Sound Break 6

15 2 0
                                    

Nagtataka si Hera sa kanyang paligid. Hindi niya alam kung bakit siya nandito at kung paano siya nakarating sa lugar na iyon. Ito ang dating tambayan nila ni Jah, nasa likod ito ng paaralan nila. Itinuon niya ang tingin sa isang parte ng lugar at namataan niya ang isang lalaking nakaupo sa bench na gawa sa kahoy, 'yong ginawa nila Jah dati.

“Hera, you're here!”  anang lalaki sa kanya.

“J-jah?” mahinang bulong niya sa pangalan ng lalaki.

Kumaway naman ang lalaki sa kanya, “Hera, come here!” pagtawag ni Jah sa kanya.

Napangiti siya at akmang lalapit na rito ng may tumakbo at nilampasan siya.

“Jah!” sigaw ng babae.

“Hera, buti naman at nakarating ka!” masayang tugon ni Jah sa batang si Hera.

“Oo naman, nagpromise ako sayo diba!” anang batang Hera sa batang Jah.

Sila 'yon dalawa ni Jah. Ito yung araw na nangako sila sa isa't isa na hindi sila mag-iiwan. Unti-unti siyang lumapit sa dalawa ngunit hindi na niya magawa dahil tila dumidilim na ang kanyang paligid.

"Hoy!" napabalik siya sa kasulukuyan nang marinig niya ang boses ng kaibigan, "kanina ka pa tulala ha, anong iniisip mo?" anito.

"Wala, may naalala lang" aniya at binalingan ito, "ningingiti-ngiti mo diyan?" aniya sa kaibigan nang mapansin niyang may pinipigilan itong ngiti, "ikaw ata ang may di makalimutan eh, miss mo?" tudyo niya rito.

Siya naman ang napangiti nang sumama ang tabas ng mukha nito, "mukha mo, miss!" anito at nauna sa paglalakad.

Tinawanan niya lang ito at hinabol, "sa'n ba kasi tayo pupunta?"

"To the Moon!" sigaw naman nito.

Masyadong affected ang beshy niyo.

Napailing nalang siya sa kaibigan at sinundan ito.

"Ready boys, practice ulit!" anang kanilang leader.

Naiintindihan naman nila ito dahil malapit na rin ang kanilang concert at kailangan nila itong paghandaan. Kailangan talaga baka mamaya pumunta yun eh.

"1 2 3–"

"Yeah we gonna go up,
Ibibigay ko ang aking puso,
Sa pag-abot ng pangarap
'di hihinto,
Handa nako'ng harapin ang lahat, yeah
Kahit pa impossible,
Yeah we gonna go up!"

"Good job, boys" palakpak at papuri ang natanggap nila sa manager, "I think ready na kayo para sa concert niyo, for now ipagpahinga niyo nalang muna ang mga boses ninyo, alright?" anito.

Sabay silang tumango sa manager, "Yes Miss!"

Nang makaalis ang manager nila ay ginawa agad nila ang utos nito, ang magpahinga.

"Good job guys" anang pinuno nila, "grabe, kahit practice ginalingan niyo–"

"parang may pinaghahandaan pinuno no?" ani naman Josh at binalingan sila dalawa ni Stell.

"anong mukha 'yan Josh? sipain kita diyan eh!" ani naman Stell rito.

"Ikaw ata ang may pinaghahandaan eh" balik niya rito, "rinig ko, pupunta raw si Cindy eh".

"Oh, pupunta si Cinderella, Josh?" tudyo naman ni Stell rito.

Sinamaan naman ng tingin ni Josh ang huli"Cinderella mo mukha mo!" oops, galit na yan.

"Oh bakit? Cinderella naman talaga pangalan niya diba?" pang-iinis parin ni Stell rito.

Kunti nalang, mapipikon na 'yan, "ako lang may karapatang tumawag ng Cinderella dun, kaya tigilan mo yang kaka-cinderella mo diyan at baka ako sumipa sayo!"

Recurring LoveWhere stories live. Discover now