Sound Break 9

16 2 0
                                    

Natapos na rin sa wakas ang concert.

“Get in the Zone, Break! Hi, We are SB19!” tugon ng grupo at nagpaalam.

Nang mawala sa paningin nila ang grupo ay nais na rin sana nilang umalis ni Nat kung hindi lang siya nakatanggap ng mensahe galing kay Jah.

@jahdedios: Let's talk!

Nang mabasa ang mensahe nito ay tila kasing lakas ng hiwayan kanina ang pintig ng kanyang puso. Kinakabahan siya ngunit ito rin naman ang hinihintay niya. Kinalma muna niya ang sarili at nagreply.

@heramenises: saan?

@jahdedios: come here.

Nung una ay naguguluhan pa siya kung saan pupunta ngunit nang mapagtanto ay agad siyang nagpaalam sa kaibigan at pinuntahan si Jah.

Papasok siya ng hinarangan siya guard. Mabuti nalang at dumaan sina Pablo.

“papasukin niyo na po 'yan manong at baka may magwala sa loob kapag di pa 'yan nakarating” ani Pablo na tinanguan lang ng guard at agad siyang pinapasok.

“explain your side, maiintindihan niya rin iyon, goodluck!” anito at tumango lang siya rito.

Nagpaalam na siya kay Pablo at sa ibang miyembro. Pumasok siya sa dressing room at doon ay nadatnan niya si Jah na nakaupo at nakayuko.

Napabuntong hininga siya at inihanda ang sarili.

Buo na ang desisyon niya. Gaya ng naging plano niya, kakausapin niya si Hera at liligawan.

Dapat ay magcecelebrate sila ngayon ngunit hindi na niya magawang ipagbukas ito kung kaya't nagpaalam siya kay Pablo na agad namang naintindihan nito.

Napaangat siya ng tingin ng may pumasok sa dressing room at roon ay nakita niya si Hera na nakatayo sa pinto at napabuntong-hininga.

“Come here!” tugon niya sa malamig na tinig.

Nang makaupo na ito ay agad siyang nagsalita, “Explain!” aniya sa matigas na boses.

Tumango naman ito at nagsimulang magsalita.

“I was bound to marry someone–” panimula nito.

Napatingin siya rito, “and you love him? kaya ba iniwan mo'ko?” pagputol niya rito.

Umiling-iling naman ito, “N-no, ikaw lang ang mahal ko noon Jah”

“Then b-bakit?” he asked, pain was evident in his voice.

“I'm sorry!” pagpapatuloy nito, “that time, ang tumakas at magpakalayo lang ang nasa isip ko” anito at pumikit na tila nilalabanan ang sakit.

Hindi na siya muling nagsalita at hinayaan nalang itong magpatuloy.

“My family doesn't like you and they like someone else. At nang malaman nila na may boyfriend ako ay nagalit sila. They asked me to break up with you. Ofcourse, I defied them. I love you and that's enough for me to defied them.

“Pinagpatuloy ko ang pakikipagkita sayo kahit ayaw nila. Kaya nung malaman nila ay galit na galit sila sakin. They- they violated me! Binugbog nila ako at tinakot” umiiyak na tugon nito.

Napapikit siya sa narinig. T*ngina! Hindi na niya kayang marinig ang iba pang sasabihin nito at lalong hindi na niya kayang marinig ang boses nitong nahihirapan.

Ang tanga-tanga niya! Hindi man lang niya napansin ang mga pasa nito. No, napapansin niya pero hindi niya lang inuusisa ang babae dahil magsasabi rin naman nito.

Lumapit siya kay Hera at niyakap ito, “I'm sorry!” tugon niya, “T*ngina!”

Paulit ulit naman itong umiling sa kanya at hinarap siya.

“hindi, wala kang kasalanan” anito at hinawakan ang kamay niyang nakakuyom, “Nung araw na dapat ay sasabihin ko na sana sayo, naalala mo ba nung gusto kong makipagkita sayo?” anito.

Tumango siya at bumuhos ang luha. Iyon ang araw na iniwan siya ni Hera, yung araw na nawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya.

“Nalaman nila ang plano ko kaya ikinulong nila ako at binugbog. Kaya nung umalis sila dahil pupuntahan nila ang lalaking papakasalan ko ay hindi na'ko nag-aksaya pa ng oras. Masuwerte ako at hindi nila na ilock ang pintuan ko nung umalis sila kaya nakatakas ako. Nang makalayo ako sa impyernong bahay na 'yon, ang nasa isip ko lang ay umalis, huli na nang maalala kong naghihintay ka pala.”

Tumango siya na ngayon ay naiintindihan na ang lahat. Napapikit siya at kinuyom ang mga kamay. Galit na galit siya. Hindi lang sa sarili kundi pati na rin sa nangyari sa kanila lalong lalo na sa dahilan kung bakit nila iyon naranasan.

I'm sorry jah! mahal pa rin kita, hindi nawala ang nararamdaman ko sayo kahit na ilang taon pa ang nagdaan. Hindi kita kinalimutan, nagtrabaho ako ng maigi at inayos ang sarili dahil ninais kong hanapin ka dahil baka meron pa, pwede pa. Kaya nung sumikat ang grupong SB19 at nakita ko'ng isa ka sa mga miyembro ay sinuportahan ko agad kayo, pinupuntahan ko ang lahat ng concert niyo at unti-unti ay nagustuhan ko na rin ang musika ninyo at kayo bilang grupo.” pag-amin niya.

Alam niyang hindi maibabalik ng mga salita niya ang pagmamahal ni Jah sa kanya pero nagbaka sakali pa rin siya.

Yakap pa rin siya ni Jah habang umiiyak silang dalawa. Alam niyang nasaktan na naman niya ito at baka nga sinisisi pa nito ang sarili sa nangyari at ayaw niyang gawin iyon ni Jah.

Unti unti narin siyang nahimasmasan hanggang sa tumigil na rin siya sa pag-iyak at ganun rin si Jah. Humiwalay sa kanya ang lalaki at bumalik sa upuan nito.

Napabuntong hininga siya dahil sigurado na siyang wala na talaga siyang pag-asa at kailangan niyang tanggapin iyon.

Napatigil siya sa pag-iisap ng kung ano nang magsalita si Jah.

“H-Hera”

“Hmm.” tugon niya at binalingan si Jah.

Bigla atang tumalon ang puso niya nang makitang nakatitig ito sa kanya.

“I'm sorry. Sorry kung hindi ko man lang napansin na na nahihirapan ka na pala. Sorry kung nagalit ako sayo at sorry kung naging masama ang pagtrato ko sayo nung muli tayong magkita.” tugon nito.

“Naiintindihan ko, galit ka at may karapatan kang maramdaman iyon–”

“Sabihin na nating galit nga ako pero hindi iyon rason para itrato kita ng ganun kahit pa inalagaan mo ako” pagputol nito sa sasabihin niya.

Tumango nalang siya at hinayaan itong magsalita.

“Hera, can I court you?”

Laglag panga niyang hinarap ang lalaki. Hindi siya makapaniwala sa ipinahayag nito. Kanina lang ay hinahangad pa niya ito at ngayon nga'y tinatanong na ni jah  ay hindi siya makakuha ng isasagot sa tanong nito.

Napatango ito sa kanya, tila kinukumpirma ang sinabi, “this is my plan from the start bago pa man kita kinausap at pakinggan ang paliwanag mo.

“I still love you. Hindi rin nawala ang nararamdaman ko sayo. Totoong nagalit ako at no'ng makita kita sa concert namin ay mas nagalit ako pero  mula rin ng araw na iyon ay hindi ka na mawala sa isip ko. At inamin sa sarili na mahal pa rin kita.

“tatanggapin ko kung ano man ang magiging desisyon mo” ani Jah at nginitian siya.

Pinasadahan niya ng tingin si Jah. Buo na ang desisyon niya. Susundin na niya ang isinisigaw ng puso at papayagan itong manligaw.

Tinanguan niya ang lalaki na ngayon ay nagulat sa naging sagot niya. Napangiti siya sa naging reaksyon nito kaya nagsalita na siya, “papayag akong manligaw ka” nahihiyang aniya.

Tuluyan na itong napangiti sa kumpirmasyon niya, “Hinding hindi ko sasayangin ang oportunidad na ito at asahan mong aalagaan kita sa abot ng aking makakaya! Thankyou, Hera!” anito.

Tumango rin siya rito at ngumiti. Sana nga, dahil hindi na niya kakayanin pang mawalay rito sa ikalawang pagkakataon.

Recurring LoveWhere stories live. Discover now