Prologue

7 0 0
                                    

I was in the school garden taking a nap when i heard a foot steps coming towards me. When i opened my eyes i saw a cat looking at me. A very handsome cat.

"What are you doing here during class hours, Ms. Vercile?" It was Arzhel, our class president.

Bumangon ako at pinagpag ang likuran ko. "It's free time, Pres. Nagpapahinga lang ako dito."

Niyakap ko ang tuhod ko habang dinadama ang hangin. Umupo sa tabi ko si Pres. Tuwid ang kanang binti nito nakataas naman ang kaliwang tuhod niya at ipinatong dito ang kaliwang braso habang ang kanang kamay ay nakatukod sa damuhan na nagsisilbing suporta.

On my peripheral view i saw him stared at me. Bumaling ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay

"Bakit?" I asked.

He's chinky eyes just looking at me intently. Like he was piercingly looking through my soul.

"You haven't slept did you? You have dark circle under your eyes." Napaigtad ako nang hinaplos niya ang ilalim ng mata ko.

"Kailangan pa palang matulog? Tsaka huwag ka ngang basta-bastang humahawak ng walang pahintulot." I slap his hands and he chuckled.

Ang cute niya pagmasdan. Paano ba naman kasi kapag ngumingiti siya nawawala 'yung mata niya.

His cute eyes will be the death of me.

"You should sleep, Ivelle. It's not good for your health."
Napairap nalang ako sa sinabi niya.

Para naman itong papa kong nanenermon.

We stayed there for a couple minutes until we decided to go back to our classroom. Habang naglalakad kami sa hallway ay bigla nalang akong nabunggo sa studyante nagtatakbuhan.

Nawalan ako ng balanse buti nalang nasalo ako ni Arzhel kung hindi nakakita na talaga ako ng liwanag ngayon.

"Pwede bang magdahan-dahan kayo?And please no running in the hallway!" Nag-sorry naman 'yung dalawang lalaking nakabunggo sa'kin.

Umayos ako ng tayo at hinimas himas 'yung braso kung saan ako natamaan. Makita ko lang ulit 'yung dalawang 'yon sa classroom mamaya pag-uumpugin ko talaga 'yon.

"Okay ka lang? Natamaan ka ba? Should i take you to the clinic?" Isa pa 'to, kala mo naman na-untog 'yung ulo ko.

"Pres, sa braso lang ako natamaan, malayo sa bituka. Huwag kang mag-panic."

Nauna na akong maglakad sa kaniya at sumunod naman siya.

"Let's switch place. Dito ka para hindi ka na mabunggo ng ibang studyante." Hinawakan niya ang beywang ko at inilipat ako sa kabila.

Bwisit ka Pres! Marupok ako sa waist grab! Kaya ayaw kong mapalapit dito eh, ang harot rin ng isang 'to. Mukha lang 'yang good boy tignan pero may tinatagong harot pala.

Hindi niya na tinanggal ang kamay niya sa beywang ko kaya naman habang naglalakad ay nakapirmi lang ang kamay niya sa beywang ko saka niya lang ako binitawan nang nakarating na kami sa classroom.

Pagkapasok namin ay agad pinuntahan ni Arzhel ang dalawang mokong, may sinabi ito sa kanila at kitang kita ko ang pangamba sa kanilang mga mukha saka ito dali-daling pumunta sa harapan ko at lumuhod na parang nagmamakaawa.

"Vice Pres! pasensiya hindi namin sinasadya! Sana'y mapatawad mo pa kami!" Sabay nilang sabi.

Pinagkrus ko ang aking braso at tinignan sila ng walang emosyon. "Ulitin niyo pa, gagawin ko talagang lato-lato 'yang mga ulo niyo. Sige na bumalik na kayo sa upuan niyo."

"Sorry po talaga..." mahina nilang sabi habang nakayuko.

Napabuntong hininga nalang ako. "Forgiven, but please don't do that again. Maka-aksidente pa kayo ng tao, sige na bumalik na kayo sa upuan niyo."

Nagpasalamat pa sila bago nagsibalikan sa kanilang upuan.

I'm a type of person na madaling magpatawad. Though it depends if that person deserve my forgiveness, but one thing for sure, i don't do revenge.

Pumunta na rin ako sa upuan ko katabi ni Arzhel at sakto naman dumating ang teacher namin nagsi-ayos na kaming lahat. Nang matapos ang klase ay lunch break na namin.

Kinuha ko ang wallet ko at lalabas na sana ng may humawak sa palapulsohan ko. Nilingon ko kung sino 'yon at nakita ko si Arzhel pala. Nakatingin ito sakin ng diretso at seryoso ang mga mata.

Anong kailangan nito?

"Have lunch with me." He said seriously na nakapamulsa pa. Napakurap ako ng mata at hindi agad nakasagot sa sinabi niya.

Ano raw? Tama ba 'yung narinig ko? Si Mr. President inaya akong mag-lunch?

Seryoso pa siya habang sinasabi niya 'yon na para bang wala kang choice na humindi.

"Why me?"

I mean marami namang siyang pwedeng ayain makipag-unch d'yan bakit ako pinili niya?

"Bakit naman hindi ikaw? We're close so why not?"

Sa pagkaka-alala ko hindi kami close. Nag-babardagulan lang kami pero hindi kami close.

"At tsaka ikaw ang gusto kong kasabay mag-lunch..." pabulong niya sabi at napayuko. Nakita kong namumula rin ang kaniyang tenga.

Cutie mo naman Pres.

I was gonna say yes when i decided to prank him a little.

"Kasabay ko kasing mag-lunch ang mga kaibigan ko ngayon, Pres, sorry. Sa susunod nalang," doon niya na ako tinignan at nakita ko sa mga mata niya ang lungkot.

He let go of my wrist and fix his specs. Ngumiti ito sa'kin pero ang ngiti na 'yun ay hindi umabot sa mga mata niya.

"Oh, okay... sa susunod na lang. Sige, enjoy your lunch."

Nagpipigil ako ng ngiti at tatalikod na sana siya para umalis pinigilan ko siya at hinawakan ang braso niya.

"Joke lang, Pres! Tara na nagugutom na ako," hinawakan ko ang kamay niya at hinatak siya palabas.

Mabagal itong napasunod sakin tila ba parang prinoproseso pa ang mga pangyayari. Tinignan pa nito ang kamay namin na hawak ko.

"Pres, bilisan mo baka wala na tayong maupuan dun!"

Saka lamang siya natauhan at nagulat ako ng pinagsiklop niya ang mga kamay namin.

"Let's go," ngumiti siya at sabay kaming tumakbo habang magkahawak ang mga kamay.

Yup, this cute Class Pressident will be the death of me.

To Be Free Again ( To Be Again Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon