"Ilapag niyo lang ang mga bag niyo diyan sa sala. Dito kayo ng kapatid mo titira."sinunod ko ang sabi niya, inilagay ko ang bag ko sa may upuan ng sala at napalinga-linga sa paligid.
"Ako naman ay sa kabilang bahay. Wag kayong mag-alala, pupuntahan ko kayo kapag kailangan niyo ako. May mga anak rin kasi akong kailangan alagaan kaya bibisita ako dito para lutuan kayo at aalis rin para ma-asikaso ko ang mga anak ko." sabi ni Tita at tumango ako.
Di kalakihan itong bahay. May dalawang kwarto, isang banyo, isang kitchen, isang round na dining table at may apat na upuan, may sala na may sofa at tv, at naka-tiles rin ang sahig. Kung tutuusin ay okay na ito para sa amin ni Beatrixe.
Mabilis ang paglipas ng panahon. Palaging ganoon ang routine namin. Naging mas malapiy kami ni Tita. Pumupunta siya para magluto ng pagkain namin at aalis rin siya, ako naman ay maglilinis ng bahay at si Bea naman ang maghuhugas ng mga pinggan. Minsan ay inuutosan ko siya.
"Ate, gutom na ako kakatrabaho dito sa bahay. Ala-una na oh. Gawa ka meryenda, pleaseee?" pagmamakaawa ni Bea.
Paano ako makakagawa ng meryenda eh kulang ang supply namin dito atsaka wala akong pera! Alam ko na, hihingi nalang ako kina Tita, nakapag grocery na siguro iyon.
Madali lang akong nakapunta kila Tita dahil kabilang bahay lang naman, may maliit na gate sa pagitan ng mga bahay namin. Nagsisilbi iyong lagusan namin at hindi na kailangang pumunta pa talaga sa main gate nila para makapasok.
Pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang limang mga lalaking naglalaro sa bakuran na mukhang mas bata pa sa akin. Siguro ay mga pinsan ko ito, may kalakihan ang bahay nila, hindi ko siya matatawag na mansyon pero para sa isang malaking pamilya na tulad nila ay pwede na ito. May second floor at balcony. Nakita ako ni Tita at pinapasok niya ako.
"Shakira, anong kailangan mo? Nagugutom na ba kayo?" pagtatanong ni Tita.
"Ah okay lang po ako pero si Bea kasi nagpaparequest ng meryenda sa akin. Eh wala kasing supply sa pantry ng kitchen, pwede bang makihingi ng sa inyo Tita?"
"Ah oo naman, kumuha ka lang ng kung anong gusto mo doon sa pantry namin, dumiretso ka lang doon sa likod." turo niya sabay alis papunta sa second floor ng bahay nila, may kukunin ata.
Kumuha ako ng powdered juice sa itaas na cabinet ng kitchen nila, at nakita kong may tinapay sa countertop nila, kumuha ako ng lima at isinilid sa nakita kong cellophane doon. Hindi naman ako nagugutom, kaya okay na siguro ito para kay Bea, mauubos niya rin ito for sure. Malakas yun kumain eh.
Pagkatapos kong kumuha ng kailangan ko ay dumiretso na ako sa sala, tamang-tama at bumaba na si Tita.
"Oh ito Shakira oh, ipinadala ng Mama mo, allowance niyo raw ni Bea para sa isang buwan." sabay abot niya ng pera sa akin. Nakita kong limang papel ng isang libo ito.
"Ang laki naman yata nito, Tita."
"Sige na, tanggapin mo na. Sinabi talaga ng Mama mo sa akin na ibigay ko raw yan ng buo. Kung sobra iyan para sa iyo, iponin mo nalang." pangungumbinsi niya.
"Atsaka, ipapahiram ko muna itong isang cellphone ko sa iyo para naman may pangtawag kayo sa Mama niyo. Cellphone ito ng isa kong anak. Hindi niya na masyadong ginagamit, eh paano at 5 year's old palang iyon. Puro laruan lang ang nililibangan." pahabol niyang sabi sabay tawa.
"Thank you so much for this, Tita."
"Walang anuman, kita tayo mamaya! Magluluto ako ng masarap na Kare-Kare pang hapunan niyo, paborito mo!" sabi niya sabay kaway.
Umuwi na ako at tinimpla ang powdered juice na kinuha kanina. Inilagay ko na rin sa plato ang tinapay na binalot ko kanina ng cellophane. Touch screen ang cellphone na ipinahiram ni Tita. Hindi ganoon ka latest pero pwede na. May wifi sila sa bahay nila kaya nagpa-password na ako kanina bago umalis. Ang pera na ibinigay niya ay plano kung pang grocery at ang maiiwan ay iiponin nalang.
YOU ARE READING
Forgive and Forget | On-going
RomanceOn the day I swore myself to finally let you love me was the day you take a step back and ran away. You walked away and all I did was to watch you, because no matter how I tried to make you stay, you still left. Date written: March 10, 2022 Hiatus f...