CHAPTER 3

21 11 2
                                    

Hindi mawala sa utak ko yung nangyari kanina. Nakakahiya! bakit ba kase ako gumagamit ng cellphone habang naglalakad.

"Are you listening?" Napabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Reina.

"Kanina kapa tahimik share mo naman kung ano iniisip mo." Nang aasar niyang tanong pero inirapan ko nalang siya.

"Anong sinasabi mo kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, napaka bingi mo kasi." Inirapan niya ako kaya nagkibit balikat nalang ako.

Pagkadating namin sa mall, nagiikot ikot lang kami dahil wala naman kaming gustong bilhin dito.

"Tara street food nalang tayo sa labas" Sabi niya saakin. "Nakakapagod mag lakad, e"

"Let's go."

Nakalabas naman kami agad, pumunta kami sa mga nagtitinda ng street food. May nahanap naman kami agad, kaya kumain din naman kami pagkakita namin. Fishball kay Reina at Kikiam akin.

"Where's Gianna?"

"I don't know, lagi namang nawawala yon."

"Manong bakit hindi maasim yung suka nyo?" Takang tanong ni Reina, Mas gusto nya daw yung suka kesa sa sauce.

"What? Ang asim kaya sumawsaw ako kanina sa suka." Sagot ko naman na ikinakunot ng noo niya.

"Saan kaba sumasaw neng?" Tanong nung nagtitinda kay Reina, itinuro naman ni Reina yung sinasaw sawan niya kaya naman napatawa ako ng malakas at mapakamot naman sa ulo si Manong.

"Ano ba yan Reinalynn Elizabeth babaran yan ng sandok HAHAHAHAHAHAHAHA." Halos mabilaukan na ako kakatawa dahil don, si Reina naman ay agad na iniluwa yung kinakain niya.

"Kaya pala di maasim eh putek." Binigyan siya ng palamig nung nagtitinda.

"Ang tanga mo talaga kahit kelan." Tawang tawa parin ako kahit maraming tao dahil di ko talaga mapigilan.

"Tanginaka kapag ikaw kinarma dyan sa kakatawa mo tatawanan din kita." Masama ang tingin niya sakin pero di ko talaga mapigilan tumawa.

"HAHAHAHAHA memories yan." Buti nalang ay di ako nabibilaukan sa kakatawa dahil may hawak akong palamig sa kamay ko.

"Jasmine!" Singhal nya saakin pero natatawa talaga ako.

"Sige tumawa kapa." Masama ang tingin niya sakin kaya kumain nalang ako, inaya ko si Reina sa upuan sa tabi dahil ngalay na ako.

Pagkatapos ko kumain, sinulat ko yung nangyari kanina

"Ano? Sinusulat mo yung nangyari kanina?" Napaangat ako ng tingin at sumalubong sakin ang nakataas na kilay ni Reina.

"H-huh? Hindi ah"

"Siguraduhin mo lang." Pagbabanta pa nya saakin. Ngumiti nalang ako.

"Hindi nga bakit ba ang kulit mo?" I rolled my eyes.

"Naninigurado lang, pag sinulat mo talaga yan magkakamatayan tayo dito." Sabi niya, gusto kong tumawa pero di ko magawa dahil baka totohanin niya yon.

Chineck namin ang oras at nanlaki ang mata ko dahil 12:50 na malalate na ako kami jusko!

"Tara na! malalate na tayo tanga ka kasi nag aya kapa dito." Sisi ko kay Reina.

"Ako na naman nakita mo." Sagot niya sakin habang nagmamadali kaming bumalik sa mall para kunin ang kotse ko dahil yon ang dala namin.

Nagmamadali kaming sumakay sa kotse at binilisan ko naman ang pagmamaneho dahil baka mapagalitan kami ng proffesor namin sa subject na yon.

"Puta kala ko mabubugahan na ako ng apoy ng dragon." Hinihingal na sambit ni Reina. Nakaupo na kami ngayon sa upuan namin hinihingal.

Matchmaker DiaryWhere stories live. Discover now