EPILOGUE

3 1 0
                                    


"Greetings to all my readers and supporters this is the last part of" Unexpectedly Killer. Thank you so much for voting and reading my stories even though hindi kagandahan but, i really appreciate this ❤️.

____

" Minsan hindi talaga natin nakikilala ang buong pagkatao ng isang tao, minsan akala natin na mabuti sila at mapagkakatiwalaan at nagkakamali ako dahil kabaliktaran pala ang mga yun, inaakala natin na ang mga kaibigan natin ay kakampi pero may kasamaan pala itong tinatago na siyang magtutulak sayo sa kapahamakan. "

Naging memorable sa akin ang lahat ng pangyayari at sinapit ng aking buhay at mga kaibigan ko, tatlong buwan na ang lumipas ng nalagay ang buhay namin sa kapahamakan na hindi namin inaasahan at nanatiling sariwa pa ito sa aking isipan.

TAHIMIK ang buong paligid kasabay ng pag ihip ng preskong hangin, maulap ang buong kalangitan na para bang wala nang sisira sa kapayapaan na dulot nito. Isa isa kong nilagyan ng mga bulaklak at sinindihan ng mga kandila ang libingan ng aking mga kaibigan.

Mga kaibigan na palaging nagpapaligaya sakin at tumutulong sa ano mang problema ko. Masakit mang isipin na wala na sila at tanging ako nalang mag isa ang naiwan na walang pagsasabihan ng problema, walang kaharutan, at walang kasama sa kahit anong lakad ko, pero nangyari na ang lahat at di na pwedeng maibalik pa ang nawala na.

Eto nanaman ang makulit kong luha na patuloy sa pagtulo.

"Ivy don't make me sad tahan na sa pag iyak nandito lng kami nila shyne, trix, at jas magbabantay sayo ililigtas ka namin sa kapahamakan, gagabayan ka namin ng mga kaibigan mo we love you ivy"

"G-gab-riel?"

Nagpatuloy na naman ako sa paghikbi ng nawala ang pamilyar na boses sa tenga ko, niyakap ko na lamang ng mahigpit ang sarili upang gumaan ang pakiramdam.

"Mahal ko din kayo, you guys promise to stay lang kayo sa tabi ko."

Tumayo na ako at inayos ang suot na bestida at lumakad na papalayo.

DUMAAN  muna ako sa mall upang mag groceries. Pagkauwi sa bahay sinalubong ako ng yakap ni mama at papa at kinuha sakin ang mga plastic na dala ko.

Nagpaalam na ako kina mama at papa na magpapahinga muna sa kwarto at pagod na ang katawan ko.

Agad akong nahiga sa malambot na foam at binuksan ang laptop. Tinignan ko lahat ng photos naming magkakaibigan na masayang masaya na nagtatawanan at nahagip ng mata ko ang isang video at plinay ito. This video is so memorable si shyne na tumatakbo habang hinahabol ni trix at pinipilit pa nila akong isali kahit ayaw ko para silang mga bata habang sila gabrielle, jasper, at nico ay nagsasapakan na prang mga baliw in the last shoot of video yung mukha ni nico na nag poker face. Napakasaya namin dito pero wala kaming kaalam alam na ang isa pala dito ay mamamatay tao at sa sarili pa niyang mga kaibigan.

Tok, tok, tok

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto.

"Ma?"

"Pa?"

Pero kahit bulong nalang walang nagsalita. Nagsimula na akong pagpawisan kahit na naka aircon naman dito.

Sino yan?

Natigilan ako ng nagsalita ito.

"Ivy"

Para akong estatwa na d makagalaw mula sa kinauupuan ko ng marinig ang pamilyar na boses ni Nico. Teka baka guni guni ko lng yun, agad kong ginusot ang mata ko kaso totoo. Totoo ang narinig ko.

"Hindi pwedeng maiwan ka hindi ba ang magkakaibigan hanggang sa huli nagsasama? Kaya susunduin na kita. We will miss you so much."

__

reD_fearness

                      > THE END <

UNEXPECTEDLY  KILLERWhere stories live. Discover now