CHAPTER 02

148 53 6
                                    

CHAPTER 02: THE CELESTIAL FOX

Umuwing luhaan ang mga inutusan ng mga magulang ni Princess Neva sapagkat hindi nila ito natagpuan hanggang sa sumapit ang gabi. Nagalit ng gusto ang ina ng dalaga at pinagtatapon ang kanyang mga kagamitan sa loob ng silid habang ang asawa nama’y sapu-sapo lamang ang noo at iniisip kung saan na napunta ang anak nito.

“Kahit kailan talaga, napakapasaway niya, kung bakit ba naman kasi kailangan niyang tumakas? Paano kung may mangyari hindi maganda sa kanya sa daan? Anong gagawin natin? Hindi siya kilala ng mga tao sa labas,” balisang sabi ng ina ni Princess Neva.

“Kumalma ka lang, Chizela may kapangyarihan si Neva kaya natitiyak kong kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya,” kampanteng sabi ng asawa.

“Pero alam mo naman siguro kung bakit siya tumakas, ’di ba? Nalaman niyang ipapadala natin siya sa Xanthria kaya tumakas siya. Hindi pa niya kontrol ang kapangyarihan niya at iyon ang dahilan kung bakit tayo nagpasya na papag aralin siya sa Xanthria. Saang lupalop naman natin ang hahanapin ang batang iyon? Nag aalala ako!” sabi ni Chizela sabay himas sa noo dahil sa pagkadismaya.

“Hayaan mo, ipapahanap nalang natin siya sa mga tauhan natin. Hindi sila titigil hangga’t hindi nakikita si Neva,” saad ng asawa at lumapit kay Chizela upang yakapin ito.

Ngumuso nalang siya at isinubsob ang mukha sa dibdib ng asawa. Pilit niyang ikinakalma ang sarili hanggang tuluyan siyang nagtiwala sa plano nito.

“Halika na sa dining room at tayo’y kakain ng hapunan. Huwag ka nang masyadong mag alala, nasa maayos lang ang batang iyon. Trust me!” Alam ng ama ni Neva ang kakayahan niya kung kaya’t hindi ito nag aalala sa lagay ng anak sapagkat silang dalawa ang palaging magkasparing tuwing may bakanteng oras ito. Sa isip niya’y mabilis matuto ang anak kapag ito ay haharap sa matinding pagsasanay.

Pinaghanda sila ng mga maid para sa pagkain at sila’y magkasabay na sumalo sa hapag kainan. “Tris, nagpadala nga pala si mama ng sulat at sinabi niyang pupunta siya rito upang bumisita. Kinakabahan ako, baka makita niyang wala si Neva, anong sasabihin natin sa kanya?” tanong ni Chizela, kita pa rin sa mukha niya ang pag aalangan.

“Bakit hindi natin sabihing nasa bahay ng kaibigan?”

“Hindi iyan maniniwala si mama, baka tanungin pa niya kung saang kaibigan. ’Wag mong kakalimutang walang kaibigan si Neva dahil sa artehan ng batang iyon!” sabi ni Chizela sabay subo ng pagkain.

“Alam ko naman iyon, pero ano bang magagawa natin kung wala siya rito kapag maabutan ni Gng. Arizera? Gumawa nalang muna tayo ng paraan para pagtakpan si Neva,” suhestiyon ni Tris.

“Ewan ko, hindi talaga ako mapalagay.”

“Gng, pasensiya na po sa abala ngunit hindi niyo kailangang mag alala kay binibining Neva, anak niyo siya ’di ba? Kaya natitiyak kong babalik iyon kapag magsawa na siya sa labas,” singit ng maid nila na nagngangalang Uio. Nakatayo ito sa gilid habang hinihintay silang matapos sa pagkain dahil siya ang naatasang maglilinis at maghuhusay ng mga pinagkainan nito.

“Sana nga binibini. Lagot talaga sa ’kin ang batang iyon kapag umuwi siya rito, kukurutin ko ang magkabilang singit niya hanggang sa lumuhod siya at magsorry!” matigas na wika ni Chizela at madiing tinusok ng tinidor sa pritong manok. Tumalbog naman ang iba pang mga pagkain nakahain sa mesa dahil sa lakas ng impact nito.

“Kumalma ka nga riyan, hindi mo kailangang mag overreact. Tumataas lalo niyan ang blood pressure mo,” sabi ng asawa.

“Kumakalma naman ako eh!” wika ni Chizela sabay at pilit ngiting tumingin sa asawa.

“Okay, napipilitan ka.”

Bumuntong hininga nalang ito at kumain. Pagkatapos nilang kumain, pinatawag ni Tris ang mga kawal upang muling tugunin ang mga ito tungkol sa paghahanap sa anak.

MARVEIRFILLA ACADEMY: School of WarWhere stories live. Discover now