Building 4 room 203.That's my new classroom. Maraming estudyante na naghahanap din gaya ko so I didn't bother myself to ask for directions. Kahit papaano ay kabisado ko naman kung nasaan ang building 4. Hindi ko lang alam kung nasaan ang classroom ko mismo.
"Excuse me?" someone blocked my path.
She doesn't look familiar to me. Probably a transferee. I'm not good with names but I'm good with remembering faces.
I looked at the girl in front of me. She's wearing a very thick glasses. Nakatirintas din ang buhok at mukhang kabado at nahihiya. Plus her uniform that doesn't fit her body correctly, medyo malaki ito para sa kaniya.
"S-Saan po ang building 1?" she asked, not even looking at me.
"Iyong building na kulay grey."
"S-Salamat.." maglalakad na sana ako nang bigla niyang pigilan ang kamay ko. "Anong pangalan mo? Ako pala si Marielle."
I feel the sudden earge to leave but I don't wanna be rude to her. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kaniya. My gut is telling me to avoid her, that she will bring no good to me. It was my first time feeling it. Oo tamang hinala ako, pero madalas ng hinala ko ay tama. Magaling akong kumilatis ng tao.
"Cherish." iyon lang ang sinabi ko bago tuluyang umalis.
I walked past her dahil biglang tumunog ang bell. Buti at nakita ko kaagad ang classroom ko. I saw some familiar faces too. Pero ang tanging kilala ko lang na nandoon ay si Jeffrey, Audi, Stan. Magkakatabi na silang nakaupo.
"Cherish! Our savior!" sigaw ni Audi nang makita ako. "Halika dito ka samin. Hawaan mo kami ng talino mo."
Naupo ako sa tabi ni Jeffrey, 'yon nalang kasi ang bakanteng upuan na nandoon. Today is our first day as grade 12 students. Medyo naninibago ako dahil bago nanaman ang classroom at classmates but I know I'll get used to it soon enough. Lalo pa at may mga kakilala naman ako.
"Diko manlang ramdam 'yung bakasyon." sabi ni Audi.
"Ako rin. Puro training sa basketball ginawa namin. Umay sa coach!" reklamo naman ni Jeffrey.
"Hindi ba't Daddy mo ang coach?" medyo naguguluhan ako.
"Oo, kaya nga umay. Sawang sawa na ako sa mukha ni Daddy. Sa bahay nakikita ko, pati ba naman sa training. Hangga't pagtulog ata nakikita ko na siya." nangingilabot niyang akap sa sarili.
"Daddy ko rin eh nakikita ko sa pagtulog." sabat ni Audi. "Patay na kasi. Minumulto ako."
"Dark talaga ng humor mo." tulak ni Stan sakanya. Magkatabi kasi silang dalawa at napapagitnaan nila ni Jeffrey si Audi.
"Baka susunduin ka na kaya ganoon." hirit ni Jeffrey. Agad siyang umilag nang akmang hampasin siya ni Audi.
"Gago pailalim ang punta ni Audi, hindi pataas sa liwanag."
"Mga bwiset!" pikon na sigaw ni Audi.
Hinayaan ko lang sila at tahimik na pinapanood. Kahit naman gaano sila kagulo at nakakatuwa pa rin silang kasama. Kahit pa masasakit sa tenga ang pag-aawayan nila ay mas gusto ko iyong mapakinggan kaysa sa nakakabinging katahimikan kung sakaling wala akong kakilala sa bago kong section.
"Tapos alam mo ba, kinilig siya!" kuwento ni Audi saakin. Kung paano daw siya umamin ulit kay Stan. "Nanginig ang loko. Pumalakpak ata ang itlog niya sa sobrang kilig."
"Tanga hindi ako kinilig! Nanginig ako kasi kinilabutan ako." I can see how Stan's ears turn red. "Bakit naman ako kikiligin sa'yo? Sa may batuta lang ako puwedeng kiligin."
BINABASA MO ANG
The Love to Cherish
Romance(Love Transit #1) Cherish have everything planned in her head. Magtatapos siya ng may mataas na grado at maghahanap ng magandang trabaho. It was a promise she made to her aunt before she left the world. It was not easy juggling her academics and her...