One

0 0 0
                                    

"Huy! Nakita mo ba kanina si girl?"

"Oo! Grabe, nakakahiya siya kanina. May pa luhod-ĺuhod pang nalalaman tapos nagmamakaawa."

"Masyado kasing nagpakatanga don kay J eh alam naman ng lahat pagiging babaero nun."

"Baaaaaks! Nakita ko si ano dun oh! Sa ano! Ahhhhh ang pogi talaga"

"Baks kalmahan mo lang, kinikilig ka eh hindi ka naman kilala."

"Nandito na pala kayo! Kanina pa ako nag-iintay sa bench sa baba. Buti nalang di ako nakatiis dahil medyo malamok doon."

"Hindi ka naman nagsabing mag-aantay ka pala!"

"Hindi naman ako galit pre, nakita ko pa nga kanina yung nagmo-model? Hindi ko alam yung pangalan pero nagpapicture ako kasi dami ring nagpapapicture."

Napailing nalang ako habang nagbabasa ng notes ko. Kaaga-aga yan na agad ang bungad. Pumasok lang ba sila para makipagkwentuhan at chismisan sa mga kaibigan nila?

Naglagay ako ng earplugs sa magkabilang tainga ko. Nag-open ng spotify at pinili ang playlist na lagi kong pinapakinggan, japanese and k-pop songs. Hindi ko gaanong nilakasan ang volume dahil hindi magtatagal ay darating na ang guro namin para sa first subject.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng notes pero nagfocus ako sa subject namin na mauuna dahil baka magkaroon ng recitation. Mahilig pa naman mangsurprise ng oral recitation ang mga teacher namin tapos magagalit kapag walang naisasagot ang mga estudyante.

Malamang sa malamang, wala silang maisasagot dahil hindi naman sila nag-aaral paglabas ng paaralan. Who knows kung anong pinagkakaabalahan nila? Hindi naman sila mga mangmang. Sadyang tamad lang talaga na ang motto ata sa buhay ay 'You Only Live Once' which is true pero hindi nila iniisip ang future. Masyado silang go with the flow.

Ipagpapatuloy ko pa sana ang pakikipag-usap sa sarili nang pumasok na ang guro namin kaya nilagay ko na sa lalagyanan ang earphones at isinilid sa bulsa ko.

Patuloy ang lecture ng guro nang hindi ko sinasadyang marinig ang pagdadaldalan ng mga nasa harap ko.

"May nakita ako sa balita kanina. Hindi ko alam kung totoo pero sana hindi."

"Bakit? Ano bang nasa balita?"

"May kumakalat daw na sakit sa ibang bansa? Hindi ko alam kung saan pero nakakatakot talaga. Parang nawawala sa katinuan yung mga tao, alam mo yung mga nasa mental? Parang ganon. Unang pinakita yung video na nagkanda himatayan yung mga tao, kuha ng cctv. Tapos babangon sila matapos ng ilang minuto na parang walang nangyari tsaka aalis. Tapos may mga kuha rin na babangga yung mga tao sa poste o kaya nasa pinto sila ng bahay nila tapos inuuntog yung ulo nila dun. Gets mo ba?"

"Oo. Weird nga, pero hindi naman ganoon kalala para matawag na takas mental."

"Uy beh hindi pa naman yun. Ito pa, days after nung mga video na yun, may mga nakikita na na bigla-biglang nang-aatake ng kapwa nila na para silang may rabies. Parang ano nga, cannibal? Kinikilabutan nga ako kanina."

"Totoo ba yan? Mamaya kakabasa mo ng novels yan ha, jusko. Parang imposible naman kasi. Kung may sakit man sila, paniguradong nasa hospital o di kaya sa bahay lang. Bakit naman may nasa labas if ever?"

"Oo nga! Masyado namang baliw sa novels tingin mo sa akin. Nakita ko nga kanina sa balita! Sana naman if virus yun, hindi makapasok dito sa bansa natin. Mahihirap tao dito, magkakasakit pa."

"Sana nga. Ayaw ko rin namang maranasan maatake bigla ng kung sino."

Natapos na yung pag-uusap nila at nakinig na sa guro. Hays, akala ko hindi na sila tatahimik.

Pero nabahala rin ako. Ano kaya yung pinag-uusapan nila? Sakit nga pero anong klase? Malakas ng tsansa makarating yun sa iba't ibang panig lalo pa't maraming nagpupunta doon tapos umuuwi sa kani-kanilang bansa.

Ipinagsawalang bahala ko nalang ito. May klase pa at maraming gagawin para mamroblema ng bagay-bagay. Ipinagpatuloy ko ang pakikinig at pagsusulat ng notes. Sanay ata to sa multi-tasking!



Tapos na ang pasok at pauwi na ako sa bahay. Hindi ako pagod physically pero grabe yung need na energy mentally. Na-drain ako sa mga activities at recitations kanina, akala mo wala ng bukas sa pagbibigay eh nasa gitna palang namin kami ng school year, marami pang buwan ang pagsasamahan namin.

Hmm?

Napatingin ako sa likod ko ng makarinig ng kalabog. May natumbang lalaki na nasa 40s na ata ang edad.

Pinuntahan ko siya upang tignan kung anong nangyari.

"Kuya? Ayos lang po ba kayo?" Hinawakan ko ang kaniyang braso para sana alugin nang magising. Pero napatigil din ng maramdaman ang kaniyang temperatura.

Bakit ang lamig?

Napakunot noo ako sa pagtataka. Paanong hindi eh napakainit ngayon. Kitang kita pa sa pwesto ko ang sikat ng araw. Sabihin na nating malamig lang talaga ang katawan niya, pero sobra naman to. Para siyang galing sa freezer.

"Tulong! May nahimatay po rito!" Sigaw ko. Hindi ko siya maiwan dahil pinapayungan ko siya. Baka mas lalong hindi magising.

Sisigaw pa sana ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Gag—!" Napalingon ako bigla at nakitang papatayo na ang lalaki na nakahiga lang kanina sa kalsada. Dali-dali naman akong tumayo rin para tanungin siya.

"Kuya, okay na po ba kayo?" Tanong ko pero tuloy-tuloy siya sa paglakad na parang walang narinig.

Hindi ko na lamang ito sinundan dahil liliko na ko papunta sa bahay.

Mukha namang okay na siya. Kung may sakit ay bakit hindi siya sinamahan man lang ng kung sino.

Napabuntong hininga nalang ako at binilisan ang lakad. Gusto ko nang humilata sa kama at ipahinga ang utak ko.

Bibili nalang ako ng sardinas tas lutong kanin. Di na kaya ng energy kong bumili ng mga sangkap tapos magluluto pa.



Hmm hmm hmm hmm hmm hmm~

Pagha-hum ko sa isang kanta habang nagtitimpla ng gatas. Hindi ko trip ang magkape at mas sanay akong uminom nito. Buti nalang may pandesal pa mula kahapon. Hindi pa naman tumitigas tsaka mukha pa namang edible. No time na mag-inarte kung wala namang iba, tsaka pwede pa to, wala namang ibang kakain kung hindi ako.

Binuksan ko rin ang tv upang manood ng balita dahil yun lang ang may saysay na panoorin sa oras na to.

"Mahigit-kumulang nasa trenta na ang mga pasyente na nasa Coral Hospital na iisa lang ang naranasan. Lahat sila ay nahimatay at isinugod ng mga nakakita sa kanila. May mga nagsususpetsiya na ito raw ang bagong virus na kumalat sa ibang bansa. Sa ngayon, tinitignan pa ng mga doktor at mga eksperto kung ano nga ba ang nangyayari."

Umiinom ako sa aking baso bago may naalala.

Ah! Si kuyang nahimatay kahapon. Kumusta kaya siya? Sorry nalang dahil wala naman akong pandala sa kaniya sa hospital. Sana lang ay maayos ang lagay niya.

Naalala ko rin yung pinag-uusapan ng dalawa kong kaklase kahapon. Baka ito yung tinutukoy nila. Nakapasok na pala dito sa amin. Sana ay hindi ito magdulot ng panic sa mga tao. Hindi man ganon karami ang trenta kung pag-uusapan ang populasyon, the fact na nasa iisang hospital lang sila ay nakababahala. Ibig sabihin ay malapit lang doon o around lang doon ang mga pinanggalingan ng mga pasyente.

Tsaka malapit lang din dito sa lugar namin iyon. Katabi ng katabi naming bayan. Kaya hindi nakapagtataka na baka makarating din dito ang sakit na iyon.

Napailing nalang ako at isinantabi ito. Tsaka ko na lamang iyon iisipin kapag nandito na. Ang estudyanteng kagaya ko na walang kasama ay dapat lamang alalahanin ang pag-aaral at wala ng iba. Napatingin ako sa orasan at nakitang oras na para mag-ayos para sa eskwelahan.


'Sino ba namang mag-aakala na madadagdagan ang aalalahanin ko kapag inalis ko ang pag-aaral sa aking prayoridad?'

— ♡ — ♥︎ — ♡ —
cresezun

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

InfectedWhere stories live. Discover now