoon ang sinasabi nila sa pagkatao ko.

Simula ng pagtungtong ko ng first year highschool nagsilabasan ang kung anu-anong tsismis tungkol saakin, hindi naman ako sikat eh pero ngayon sikat na ako, di sa magandang gawa ngunit sa maling pagtingin nila sakin.

Minsan nga eh pag may nahuhulog ang mga libro o kung ano man sa isang estudyante tinutulungan ko tapos magtataka ako dahil biglang iiwas ito at ni isang thank you wala akong matanggap. Minsan naman pag may nakakasalubong ako at pinagmamasdan ko sila,tatakbo nalang sila na parang natatakot. May mali ba talaga sa mga ginagawa ko? Sa pagkaka alam ko wala naman eh.  Kada dumadaan din ako sa mga lockers eh andyan na naman ang mga tsimis ng mga ka schoolmates ko tungkol sa akin.

mataray

nakakatakot

walang kaibigan

walang awa

galit sa mundo

pinaksaklaban ng langit at lupa

at higit sa lahat

BITCH!

Sa pagkakatanda ko, araw araw akong bumabangon pumapasok at nag-aaral, wala nga akong ginagawa na kahit ano eh, ano bang trip nila?

Sa dinami dami nag trip nila eh minsan kinawawa nila ako, nung nag c-cr ako 2nd year highschool bigla nalang may bumuhos na isang baldeng tubig sa ulo ko pag pasok ko ng cubicle dahil anghel ako pinabayaan ko nalang sa sumunod na araw nilagyan naman ng palaka ang bag ko.

3rd year highschool -- nilagyan ng bubblegum ang upuan ko kaya yun tuloy ang sagwa tingnan habang naglalakad ako, pinagtatawanan nila ako pero pag tumitingin ako sa kanila hindi naman sa galit pero biglang yumuyuko na parang natatakot siila, ganyan ba talaga ako ka panget? Siguro nga.

Dahil wala naman kaming klase gayon at free time namin I decided to go sa garden ng school, doon walang umupunta kasi lahat ng estudyante ngayon nasa gym namin may game kasi eh, tapos nagsisisgawan na naman sila dun sa mga players ng school.

Huminga ako ng malalim...

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" Sinigaw ko lahat ng dinadala ko.

ganito lang talaga ako.. pag ako lang mag isa ginagawa ko yung pampawala ng loob ko. Tong garden nato kasi malapit siya sa isang river na maliit lang naman kaya refreshing.

umupo ako sa isang bato doon..

kumuha ako ng maliliit na bato at kung saan saan ko tinatapon.

"Walang saysay na buhay! Wala akong ginagawa hinuhusgahan naman ako!" *tapon*

"Walang silbi!" *tapon*

"Ayoko na ng ganito!" *tapon*

"AAAAAYYYOOOOOKKKOOO NAAAAA!!! TAMA NA!!!!! " *tapon*

I Was Wrong (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon