Nag-aayos ako ng mga gamit ko ngayon para maka uwi ng maaga. Nakak stress kasi yung last subject namin today.
MATH.. Sa lahat ng ayaw ko yan.. Hay naman.
Ipnasok ko na sa bag ko yung mga notebook ko, ballpen, papel at libro
Nung nailagay ko na lahat. Isasara ko na sana yung bag ko pero pag tingin ko sa desk ko.. Aba ba't may nahulog na orange na envelope?
Teka, Di ko ba to nabuksan nung nagbabasa ako kagabi? Tsss.. Babasahin ko nalang nga sa bahay at ipanasok narin yun sa loob ng bag ko.
.Since maaga pa naman... Marami raming tao ngayon sa hallway nagsisi uwian na yung mga studyante.
Nakisali narin ako sa siksikan ng daan eh sa kailangan ko ng umuwi eh.
Grabeh! Ang sikip naman.. Di naman ganito kasikip noon eh..
Patience is a virtue.. Fighting..
Ng nasa may hagdanan na ako pababa nakita kong may nahulog na parang papel galing sa notebook ng kuya na yon...
wala atang nakapansin kaya pinulot ko.
hmm... Ano kaya to?
Teka! Asan na si kuya? Isasauli ko pa to sa kanya!
Grabeh! Ang rami talagang studyante, di ko na tuloy mahanap yung kuya..
Makikisiksik na nga lang ako ng bonggang bongga.
Ano nga ba yung suot niya? Ahhh! May sweater siyang yellow sa shoulder niya nakabitin.
Ginawa kong giraffe yung leeg ko para mahanap yung kuya na yun..
Teka! Ayun! Nako naman ooh! Ba't ang layo niya na!? Napanganga nalang ako!
Ang sikip pa naman ng daan so ang ginawa ko.
"Excuse me po.."
"Uy! Hi Clarissa!"
"Hello! Pa excuse po"
"Naks! Hi Clarissa, dumidikit kana sakin ngayon ha?" Shemaay! Nakatabi ko pa talaga tong higanteng to.. Nanliligaw to sakin eh.. Fumefeeler naman.
"Naku, Sorry.. Makikiraaan ako.. Excuse ha! Mauuna na muna ako." at binilisan yung lakad ko! Alam niyo ba? Isa yun sa mga hibang na hibang sakin? Eh parang nangkukulam yung ngiti niya eh tsaka ang weird..
Binibigyan niya ako ng itlog ng manok araw araw.. Seryoso? Sa gwapo niyang yun ang weird niya?
"Clarissa! Antay!" Waaaaah! Tulong po! Ang kumag hinahabol ako.. Kailangan kong magmadali! Oh goodness!
Sa wakas nakalabas na ako sa kumpulan na yun! Waaah! I'M FREE!
Teka! Lumingon ako uli..
Si KUYA! Ayun!
Kaya lang...
nasa likod niya si Red! Na parang manok! Tulungan niyo po ako!
Ohhh goodness! Kailangan ko tong maibalik kay kuya baka importante.. iiihhh.. pero nandyan si Red.. Pano na to?
Magtatago ako? Kunwari hihimatayin? gugulong? Tatakbo nalang? Magpapangap na jowa ni kuya? Mag sisigaw? Uuwi ng bahay?
Teka! Parang maganda yung magpanggap na jowa.. Tama tama.. Sa ngayon lang.. Sasabihin ko kay kuya.. makisama nalang siya! Kundi ibibitin ko siya sa flag pole neto!
Agad naman akong lumapit sa kanya at kumapit sa mga braso niya. Nginitian ko nalang siya at
"Kuya makisabay ka nalang pleaaassee... maawa ka sakin!"
![](https://img.wattpad.com/cover/4660558-288-k362820.jpg)
BINABASA MO ANG
I Was Wrong (One Shot Story)
Teen FictionAfter all, in everything.. I was not the one they thought.....