Raileey's POV
Tiningnan ko ang oras sa wall clock namin at 9:00 na. Tapos na rin akong maglinis at maghugas kaya nagready na ko para pumasok...
-
Nasa corridor ako ngayon dito sa tapat ng room, nakatambay at naglalaro ng Bounce sa de-Keypad kong cellphone. Hinihintay ko kasi yung bestfriends ko na magpinsan since di pa dumadating yung prof namin at medyo boring din kasi sa loob.
"oh.. Hi Poor Rai." huh? Joanna? Napalingon naman ako sa kanan ko at si Joanna nga iyon kasama ang dalawa niyang alipores na tumatawa habang nagbubulungan.
"ah.. Cellphone pa ba yang hawak mo?" maarting tanong ng isang alirores nya sakin. Hindi ko na lang ito sinagot at tinuloy ko na lang ulit yung paglalaro ko ng Bounce.
"yuck? I can't take to have a phone like that. It's so oldy.. eww" parang nandidiring sbi ng isa. Tss, palibhasa kasi mga Rich kid, di ko na lang ulit sila pinansin. Baka mamaya niyan pag di ako nakapagpigil masuntok ko sila at pumutok lalo ang nagpuputukan nilang labi. Umakto nalang ako na walang naririnig.
"OMG! She's ignoring us. So pathetic."
Aba't?! Sumosobra na tong mga to ah! Pag ako talaga hndi makapagpigil..! "come on girls, let's go inside." narinig kong sabi ni Joanna.
Aba! Dapat lang.
"Oh? Rai? Easy lng baka maputol yang cellphone mo. Ilang years narin yan XD" biglang sulpot ni Hannah sa tabi ko
"h-huh?" wala sa isip kong sagot sa kanya.
"wala! Ba't ka ba nandito sa corridor?"
"inaantay ko kayo ni Hyuun.. Asan na nga pala sya?" hinanap-hanap ko sya sa paligid pero walang Hyuun akong nakita.
"hindi ko sya kasabay pumasok." tumayo sya at papasok na ng room pero tumigil sya sa pintuan at humarap sakin.
"ano pang inuupo mo diyan Rai? come on?" pagyayaya niya sakin pumasok ng room.
"ahm, ah-eh.. sige na nga." nagaalangan kong sbi sakanya at tumayo na rin para pumasok sa loob.
Pagkaupong pagkaupo namin ay tinanong ko na siya agad.
"Hannah.. Bakit hndi kayo sabay ni Hyuun pumasok?" di niya pinansin yung tanong ko, sa halip ay tinanong niya ako.
"nakauwi ka ba ng maayos kagabi?" say niya habang nilalabas yung libro niya sa bag niya.
Dahil sa tanong niyang yun naalala ko na naman yung Manyak na Humalik sakin. Badtrp, gwapo nga manyakis nman! Argh! Nakakapangigil talaga! Sarap itapon sa ilog pasig! Nako pag nakita ko talaga yung Kissing Maniac na yun ><
"oh? Kanina ka pa nangigigil dian ah? Una yung cellphone mo, ngayon naman yang ballpen mo. Anyare ba sayo Rai?" sabi ni Hannah sakin na nakapagbalik ng ulirat ko.
BINABASA MO ANG
That Maniac is a Secret Agent
RomanceA Story of a Girl whose very conservative to herself and a Man who maniac her. What do you think happen next? #ReadIfYouWANT:)