Prologue
Malalim ang hinugot kong hininga at binuga ‘yon nang marahan. Tinitigan ko ang score na naka-display sa google classroom. 70/80.
“Hoy, para ka nang iiyak! Okay ka lang?”
Nilingon ko si Zeydie na may pag-aalala akong tiningnan.
Tangina talaga ang babaeng ‘to, sinisira ang moment.
“Gusto ko lang naman magluksa ng slight. Pwedeng ‘wag ka muna mag-aalala. Nakakainis ka.” I pouted.
Hinampas niya ako. “Anong magluksa? Walang magluluksa! Mag-jabee tayo!”
Nagpapalakpak si Zeydie tapos ay hinigit na ako papunta sa hagdanan para makababa na kami ng Guillermo Building. Tinawag kami ng mga kaklase pero hindi talaga nagpaawat si Zeydie kaya nagmadali na lang akong nagpaalam sa kanila. May nais sumama kaya sinabihan ni Zeydie na magkita na lang daw kami roon.
“Puwede naman sumabay sa kanila,” nahihirapan kong sabi sa hingal habang inaabangan ang mga kaklaseng singkupad ng pagong. Nasa ground floor na kaming dalawa habang sila ay sumilip pa talaga sa’min sa second floor.
“Traydor kayo! Hintayin niyo kami!” duro ni Mikael sa’min, nakasigaw pa.
Nakakahiya talaga ang kaingayan niya. Umakto kaming hindi sila kilala kaya natatawa ang iba bago bumaba na.
Inakbayan ako ni Warren habang sinisilid ko sa bag ko ang test paper ko sa Mathematics in the Modern World. Inangat ng kamay niya na nakaakbay sa’kin ang bag nang nahirapan akong isara ang zipper nito.
“Ang bigat ng bag mo. Tatlo lang subjects natin ngayon ah,” komento niya.
Nakasunod kami sa aming mga kaklase na pinapangunahan ni Zeydie na masyado yatang masaya at binabati pa ang nakakasalubong namin papalabas ng campus. Matataas scores niya sa midterm exam namin kaya masaya talaga kapag gano'n.
Ibinalik kasi ang mga midterm exam papers namin sa linggong ito kaya lima na ang naisilid ko sa bag. May dalawa kaming subjects mamayang hapon. Nagdadasal na nga ako ngayon na pasado rin ang scores ko sa mga 'yon. Mahirap na. I am aiming for Laude pa naman.
“Ayaw ko namang bitbitin ang water bottle. ‘Tsaka inipon ko ang mga notes ng dalawang subjects sa iisang notebook. Para tipid, gano’n.”
He nodded. Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa’kin but he linked our arms together. Sobrang clingy talaga. Gano'n din naman ako sa kaniya kaya ayos lang.
“Ang hirap manghingi ng tulong sa seniors. OJT rin nila kaya baka makaabala lang tayo,” I heard Nathalia said na tinanguan ng halos lahat sa’min. Hindi ako tumango kasi hindi ko nasundan ang usapan.
Nang nakalabas sa campus ay nagdesisyon kaming sumakay ng jeep kahit na may mas malapit na Jollibee sa Cebu University. Lalakarin lang iyong nasa Elizabeth Mall pero dahil lunch time, siguradong maraming nakapila at puno na roon.
BINABASA MO ANG
lines we cross
RomanceMath Trilogy: Novel 1 Alfarah Hue Garcia Sa pagtuntong sa kolehiyo, hindi niya napaghandaan ang mga pagsubok sa kaniyang buhay. Sa walang kasiguraduhang hinaharap, magagawa pa niya kayang sumugal sa pagmamahal? Ang krayola ay kaya niya pa bang hawak...