Chapter 34: Listen before I go
~~~~~
TRIGGER WARNING: SELF-HARM AND ATTEMPT SUICIDE!!
ANDRIETTE
NAKATULALA lang ako sa labas ng bintana sa sinasakyan kong Bus pauwi. Hindi ko maintindihan kung bakit sakin nangyayari ang lahat ng ito, kunti na lang susuko na ako, sawang sawa na ako mabuhay na ganito. Puro na lang sakit, lungkot at pagod.
Hinawakan ko ang nanginginig kong kamay at itinungo ang ulo habang inaalala ang mga nalaman kong katotohanan nitong nagdaan na dalawang linggo.
Alam kong nagtataka sila sa inaasta ko nitong nag-daang dalawang linggo. Ayaw kong malaman nila ang nangyayari sa buhay ko, ayaw kong dumagdag sa problema nila.
Pumikit ako kasabay ng pagpatak ng isang butil na luha ang pag-flashback ng isang ala-ala naging dahilan kung bakit ako palaging hindi sumasama sa kanila.
NANG umalis si Raja ay hindi ako nagdalawang isip na sundan ito. Alam kong may dahilan kung bakit biglang hindi niya kami kinausap. Nang maabutan ko ito sa may gate ay agad kong hinila ang kamay niya.
"Andrie! Ano ba!" sigaw niya pero hindi ako nagpatinag at tiningnan lang siya sa mga mata.
Ilang saglit ay winaksi niya ang kamay ko at umiwas ng tingin sakin. Nakita ko yun, nasasaktan siya sa nakikita niya. Tumalikod ito sakin at pinunasan ang luha niya.
"Umalis kana. Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Walang emosyon na saad nito sakin pero hindi ko siya sinunod.
"Bakit?" panimula ko at mahigpit na kinuyom ang kamay. "B-bakit tayo humantong sa ganito?"
Nakita kong natigilan ito. Tumingala ako at napa-isip kung bakit niya kami biglang iniiwasan na parang hindi niya kami kilala. "May nagawa ba kaming masama? Mali? May masakit ba kaming nasabi? Kung meron man, sorry."
"Wala kayong kasalanan. Wala, ginusto ko 'to." saad niya na pilit pinipigilan ang paghikbi.
"Bakit? Anong dahilan? Alam kong may dahilan ka, naniniwala akong meron." Lakas loob kong saad.
Tumaas baba ang balikat nito hudyat na umiiyak siya. Lumingon ito sakin habang patuloy ang pag-agos ng luha nito sa pisngi. "Andrie, ayaw kong gawin ito. P-pero kailangan... ayaw kong makita niyo akong mahina at unti unting binabawian ng buhay."
Para akong nabingi sa narinig ko. Paulit ulit itong nag replay sa utak ko. Tila may bumara sa lalamunan ko, bakit...
"A-anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong nang sa wakas nakapag-salita na ako.
"Andrie, b-bilang na lang ang araw ko." pahina ng pahina ang boses nito.
Natulala ako dahil sa narinig. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at marahan siyang niyakap. Nang yumakap siya pabalik doon tuluyang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
BINABASA MO ANG
Where are you?
Teen FictionSinn and Sage Angeles, the cousins who transferred to Persley High University to continue their studies. They unexpectedly met the popular Jayda Rishanelle, and Sinn fell at first sight for her. Sinn believed that he liked Jayda, but he felt confuse...