Chapter 3:
I got 66 calls from Mom and Dad.
Hindi ako pumasok sa office dahil ayoko muna silang makita at makaharap. At isa pa sobrang sakit ng ulo ko para dagdagan pa ng isa pang sakit. Habang hawak ko ang pisngi ko naalala ko kung paano ako sinampal ni Dad ng dalawang beses. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto, nakita kong nakahandusay si Rizza sa sofa at nakanganga.
Alas dyis na din ng umaga at sobrang sakit ng ulo ko. Kumuha ako ng noodles para magluto at maibsan naman ang aming hangover. Habang naghihintay kumulo ang tubig, bigla namang may kumatok sa pintuan. Iniisip ko kung sino yun dahil wala naman nakakaalam ng condo na ito kung hindi ako at si Rizza.
Pagtingin ko sa hole ay nakita ko ang pagmumukha ni Bryle.
"Antonette, let me in!" sigaw ni Bryle.
Bilang nakakahiya sa mga kapitbahay ay pinagbuksan ko siya ng pintuan.
"Let's talk" seryoso niyang sabi.
"Then talk" sagot ko sa kanya.
"This is just an arrange marriage, give me three to four years then I'll come back to you" paliwanag niya sa akin habang paunti-unting ngumiti. Tumingin ako sa kumukulong tubig at pinuntahan ito para patayin ang kalan.
"No" sagot ko.
At nag-iba ang timpla ng mukha niya.
"Why? Hindi mo ba maintindihan na this is for your family?!" sigaw niya.
"See? It's for my family, Bryle! Not for me!" sigaw ko din.
Hinagis niya ang mga prutas na nasa center table.
"I don't have any choice, for the strong bond of the corporation" malungkot niyang paliwanag.
"We always have a choice, pero mas pinili mo lang talaga kung ano ang mas nararapat at hindi ako iyon" sagot ko sa kanya habang nagpupunas ng mga luha ko.
"Bata ka pa naman, makakapaghintay ka pa naman" patuloy niyang explanation.
"You really believe na I will just sit here waiting for you? No! Goodluck and have a great life, brother in law" tumingin siya sa aking mga mata at lumapit. Hinalikan niya ako ng madiin at alam mong matamis.
"You'll never be happy without me. And just to let you know Tita and Tito gave all the assets to Alliyah, so saan ka ngayon pupulutin?" at saka siya umalis.
Pinatay niya lang ako ulit, pinatay nila ako ng paulit-ulit.
"What a selfish bastard!" sigaw ni Rizza.
After namin ni Rizza humiga maghapon sa condo, inaya niya akong pumunta sa bar kung saan kakanta si Nina, our favorite singer. At di ako nag-atubiling hindi sumama. Gusto ko ng bagong environment at music for my soul.
HEART BAR RESTAURANT
Sakto naman ang pagdating namin dahil kakanta na nga si Nina.
At una pa pala niyang kakantahin ay ang I love you, goodbye.
At doon ko naramdaman kung gaano ako ka-broken.
Binigyan ako ni Rizza ng panyo dahil sa mga luhang paulit-ulit na bumabagsak sa mga mata ko.
"Cheers beshy!" nakangiting yaya sa akin ni Rizza.
"Cheers" mahina kong sagot.
Bigla namang nagpulasan ang mga tao ng matapos na si Nina na kumanta. Nagulat naman ako ng biglang may malalaking kalalakihan ang pumalibot sa amin ni Rizza. At I know the next thing I will see is my Mom.
"Antonette" tawag sa akin ng pamilyar na boses.
And it was my Mom.
Isinakay niya ako sa sasakyan at iniwan si Rizza sa bar.
Wala akong imik sa kanya and same with her she treated me na parang laruan lang.
"Don't get me wrong, utos ito ng Daddy mo. Bukas na ang kasal ng kapatid mo and you have to be there" walang expression ang mukha ni Mom.
Hindi ako sumagot kaya siya tumingin sa akin.
"I know sobrang sakit nito sayo, but believe me someone will be there to love you with all his heart and willing to fight for your rights. Bryle is not for you, baby" paliwanag nya habang hindi kumukurap.
"Yeah, I know. Nag decide lang naman kayo on your own without telling me what's happening. I feel betrayed by my own blood, or am I your blood mommy?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot and it makes me think twice kung anak ba talaga nila ako.
"What makes you think that way? Na hindi ka namin anak?" tanong niya.
"Giving all the assets to Alliyah? Am I part of this family?" nangingilid na ang mga luha ko.
"Don't question me, you don't have the rights" nakataas ang mga kilay niya.
"Anyway, if I find someday my future groom you and dad will never know" malamig kong sagot sa kanya.
"Trust me we don't care baby, pero if that man will be a big benefit to our company, why not?" nakangiting sabi niya sa akin habang kinakalikot ang cellphone niya.
Gusto kong sumigaw, gusto kong bumaba ngayon din pero tanging pag-iyak na lamang ang nagawa ko habang nasa biyahe. Pinikit ko ang aking mga mata at isinandal ang aking ulo. Kinalma ko ang aking sarili upang sa pagharap sa kanila mamaya ay maayos ako.
Pinilit akong pinababa ni Mom sa sasakyan, kung pwede lang hindi pumasok ng bahay ay gagawin ko pero maraming bodyguards at wala akong magawa. Pagpasok sa loob ay nakita ko agad si Bryle, wearing tuxedo and his beautiful smile. Beside him ay si Alliyah, wearing her beautiful gown and her beautiful smile. Everyone in the room are all smiling and chitchatting.
Pinagpalit agad ako ni Mom ng damit, there' a white beautiful gown sa bed. Sinuot ko yun at inayos ang aking sarili. Sabay kaming bumaba ni Mom and everyone looking at us.
"Please be good and always smile" seryosong sabi sa akin ni Mom.
"This is my younger daughter, Antonette" nakangiting pakilala sa akin ni Mom.
Ngumiti naman ako, pero ang hirap talagang magpanggap.
"And of course our beautiful daughter and our future CEO, Alliyah" Ouch.
At dinumog na nga ng mga bisita si Alliyah.
Umalis ako sa hall at naglakad-lakad na lang sa may terrace.
The moon is so beautiful.
Habang tinititigan ko iyon ay napasigaw ako ng malakas.
"P******** NINYO!" buong lakas ko 'yon isinigaw at natawa ako sa sarili ko dahil may mga bisita pala na nasa baba.
Tumawa ako ng malakas na para bang nababaliw ako.
"Nakatulong ba?" bungad ng isang may maamong boses.
At napatalon ako sa gulat.
BINABASA MO ANG
Love beyond boundaries
Roman d'amourSi Antonette ay isang office staff sa kumpanya ng kanilang mga magulang. She has the perfect and stable life with a happy relationship. But one day, nahanap na ng parents nila ang panganay na anak nila na matagal na nilang hinahanap. Sa pagdating ng...