Kean
Hay!! First day of school ngayong third year ako. Kinakabahan ako na naeexcite kase bago lahat. Bago mga classmates at pati school bago din. 'Bakit pa kase kailangang lumipat eh??.', tanong ko sa sarili ko habang naglalakad.
Sa wakas nandito nako, Ngayon kailangan ko namang malaman yung section ko at kung saan ang room ko, kase bakit ba oras lang ang sinabi sakin ng mga barkada ko, tinignan na din naman nila hindi pa nilahat. Kaasar!, 'Sir?? Saan po ba dito pwedeng tignan yung mga sections?', tanong ko sa guard. 'Ah, pumunta ka sa Main building tapos makikita mo doon may Bulletin board, doon nakasulat yung mga section ng bawat year.', sagot niya.'Ah, sige po thank you', mabilis na sagot ko sabay lakad papuntang main building. 'Teka nga muna, saan ba dito yung main building???', tanong ko sa sarili ko. Nako! Di bale na nga basta lilibutin ko na lang din tong campus tutal maaga pa naman eh. Habang nililibot ko yung campus may nakita akong nakaka akit, yung tipong mapapahinto ka at tititigan mo lang siya. Grabe ang ganda ng ngiti nia, ang cute ng dimple, samahan mo pa ng matangos na ilong ,pati mata ang ganda pa. Ayan kumakaway siya sakin, hahaha! Ako naman kumaway din, yun pala Hindi ako hung kinakawayan, may kaibigan pala siya na nasa likod ko, nakakahiya, ang pilingero ko kase.. 'Sino kaya yung babae na yun??', tanong ko sa sarili ko, 'third year din na siya katulad ko? Sana makita ko ulit yun'..
At sa wakas! Nahanap ko na hung main building ng campus, Hahaha eto lang palang nasa gitna kung saan saan pako pumunta. 'Ok andito yung section at room ng third year, ,nasaan ako dito?', 'Building B 2nd floor room no. 14, 3rd year section 5, San Andres Kean L. .' Ayun nakita ko na din salamat naman hahaha! 'Sana naman maaayos mga kaklase ko at sana makakilala din ako dito ng mga bagong kaibigan'. Eto na yung room ko, 'just be yourself Kean', sabi ko sa sarili ko habang binubuksan yung pinto. At ayun pagkapasok ko may teacher na sila. Hahaha saklap, First day of school? Late ako. Napasarap ata yung paglilibot ko kanina, Hindi ko napansin yung oras. 'Good afternoon ma'am' , bungad ko sa teacher. 'Ok please have a seat' , sagot niya. Edi ako naghanap ng mauupuan habang pinagmamasdan isa isa yung mga kaklase ko nang biglang nakita ko nanaman yung babaeng nakita ko kanina sa labas. Akalain mo magkaklase kami, hahaha!. Napangiti na lang ako at sabay sabi sa sarili ko ng 'bute na lang nagtransfer ka, kase kung hinde?? Hindi mo Sana makikita at makikilala itong napaka gandang babaeng ito'.

BINABASA MO ANG
FRIENDZONE
Historia CortaNaranasan mo na bang mainlove?? eh ang ma'FRIENDZONE' naranasan mo na din ba?? yung tipong taga comfort ka lang niya, taga advice, Nagpaparamdam lang, BESTFRIEND, at higit sa lahat umaasa ka lang sa wala This story is all about Kean San Andres who r...