"Aish! Unnie makinig ka naman!" on a Wednesday morning, I was phoned by Kazuha asking me to come to their dorm dahil napakatigas ng ulo ng pasyente niya.
Kkura unnie missed our practice yesterday dahil masama na ang pakiramdam niya. She got checked by the company doctor and ang hiniling na lamang niya ay sa dorm magpahinga to recover from her mild flu.
She thinks she's strong and all pero ultimong balanse sa paglalakad ay wala siya. According to Zuha, para siyang lasing na nagpupumilit na walang amats kahit meron naman talaga.
"Ayaw ko magkumot mainit" pang ilang beses na ata niya iwinaksi palayo ang kumot na inilalagay ko.
Obviously maiinitan siya dahil body temperature niya na tumaas pala overnight. Maya-maya naman ay sigurado akong hihingin na ulit niya ang kumot dahil lalamigin na naman siya.
"Naiihi ako" this unnie is a type who wouldn't want to receive a helping hand until failure proves her needs. Hinayaan ko lang siyang bumangon mag-isa, she'll ask for help kapag hindi na n'ya kaya.
Magdamag ata si Zuha nagvolunteer na tulungan siya kaya puro rejection yung natanggap nung isa.
"Wahh naikot ang paligid"
"Uyy anlayo pa ng dingding"
"Aray!"
"Chaewonah paakay na ako sa banyo please naiihi na ako"
That's it. That's the only cue I needed para tulungan siya.
"Kung hindi matigas ang ulo mo at hinahayaan mo si Zuha na alagaan ka since last night, pagaling ka na siguro ngayon"
I hate how I sounded like a nagging parent. I know it's not helping pero ang hirap talaga pigilan minsan magbunganga.
"Ayoko lang naman siya mapagod" sabi niya habang inaalalayan kong maglakad
"Sige na, sige na, ayusin mo na dyan para makatulog ka na ulit" sabi ko nalang. Hindi ito ang oras para mag-usap kami maalin man sa sermon style o heart-to-heart conversation. A sick person needs comfort at magsisimula iyon sa katahimikan ng paligid.
I'll try to shut my mouth para sa peace namin pareho.
"Chaewonah~" I hear unnie calls from inside the bathroom
"Oh? Bakit, unnie?"
"Salamat~" she said in a sing-song way "Magpahinga ka rin ha"
***
"Chaewonah... huy gising"
Feeling the light taps on my shoulder and right cheek, I slowly open my eyes to see who is waking me up.
"Bangon ka na d'yan pupunta na tayo sa practice" Kkura unnie greeted me with a smile "Nagluto ako ng pagkain bago tayo umalis"
Tumango lamang ako at niligpit ang nilatag kong higaan sa sahig. Unnie and I has identical rooms from different units pero kahit pa ganoon ay magkaiba ang setup ng gamit sa rooms namin. I should get inspiration from her design though.
A couple of minutes have passed before I realized kung bakit nga ba ako nasa kwarto niya.
"UNNIE!?"
"Why? May nangyari ba?" Unnie responds from the kitchen. I marched outside displaying a furious face
"Seryoso ka bang pupunta ka pa ng practice?! Unniehindiporkethindinakasingsamangpakiramdammokahaponyangnararamdamanmongayonehibigsabihinpwedekanaulitmapagod"
"Kain ka na—"
"ANGTIGASNGULOANTESABINGALAGAANMOYANGSARILIMOKASIPATIKAMINAGAALALAKAPAGMAYSAKITKAKAGABINGALANGIKAWLANGANGWALAPEROANGHIRAPMAGINGBUOKAPAGWALAYUNGPRESENSYANGISA—"
"Sweet"
"ANUBA UNNIE" ang exhausting talaga kapag intense na intense na ako rito pero chill pa rin siya
"Chill. Dito lang ako sa bahay. Ipinagluto lang kita para sure recharged ka bago mag-hussle practicing" natatawa pa niyang sabi
"Aish! Grabe din nga... arrgh! Unnie nakakainis!"
"Nag-outfit pa ako para maprank kita panis!" tuwang tuwa siya sa pakulo niya "Kain ka na dali! Malelate ka sa practice kanina pa nakaalis si Zuha"
"Di mo 'ko sasaluhan?" I ask as I sit infront of the dining table
"Nakakain na ako bago uminom ng gamot eh" she sat across my seat "Magvitamins ka after mo kumain. Naexpose ka sa virus ko eh"
"Strong ata ako napasobra raw ako dati sa bakuna eh" I joked then flexed my arms. Pareho lang kaming natawa.
"Thank you for taking care of me Chaewonah~"
"Wala naman akong masyadong naitulong Unnie"
"Still, salamat pa rin. Kung wala kang nakitang effort sa sarili mo, ako nakita ko at naappreciate ko yung efforts mo. Salamat sa pagtitiyaga kahit makulit ako bantayan"
"Unnie tayo-tayo lang rin naman ang magtutulungan. All of us want to help each other kaya huwag ka rin mahihiyang tumanggap ng tulong. Give and take kumbaga. Hindi lang puro giving ang responsibilidad mo sa grupo. It might be the pride of being the eldest among us na aalagaan kami, naiintindihan ko iyon, pero kung wala kang sakit kagabi baka nakurot na talaga kita kakataboy mo sa tulong namin" we once again both laughed dahil sa rant ko
"I know. Kaya nga ako thankful 'di ba?" Unnie said as she smile. Bakas pa rin sa mukha niya ang panghihina mula sa sakit. "Magpapagaling na ako buong maghapon today kasi baka ma-miss ninyo ako ng sobra"
"Ugh hangin pa rin talaga" I fake disgust
"ANG TIGAS NG ULO ANTE SABING ALAGAAN MO YANG SARILI MO KASI PATI KAMI NAG-AALALA KAPAG MAY SAKIT KA KAGABI NGA LANG IKAW LANG ANG WALA PERO ANG HIRAP MAGING BUO KAPAG WALA YUNG PRESENSYA NG ISA" she fake-shouted trying to mimic my unending rant earlier
We shared a wholesome laughter before I leave and go to practice. That unnie... has a mixture of classy and comedic personality.
*END*