Annyeonghaseyo *kaway kaway* ! Ako nga pala si Ice Samonte. 14 years old, 2nd year highschool sa ***********. Maganda, matalino, sexy (xD), maingay, madaldal, friendly AT mabait. Marami akong kaibigan at bestfriends. At isa na dun si Anna Cruz. Classmate ko sya since 1st year. Siya yung naging bestfriend ko nung new student pa lang ako sa school namin. New student lang kasi ako nung 1st year, at sya yung naging bestfriend ko. Maganda, mabait, matangkad, madaldal din at maingay. At higit sa lahat, alam nya ang lahat tungkol sa akin, well not literally lahat. Alam nya lahat ng kalokohan ko, lahat ng masasaya at malungkot na nangyari sa buhay ko. At lahat ng kahihiyan ko alam din nya.
Okay! Tama na muna sa introductions. Papasok muna ako sa school, baka kasi ma-late pa ako.
Yan! Buti na lang hindi ako na-late... At kung sinuswerte nga naman ako! Nakita ko yung mahal ko ♥ Siya si Adrian De Vera. Gwapo (sobra), cute (sobra), matalino, kalog, mabait AT PINAG-AAGAWAN NG LOWER LEVELS. Mahal ko sya, kaya lang di nya alam, nakakatakot kasing umamin.
"Hoy! Makatitig wagas ah! Matunaw yan!" Si Anna lang pala. Akala ko kung sino na.
"Enebenemenyen! That's life bebe!" AHAHAHAHAHA
"Nga pala bebe, malapit na birthday ko. Gift ko?" Ako ulit. And yes, malapit na birthday ko. Gift ko ha ^o^
"Wala ehhh... Next time na lang" Anna
"Okay fine" Ako. Understanding naman ako ehhh :)
*Pagkalipas ng ilang araw*
HAPPY BIRTHDAY TO ME!!! Yeah! Birthday ko na ngayon. Gifts ko ha! Tumatanggap pa rin ako kahit late =)))
"Hi!" si Mari Ramos, isa pa naming bestfriend ni Anna. Kaya lang iba yung section nya kaya hindi kami masyadong nagkakasama. Pero, bestfriends pa din!
"Hello!" Ako, habang naghihintay na batiin ako.
"Uy wait lang ah. Pasok ko lang 'tong gamit ko sa classroom" Anakng! Bakit di ako binati? Wag nyang sabihin na nakalimutan nya na birthday ko ngayon?!
Pagkalabas nya ng room nila, tinanong ko agad sya.
"Huy! Wala ka bang sasabihin?" Ako, kakainis eh!
"Wala. Bakit? Ano bang sasabihin ko?" Mari. Anobayan! Bestfriend oh! Tapos di alam na birthday ko!
"Wala! Wala ka dapat sabihin!" Kakainis!
"Bakit ba?!" At sya pa ang galit!
"Bahala ka sa buhay mo!" Pagkatapos kong sabihin yun, pumasok na agad ako ng room. Kaasar! Bestfriend ko pa man din!
Nagulat ako nung bigla kong narinig yung boses ni Mari. Tinatawag nya ako. At dahil open doors and windows ang school namin, malakas ang dating ng boses niya. Nilapitan ko sya ng padabog
"Oh?! Anong problema mo?!" Kapikon eh!
"Sorry! Nakalimutan ko! Happy Birthday Bestie!" tapos niyakap nya ko.
"Hindi! Bestfriend mo tapos makakalimutan mo yung birthday! Tapos ikaw yung galit" Tapos inalis ko yung yakap niya sakin.
"Uy! Sorry na! Happy Birthday!" Tapos niyakap ulit ako
"Hindi! Galit ka kanina diba?"
"Sorry! Nakalimutan ko ehhh... Sorry talaga! Happy Birthday ulit!" Tapos niyakap pa ako ng mas mahigpit na yakap. Di na nga ako makahinga ehhh... At dahil bestfriend ko sya, syempre di ko sya matitiis. Niyakap ko na rin sya
"Okay Fine!! Salamat sa pagbati!" Di ko matiis eh. Kaming tatlo kasi yung magbe-bestfriend nila Anna.
Tapos nung mala-dramang eksena namin ni Mari, pumasok na ako sa classroom namin. Madami na rin ang bumati sakin. Maski nga yung mga taga-ibang section binati din ako, maski yung bebe ni Anna na si Nico binati din ako. Si Nico Gonzales nga pala ang pinakamamahal ni Anna, yung nga lang, hindi din alam ni Nico na mahal sya ni Anna. Gusto nyo i-describe ko si Nico? Wag na lang. Di ko feel ehhh... De joke lang. Si Nico ay matangkad, gwapo, kalog, PINAG-AAGAWAN DIN NG LOWER LEVELS at oy wag kayo, sumasali sa mga modeling contests yan!
At sakto nung binati ako ni Nico, kasama ko si Anna at si Xee (pronounced as see) kaya inasar namin ng inasar si Anna xD. Describe ko din si Xee? Si Xee ay classmate din namin since 1st year at isa pa naming bestfriend ni Anna. Maganda, mabait, matalino (sobra) at mabait (sobra).
Okay! Tama na sa kanila! Ang dami ding bumati sakin. Yung iba nga hindi ko kilala eh.
Yes! Uwian na! Aalis lang kami. Ayoko kasing maghanda. Madami pa akong aasikasuhing tao. Kaya sa labas na lang kami kakain. Hindi muna kami umuwi ni Anna. Pumunta muna kami sa tambayan naming dalawa... sa playground ^______^ ! Sabihin niyo nang isip bata kami, eh sa ganun talaga.
"Oy bebe! Binati ako ng bebe mo!" Ako, wala lang. Gusto ko lang syang inggitin.
"Oo na! Eh bakit nung birthday ko hindi nya ko binati?" AHAHAHAHAHAHA! sabi ko na nga ba eh xD
"Ganun talaga..."
"Eh yung bebe mo binati ka?" Ay! Oo nga pala! Hindi ehhh :(
"Yung bebe ko? Hindi eh" so sad ='(
"Oh? Eh binati ako ng bebe mo nung birthday ko eh" Anna. Weh?
"Eh nagkapalit pala tayo! HAHAHAHAHAHAHA!" xDDD
*After 30 minutes*
"Bebe uwi na ko. Aalis pa kami diba?" Ako, mag-aayos pa kasi ako eh
"Ay oo nga pala. Sige"
"Tawag na lang ako pag di pa kami aalis"
"Yan! Gusto ko yan!"
Tapos hinatid nya na ko sa sakayan. Pagka-sakay ko, umuwi na agad siya. Malapit lang naman yung bahay niya sa sa school eh.
Pagkauwi ko sa bahay, nagbihis agad ako. Pagkabihis ko, humiga agad ako sa sofa at tumawag agad ako kay Anna.
"HOY!" Ako, wala, gusto ko lang manigaw.
"Maka-sigaw ha... Di pa kayo aalis?" Anna
"Maya-maya pa daw"
"Ah okay"
At dahil naka-facebook ako sa mobile, pinuntaha ko yung profile ng bebe ko ♥
"Oy Anna, sa tingin mo, add ko si ano o hindi" hindi ko na binanggit yung pangalan ni Adrian. Baka kasi marinig pa nila mama.
"Oo naman!" Anna
"Okay." Tapos clinick ko na yung "Add as friend" button.
"Ano? In-add mo na?" Anna. Excited ehhh...
"Oo. Uy alis na kami ah. Kita na lang tayo bukas"
"Sige. Happy Birthday ulet! Bye!"
Sige, salamat! Bye!"
Tapos binaba ko na yung telepono at umalis na kami.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi! Ako ulet ^___^ At muli, kung may magbabasa po nito, pwede po bang mag-leave kayo ng feedback if maganda sya or hindi? Thank you =)))
cutie_fly <3
![](https://img.wattpad.com/cover/4574182-288-k389277.jpg)