CHAPTER 01: PAGLALAKBAYMizelicia Neva
"Hulihin siya, huwag niyong hayaang makalabas ng bayan!" sigaw ng nangungunang lalaki sa paghuli sa 'kin. Inutusan sila ng mga magulang ko na dakpin ako nang malaman nitong tumakas ako sa palasyo pero dahil makulit ako ay hindi ako magpapahuli sa kanila ng buhay.
Dumaan ako sa batuhan. Nakapaa lang ako pero keri ko naman. Bitbit ko ang mahabang asul kong damit upang maiwasang hindi ko maapakan habang tumatakbo.
"Mahal na prinsesa, sandali!" wika ng isa pang lalaking may hawak na sibat.
"Kung gusto niyo akong mahuli, hulihin niyo ako hangga't magsawa kayo!" sigaw ko at sumiksik sa ilalim ng tumbang puno kung saan may butas papunta sa kabila.
Nang makalusot ako, muli akong nagpatuloy sa pagtakbo. Medyo malayo pa bago ako makalabas ng bayan. Masyadong malawak ang gubat na ito. Ang kakapal at matalahib pa ang mga damo. Matataas ang mga puno at madilim ng kaonti ang paligid.
"Mahal na prinsesa!" Nag echo sa tainga ko ang tinig ng mga kawal na patuloy sa pagsunod. Bahala sila, hindi ako titigil sa pagtakbo.
Marahil marami ang nagtataka kung bakit ginagawa ko ito, siyempre gusto kong tumakas sa kapahamakan ko. Narinig ko kasi kagabi sina ama't ina na ipapadala nila ako sa Xanthria para ipasok sa Magicial Academy. Kilala ang paaralan iyon sa mga bullies kaya hindi ako pupunta. Hindi naman sila madadaan sa pakiusap o kahit lumuha pa ako ng dugo, tiyak itutuloy pa rin nila ako roon kaya naisip kong tumakas. Hindi ako babalik sa lugar na ito hangga't hindi nagbabago ang isip nila.
"Mahal na prinsesa! Nasaan ka?" Napahinto ako sa pagtakbo nang mapansing napakalayo ko na pala sa mga kawal na sumusunod sa 'kin.
Nagawa ko ba silang maiwala?
Luminga-linga ako sa paligid at napansin kong wala na talaga sila. Nakahinga ako ng maluwag.
Pansamantala akong umupo sa tumbang kahoy at nagpahinga. Tiningnan ko ang mga kamay ko.
I always wear gloves, yet these are not ordinary gloves. It was special because it was just made for me to prevent my power from spreading. Since birth, I have had this ability, and not only me but both of my parents. It's our race to use ice. Everywhere I touch, things automatically turn to ice, so I'm really forbid to touch anyone. To control my power, my parents pursued me to attend the Magicial Academy of Xanthria. However, I rejected it since I had strong feelings that I did not fit into that school. I have a lot of enemies, especially Lhumi, who was also in there.
As evidence of my harmful ability, I tried to take off my gloves and touched some wood around. Meanwhile, it gets easily covered with pure ice. I felt scared, so I quickly put on my gloves before I stood.
Gusto kong maglakbay hanggang sa makahanap ako ng lugar kung saan ko magagawang kontrolin ang kapangyarihan na ito. 'Yong lugar na makakapagsanay ako without any distraction.
Inayos ko ang damit ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ako huminto o nagpahinga at dahil doon, mabilis akong nakalabas ng lugar.
Tumama sa mukha ko ang sinag ng araw at ang mga makukulay na bahay. Ito ang katabing bayan namin at ngayon lang ako nakarating dito dahil hindi ako pinapayagang gumala.
Napatingin ako sa lupang tinatapakan ko, ang lambot at ang ganda ng lupa nila rito.
Gumuhit sa mga labi ko ang matamis na ngiti. Ito na yata ang pinaka the best na nangyari sa 'kin. Kung hindi ako tumakas, hindi ako makakarating dito.
YOU ARE READING
MARVEIRFILLA ACADEMY: School of War
FantasySi Mizelicia Neva ay isang prinsesa ng Kaharian ng Sage Frost na may kakayahang gumamit ng mahika ng yelo. Ngunit kalahati lamang ng kanyang kapangyarihan ang kanya niyang gamitin kung kaya't nais ng kanyang mga magulang na mag-aral siya sa Magicial...