Kean
'Nalate ako sa first subject, Ok lang atlis nakita ko uli siya hahaha!', sabi ko sa sarili ko habang nakaupo malapit sa kanya. 'Ok class since this is our first day we met, I want all of you to present yourself nicely', sabi ng teacher. 'By the way class my name is Ms. Melanie Mercado or you can call me ma'am Lanie for short', pahabol niya. 'Ok, magpapakilala na lahat kaya malalaman ko na din yung pangalan nito', sabi ko sa sarili ko habang inaantay yung turn niya.
Sa wakas siya na magsasalita kaya kailangang makinig ng mabuti para malaman lahat. 'Hi my name is Camille Anne Jimenez, 17 years old nice to meet you all classmates!' ,Malinaw na pagkakasabe niya. 'Aw! Ang cute ng boses niya, sayang ang ikli lang ng sinabe niya', sabe ko sa sarili ko habang nakatitig sa kanya nang biglang 'Ok you at the back present yourself!', sabe ni ma'am Lanie habang nakaturo sakin. 'Ah... Ma.... My name is.. K... K.. Kean s... Sa... San Andres.. I'm 17 years old, transfer lang po ako dito.. Kaya I hope to meet you friends' , pautal utal na pagkakasabe ko. Kase naman ninanamnam ko pa yung Malambing niyang boses tapos ako agad tinawag?, nasaan ang hustisya?. Pagkaupong pagkaupo ko kinalabit agad ako ng katabi ko Sabay sabing 'par? Mautal utal tayo ah? Hahahah. Nga pala Jerome, ikaw si Kean diba?? Tama ba pagkadinig ko?'. 'Ah oo tama', sagot ko sa kanya sabay ngite.
Ayan recess na, kamusta naman ako? Eto walang kasabay hahaha kase yung kauna unahang nakilala ko dito may barkada sa ibang section kaya ayun sila ang kasama imbis na ako. Eto nanaman tayo nakita ko nanaman siya dito sa cafeteria kasama niya barkada niya, nakakahiya naman sumabay sa kanya kase baka kung ano isipin ng iba, hahaha di bale na nga makakagawa din ako ng paraan para makausap ko siya. 'Pero teka nga?!', sabi ko sa sarili ko. 'Sino kaya mas matangkad samin?? Alam ko na uunahan ko na lang siya bumalik sa room tapos kapag papasok na siya lalabas naman ako para malaman ko kung mas matangkad ako'. Kaya eto ako Dali daling bumalik ng room at maya maya lang andiyan na siya kaya sinimulan ko na agad yung plano. At nung pagkasalubong ko sa kanya humangin malapit sa mukha ko yung buhok niya, ambango parang binabad sa shampoo hahaha. Pero syempre hindi ko makakalimutan yung totoong plano at mas matangkad naman ako, kahit papano.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng room nakita ko si Jerome, tinawag niya ko agad sabay tanong ng 'sinong nagustuhan mo sa mga kaklase natin? Imposibleng wala!', pabirong sabe niya. 'Hahahaha. Baket?? Ikaw ba?' Pabiro ding sagot ko sa kanya. 'Madame eh pero ang date ko pang gusto ayun si jhen', sabe nia sabay turo dun sa babae sa unahan. Napangiti ako sabay sabe sa sarili ko ng 'ayos mahilig pala sa chubby toh, kaya hindi niya magugustuhan si Camille hahahah'.
'Ako??? Unang kita ko palang sa kanya napanganga nako', pabirong sabe ko sabay tingin kay Camille.

BINABASA MO ANG
FRIENDZONE
Historia CortaNaranasan mo na bang mainlove?? eh ang ma'FRIENDZONE' naranasan mo na din ba?? yung tipong taga comfort ka lang niya, taga advice, Nagpaparamdam lang, BESTFRIEND, at higit sa lahat umaasa ka lang sa wala This story is all about Kean San Andres who r...