Pinapatuloy kong iwasan si Oliver. Pag nakita kong papalapit sya sakin ay aalis ako. Kapag nagchachat sya sakin di ko nirereplyan. Bahala sya! Don sya sa Catherine nya!
Nandito kami ngayon sa cr para mag bihis na dahil kakatapos lang ng p.e namin. Ako ay tahimik lang samantalang sila ay ang daming dada.
"Tara shot mamaya," Napalingon ako sa sinabi ni Gia. "Aayain ko rin iba nating blockmate tsaka iba kong friends sa ibang school."
Maraming friends si Gia sa ibang school, dami ding connection neto, e.
"G!" Pag payag naman ni Reina. Tumingin naman sila sakin kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Sige na, wag kang kj." Angal kaagad ni Reina sakin.
"Pwede naman kayong mag bar ng wala ako." sabi ko sa kanila. Pwede naman talaga, akala mo naman hindi makakagalaw ng wala ako.
"Sumama kana, weekend naman bukas, e." Pilit pa sakin ni Gia.
"Wala ba kayong paperworks or research? O kaya naman babasahin?" Nakataas na kilay na sabi ko sa kanila.
"Meron, matagal pa naman deadline non." Tangina, kaya laging inaabot ng deadline to, e.
"Ayan! Kaya kayong laging hassle dahil kung ano ano inuuna nyo." Sabi ko sa kanilang dalwa.
"Hindi kaya ako inaabot ng deadline." Depensa agad ni Gia. Tumingin kami kay Reina kaya napahawak sya sa dibdib nya, umaarte na parang naooffend sya.
"Grabe kayo sakin, ha! Tsaka ilang linggo pa naman bago ipasa yon, ang oa!" Depensa nya agad.
Pinilit ako nung dalwa kaya wala akong nagawa kundi pumayag. Di kaba naman tantanan ng dalwang bruhang yon, e. 6pm daw ang time. Pina reserve na daw nya buong club para kami kami lang nandon. Halatang planado na.
Umuwi kami na ako agad dahil wala na naman kaming klase. 3pm palang naman kaya di muna ako kumilos at umupo muna. Magpapalate nalang ako mamaya. Bahala sila kung magreklamo man sila.
Nagpapahinga ako nang biglang tumawag si Kuya Jasper, malamang kasama na naman yung sabog kong Kuya na si Kuya Jacob.
"Hi, kuya." Bungad ko. Tama naman ako, kasama nga nya si Kuya Jacob.
"Hello, Donna." Bati pabalik ni Kuya Jasper sakin.
"Kamusta naman kayo dyan?" Tanong ko sa kanilang dalwa.
"Buhay pa naman." Sabi ni Kuya Jacob. Tumawa naman ako sa kanya.
"Sabi ko naman sayo dapat di kana nag med school." Nang aasar na sabi ko sa kanya.
"Sige ganyanin moko. Pag ikaw nag med school tatawanan din kita." Pagbabanta pa nya sakin kaya lalo akong natawa.
"Baka naman kase hindi ka nag aadvance reading? Nambabae ka lang ata dyan, e." Sabi ko sa kanya.
"Aba! Excuse me hindi ako babaero, no!" Sabi pa naman nya sakin. Pikunin din takaga to.
"Tumigil na kayo." Saway samin ni Kuya Jasper.
"Anyways, mga Kuya pupunta ako sa bar ngayon inaya kase nila ako." Paalam ko sa kanilang dalwa. Sumeryoso naman ang mukha nilang dalwa. Bihira ko makitang mahing seryoso ang mukha ni Kuya Jacob kaya medyo di ako sanay.
"Sinong mga kasama mo?" Nakataas na kilay na sabi ni Kuya Jasper. Strikto din to eh. Bakit ba ako nagpaalam pa?
"Sila Gia at Reina lang naman tsaka mga blockmate namin." Kinakabahan kong sagot sa kanilang dalwa.
"No boys?" Seryosong tanong ni Kuya Jacob.
"Kuya syempre meron. bar yon, e," Parang batang sabi ko sa kanilang dalwa. "Wala naman ako gagawing masama tsaka di naman ako naglalasing masyado don."
YOU ARE READING
Matchmaker Diary
Teen FictionJasmine Geova is the famous medical student at Euphoria University. Beautiful, rich and happy, she has everything. Reasons why there are mens who like her, but neither one of them really likes her. After getting rejected, they'll just say that her...