CHAPTER 7

3 1 0
                                    

"Shyne"

Bumungad ang maamong mukha ni shyne sa akin habang nakatitig sa akin.

"Akala ko wala kana" naiiyak kong tanong.

Pero nakatitig parin siya sa akin, lumingon ako ng bahagyan at nakita ko si gabrielle na nakahandusay sa sahig at wala nang buhay.

"Mag ingat ka ivy buhay pa si nico, papatayin ka niya"

Napatingin ako kay shyne ng bumulong ito sakin.

"Pero patay na si nico"

"hindi pa siya patay ivy, uubusin niya tayo"

"Bakit?"

"Naghihiganti siya satin"

"A-ano?"

Bago pa ako naghintay ng sagot ni shyne nang bigla nalang itong nawala.

"Shyne saan ka?"

Habang humahagulgol ako sa pagsigaw ng mapagtantong nag iisa nalang ako may palapit na mga yapak ang papuntasa gawi ko,kahit kinakabahan itinuon ko ang sarili sa nakatayong lalaki habang papalapit ito sakin.

"Nico bakit mo ito ginagawa samin? Diba kaibigan mo kami?"

Bigla nalang itong ngumisi ng nakakatakot at parang sinapian na ng demonyo ang katawan nito.

"Really? Kaibigan."

"Nico ano bang nangyayari sayo, ano bang kasalanan namin bakit mo pa kailangang gawin ito."

"Well kung kasalanan marami o baka nakalimutan nyo lang"

"Teka Nico wala akong maalala"

Lumapit ito ng bahagya sa kinauupuan ko at hinawan ang mukha ko, mula sa likod kinuha niya ang isang kutsilyo at itinutok yun sa leeg ko habang nagsasalita.

"I was fourth year highschool that time ako lang ang iisang anak at tanging si lola nalang ang kasama ko dahil maagang nawala ang mga magulang ko, tahimik ang aming buhay tanging si lola nalang ang kumakayod sa aming dalawa nagtitinda siya ng mga kakanin sa daan at minsan tumutulong ako kapag walang pasok at tuwing weekends. "

Patuloy lang ako sa pakikinig habang nakatutok parin ang kutsilyo sa leeg ko.

Nang mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sakin na siyang nagpasigaw sa akin.

" Nico nasasaktan ako"

Pero parang balewala lang sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Pero isang araw naabutan ko si lola sa daan na nagkandarapa sa daan habang pulot pulot ang kanyang mga paninda na natapon, nakita ko ang limang estudyante na patuloy sa pangungutya sa kanya"

"At kayo yun ivy"

Mas diniinan nya pa ang pagkakahawak sa baba ko.

"Wala kayong mga puso"

"Patawad Nico hindi naman namin yun sinasadya at matagal narin yun"

Hindi ko akalain na ang lalaking iyon ay si Nico.

"Hindi sinasadya?"

"Agad kong nilapitan ang gawi ni lola habang naririnig ang mga sinasabi nila," ayan kase hindi tumitingin sa dinadaanan" aniya ng isang babae at si trix yun "mabuti lang yan sa kanya" sambit ng lalaki at si Jasper yun.

"Pero don't worry pinatay ko na sila pero i kukuwento ko parin"

Napakasama mo Nico kailangan mo talagang gawin ito sa amin?

UNEXPECTEDLY  KILLERWhere stories live. Discover now